SASWY -- Chapter 18

3K 101 25
                                    

Chapter 18


(Claire's Point of View)


It's been already more than a week since nagbreak sila Elise at Jed. My reaction? Galit. Inis. Why of all people si Elise pa? Best friend ko pa talaga? Feeling ko kasalanan ko din to e. Mas kilala ko si Jed kaysa kay Elise dapat no'ng una pa lang pinalayo ko na si Elise kay Jed.

Gusto ko lang naman kasi na magkaroon na ng bagong pagtutuunan ng pansin si Elise. Alam ko naman kasi na hindi pa siya nakakamove on sa kanila ni Xavier. Sobrang alam ko yo'n at dahil do'n naguiguilty ako.

I never expected this to happen. Ang alam ko lang ay nagbago na si Jed for the better. At mahal na ni Elise si Jed at nakapagmove on na. Hindi ko naman alam na may hidden agenda si Jed. Mas lalo tuloy ako nakokonsensya, I gave my best friend her first heart break and now I'm giving her, her second one.

Pero may isa pa akong dahilan kung bakit ako naiinis at nagagalit sa nangyari. Simula nang mangyari 'yon at nakita mismo ni Xavier ang nangyari nakita ko kung paano siya nag-alala kay Elise. Ramdam na ramdam ko yun dahil ako ang nasa katawan ni Elise.

Ramdam ko rin 'yung pagpapahalaga at minsan, masakit man isipin, ramdam ko rin 'yung pagmamahal. Nawawalan na nga siya minsan ng time sakin para lang kay Elise. Para lang pangitiin ito kahit na minsan hindi ko siya pinapansin. Hindi siya sumuko na gumawa ng part niya bilang kaibigan.

Hindi ko na alam kung dapat pa ba akong matuwa o hindi. Kasi ako naman ang ginagawan niya ng 'yon. Pero ang alam naman niya ako si Elise.

I'll be straight to the point. Nagseselos ako kay Elise. Kasi nasa kanya na nga ang lahat ng atensyon ng barkada. Hindi ako attention seeker pero pati kasi boyfriend ko nasa kanya na ang atensyon.

Kahit hindi ako 'yung mismong nasaktan. Kahit na hindi ko naman talaga naramdaman 'yung sakit na naramdaman ni Elise. Ang alam nilang lahat I'm in pain at nakikita nila 'yon sa mga kinikilos ko. Hindi ako umaarte. I'm just depressed dahil ayoko ng mga nangyayari, nakakapang-hina.

'Yung ikaw ang dahilan ng heartbreaks ng best friend mo which is pinagsisisihan ko talaga and I'm sincere with it, 'yung boyfriend mo na nasa ex niya ang atensyon. Alam kong ako 'yun pero mas okay pa yung hindi niya ako pinapansin sa katawan ni Elise kaysa naman sa ganito siya.

Minsan tuloy naiisip ko, nahuhulog ba siyang muli kay Elise? Pero sa tuwing iniisip ko yun nasasaktan ako. Sana iniisip ko lang 'yon. Sana ako pa rin ang mahal niya.

"Elise!"

"Ay kabayo!"

"Easy, sa gwapo kong 'to hindi ako pwedeng maging kabayo Elise."

"Anong ginagawa mo dito sa library, Xavier?"

"Hinahanap ka." Bakit naman niya ako hinahanap? I mean bakit naman niya hinahanap si Elise? Subukan mong mag-taksil sa akin Xavier. Humanda ka talaga.

"Bakit mo naman ako hinahanap?" Mataray na kung mataray. Alam kong hindi mataray si Elise pero kailangan kong malaman, dahil kung hindi gagambalain nanaman nito ang aking puso at utak.

"Wala lang. Namiss kita e at nag-alala ako, baka kasi nagpakamatay ka na." Ano daw?! Tiningnan ko siya na para bang 'di makapaniwala at bigla na lang siyang tumawa.

"Biro lang Elise. 'To naman grabe magreact. Hinahanap kita kasi ikaw yung leader sa proect natin sa TLE at pinapatawag ni ma'am ang lahat ng leader, may something daw siyang idi-discuss." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Bwiset ka Xavier! Papatayin mo ba ako sa kaba?

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon