SASWY -- Chapter 14

3.2K 98 26
                                    

Chapter 14


Sabado ngayon at as usual, kailangan na naman naming umalis ni Cliare para maghanap ng taong makakatulong sa kalagayan namin. Nasa labas kami ni Jane ng gate ng bahay namin, at hinihintay na lumabas si Claire. Ilang sandali lang naman ay lumabas na siya, pero bakit hindi pa siya nakabihis?

"Elise! Sa susunod na sabado na lang, hindi ka pwede ngayon e." Ako hindi pwede? Paano naman kaya nangyari 'yon?

"Bakit naman? Ikaw nga 'tong di pa bihis diyan tapos ako pa ang 'di pwede?"

"Nag-aya kasi ng date si Xavier. Hindi naman pwedeng ako 'yung pumunta 'di ba? At mas lalo namang hindi pwedeng hindi ka pumunta. Bumalik ka na lang sa bahay Elise at hintayin mo do'n si Xavier, okay?" Wala na akong nagawa kundi sundin na lang siya. Mahirap na kapag nagtampo ulit si Xavier, kaka-ayos nga lang nila no'ng isang araw mula sa away nila no'ng lingggo ng gabi.

"So makikipagdate ka talaga sa ex mo?" tanong ni Jane pagkapasok namin sa kwarto ni Claire, habang namimili ako ng mas maayos na damit na susuotin.

"Oo, no choice e."

"Ano ka ba naman Elise! Dapat hindi ka na lang pumayag. Alam mo nakakatawa 'yang ginagawa mo! Tinutulungan mo talaga na 'wag magkahiwalay 'yung ex mo at 'yang traydor nating kaibigan." Bakit ba ang big deal para sa kanya no'n?

"Jane, okay lang. 'Wag mo nang gawing big deal ang relasyon nila at ang past namin ni Xavier pwede? Hayaan na lang natin silang maging masaya."

"Elise umamin ka nga sa 'kin. Pumapayag ka ba dahil may gusto ka pa kay Xavier? Alam mo 'yan ang dahilan kung bakit hindi ka pa nakakapagmove on e! Basta may chance na makasama mo siya go! Kahit sa katawan pa ng iba go! Kahit alam mo namang hindi ka na niya mahal go pa rin! Ano pala si Jed? Vulcaseal?" Hindi ko alam kung paano nalaman ni Jane na hindi pa talaga ako totally nakakamove on at kung paano niya nalaman na rebound ko lang si Jed. Masyado ba akong halata?

"Ano natahimik ka? Tama ba ako? Elise payong kaibigan lang, tama na yung weekdays na palagi kayong magkasama ng ex mo. Mas bigyan mo na lang ng oras 'yung manliligaw mo kung hindi nga siya Vulcaseal." Speechless na naman ako sa sinabi ni Jane, pero tama siya, sapat na 'yung weekdays at kailangan ko ring mas bigyan ng panahon si Jed. Umalis na siya ng bahay ay maya-maya lang ay dumating na din si Xavier.

*****

Nasa mall kami ni Xavier. Oviously, dito niya ako dinala for date. Kumain lang kami at nanuod ng sine pagkatapos ay nag-timezone naman kami.

"Claire, my loves. Do'n ulit tayo sa air hockey dali."

"Okay." Hinila na niya ako papunta sa air hockey. Kanina pa ako bangag. Ang sweet kasi masyado ni Xavier, paano ko ba pipigilan 'yung kilig ko? Bumalik ako sa katinuan nang marinig kong tumawa sa Xavier.

"My loves, antok ka na ba? Three points na ako o! Ikaw zero pa rin." Tumawa pa siya ulit. Tiningnan ko ang scoreboard at 3-0 nga ang score.

Naglalaro pa rin kami nang biglang nakaramdam na naman ako ng matindin pagkahilo, hudyat na babalik na kami ni Claire sa dati naming katawan. Pumikit ako para bawasan ang sakit at pagdilat ko-

"Elise! Kakain na!" Nandito na ako sa kwarto ko. Lalabas na ako para kumain ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang nagtext, si Jed pala.

From: Jed

Good evening Elise! How's your day? Miss na kita. :(

Napangiti ako sa text ni Jed kahit na simple lang ito. Kahit maikli lang ang message kinilig na ako lalo na sa 'miss na kita' part.

To: Jed

My day was a bit boring, pero okay lang I did some school stuffs. Kakain lang muna ako then itetext na lang kita after ha? :)

Lumabas na ako at excited na kumain para makapagtext na kami ni Jed. Sino na ba talaga ang mahal ko? Si Xavier pa ba? O unti-unti na siyang napapalitan ni Jed sa puso ko? Nakakalito! Ugh. Pero sa tingin ko alam ko na ang sagot sa tanong ko.

*****

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas pero walang namang nagbago. Gano'n pa din kami ni Claire, sweet pa din si Xavier at nanliligaw pa din si Jed.

"My loves, sa tingin mo sinong katext ni Elise?" Napatingin ako kay Claire na kasalukuyang nakikipagtext kahit may klase, sino nga kaya 'yon? Nagkibit-balikat na lang ako bilang pagsagot, hindi ko naman talaga alam. Cellphone naman niya 'yon kaya paano ko malalaman?

"Sa tingin mo si Jed 'yun?" I don't think so. Kung magtetext man si Jed, ako dapat ang makakareceive no'n.

"Alam mo, natutuwa ako kay Jed." Napatingin ako kay Xavier. Bakit naman kaya siya natutuwa sa pinsan niya? "Kasi mukhang seryoso talaga siya kay Elise. Nagbago na nga ang loko." Hindi ko siya nagets. Anong pinagbago ng pinsan niya? "Dati kasi pinakamatagal na niyang panliligaw ang isang linggo, ngayon nakatagal siya ng isang buwan." 'Yon pala, kinilig naman ako sa nalaman ko kaya palihim na lang akong ngumiti.

*****

Alas-sais pasado na ng gabi, kakatapos lang ng meeting namin tungkol sa field trip kaya papalabas pa lang ako ng school. Hinahanap ng mata ko si Jed dahil excited na akong sabihin ang isang bagay na alam kong ikatutuwa niya nang biglang may nagstrum ng gitara. Napukaw nito ang atensyon ng lahat ng estudyanteng papalabas ng school.

Tiningnan ko kung sino ang tumutugtog ng gitara at nakita ko ang kanina ko pang hinahanap, si Jed. Lalapitan ko sana siya nang bigla siyang kumanta.

"There's a shop down the street, where they sell plastic rings for a quarter a piece I swear it." Oh my god. Ako ba ang kinakantahan niya? Nakatitig kasi siya sa 'kin e. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang tuwa, pinapakilig na naman niya ako. Plus points pa dahil isa sa mga favorite kong kanta ang kinakanta niya, Endlessly ng The Cab.

Pagkatapos niyang kumanta, may kinuha siya sa lapag na isang blue cartolina na may nakalagay na "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?"

Napangiti lang ako at inangat ko din naman yung ginawa ko kagabi sa isang construction paper na blue, isang lettering na ang nakasulat ay "YES." Mahal ko na talaga ang taong nasa harap ko. Mahal ko na si Jed.

e


Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon