SASWY -- Chapter 13

3.3K 100 14
                                    

Chapter 13


Matutulog na sana ako nang biglang may nagdoorbell kaya napabangon ako ng kama. Sino ba naman kasing matinong nilalang ang bibisita ng ganitong oras?

Tamad na tamad kong binuksan ang pintuan at nagulat ako kung sino ang nakita ko, si Jane. Isa siya sa mga best friend ko, nagkahiwalay lang kami no'ng naghigh school dahil nagmigrate sila ng family niya sa America. Napansin ko rin na may gwapo siyang kasama.

"Jane! Namiss kita grabe!" sabi ko tapos ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Namiss din kita Elise!"

"Nga pala Elise, boyfriend ko, si Kyle," pagpapakilala niya sa lalaking kasama niya. Pinapasok ko muna sila pero nagpaiwan sa labas si Kyle para daw magkaroon kami ng privacy.

"O bakit ka napauwi? Kailan ka pa dito? Hanggang kailan ka mags-stay dito? And mind sharing kung paano kayo nagkakilala ni Kyle?"

"Teka lang naman Elise, isa-isa lang ang tanong. Umuwi ako dito kasi nagkaroon ng problema 'yung kompanya namin sa America, ayaw daw nila akong madamay kaya dito raw muna ako sa Pilipinas. Kakarating ko lang at dahil namiss kita, dito agad ako pumunta. Kung hanggang kailan ako dito hindi ko din alam basta hanggang matapos ang gulo doon." Tumango lang ako bilang pagsagot tapos tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi pa niya sinasagot ang huling tanong ko.

"'Yung tungkol naman sa amin ni Kyle, tsaka na lang ha? Ikaw na lang muna ang magkwento. 'Di ba may boyfriend ka na din? Pakilala mo naman sa 'kin!" Ang huli naman sa balita nitong babaeng 'to.

"Wala na kami Jane, no'ng April lang," malungkot kong sabi.

"Ano? Ilang months lang kayo? E baliw pala 'yang lalaking 'yan e, gugulpihin ko 'yan. Sino ba 'yan? Nako! Ang katulad mo Elise dapat hindi iniiwan!" Wow, sobrang affected naman niya.

"Puso mo Jane, isa lang 'yan. Eight months lang kami ni Xavier may iba na siya at magdadalawang buwan na sila, kaya hayaan na lang natin siya."

"Ano? E sira pala talaga tuktok niyang Xavier na 'yan e! Hindi niya ba alam 'yung 3 months rule? Sino naman 'yang babaeng pinalit niya sa 'yo? Kapag yan panget, nako!"

"Si Claire." Napahinto si Jane sa narinig, siguradong nagulat siya.

"Sinong Claire? Sarah Claire Wilson? 'Yung baliw nating best friend?" Tumango na lang ako bilang pagsagot, siya naman natahimik lang.

"Paano 'yan? Okay pa ba kayo ni Claire?"

"Oo naman, kakaayos lang namin dahil sa pangyayaring hindi namin inaasahan." Nagtaka naman siya kaya naman kinwento ko na sa kaniya ang mga pangyayari. Hindi siya naniwala sa una pero sa ilang ulit na pagpapaliwanag at pagbibigay ng pruweba mukha namang medyo naniniwala na siya.

"Jane, 'wag mo muna 'to sabihin sa iba, please? Kahit sa pamilya namin."

"Oo naman, kahit nakakaloko pa 'yung kwento mo hindi ko ikakalat yo'n. O pano? 11:30 na Elise, aalis na kami bukas na lang ulit sa school, do'n din naman ako papasok sa school niyo."

"Sige ingat kayo." Hinatid ko sila sa may gate tapos ay bumalik na din ako sa kwarto ko para matulog.

*****

"Elise!" kakalabas ko lang ng bahay nila Claire nang may tumawag sa pangalan ko.

"Jane? Ano ka ba! Claire ang itawag mo sa 'kin kapag nasa labas okay? Baka may makarinig pa sa 'yo diyan e," sabi ko at sumakay na sa sasakyan, pinasakay ko na rin si Jane.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon