SASWY -- Chapter 24

2.8K 88 21
                                    

Chapter 24


(Claire's Point of View)

Nasa bahay na ako, nasa kwarto ko to be exact. Umiiyak pa rin, alam ko galit sila sa akin pero hindi naman ako nagsisisi kahit pa hindi naman totoo 'yung sinabi ng matanda na "bago pa mawala sa akin ang kaligayahan ko ay kailangan kong isakripisyo ang sikreto ko."

Umamin ako kasi napag-isip-isip kong, hindi ko deserve ang pagmamahal ni Xavier at Elise kasi pinaglaruan ko 'yung relasyon nila dati, pero alam ko minahal naman talaga ako ni Xavier at sapat na 'yon sa akin.

Kung mahal pa ni Xavier si Elise siya na ang gumawa ng paraan do'n hindi ko na kailangan pang makisali, hahayaan ko na lang sila.

Nakikipagtitigan ako sa kisame habang inaalala ang break up scene namin ni Xavier.

6:45pm noon at nasa labas ako ng bahay namin. Hinihintay ko si Xavier kasi susunduin daw niya ako.

Sumakay ako kaagad sa sasakyan ni Xavier pagkadating niya. Kinakabahan ako no'n at napadasal na lang, Diyos ko, kung ito na po 'yung huling araw na magiging kami, sana po maging masaya ang mahal ko.

"My loves, I love you," sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"I love you too. Bakit naman out of nowhere bigla kang nag-I-love-you diyan?"

"Wala lang bawal ba? I love you!"

"I love you too. Hindi naman bawal nagulat lang ako."

Ilang minuto lang ang lumipas nasa school na kami at marami ng tao sa loob ng venue. 6:53pm na pala, malapit na pala magstart ang party.

"My loves, tara, may sasabihin lang ako sa 'yo." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at hinila ko na siya sa likod ng building ng school.

"Ano bang sasabihin mo Claire? Bakit kailangan dito pa?"

"Xavier, mahal na kita no'ng first year pa lang." Halata ang pagkagulat sa mukha niya sa mga sinabi ko, pero hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang mga dapat kong sabihin.

"Kaya no'ng maging kayo ni Elise sobra akong nasaktan. Inisip ko no'n na magmove on na lang, kaso hindi ko pala kaya. Kaya naman pinaghiwalay ko kayo."

"Anong sinabi mo?!" pasigaw niyang tanong. Alam kong galit na siya sa mga oras na 'yon.

"Noong mga panahong nagtatanong ka kung kamusta na si Elise, totoo na nahihirapan na siya, pero hindi totoo na gusto na niyang sumuko. Sa katunayan nga gustong gusto na niyang umamin para hindi na kayo mahirapan at sinabi pa niya sa akin na hinding hindi siya susuko."

"Bakit mo ginawa yo'n Claire?" tanong niya ulit. Hindi na ito pasigaw pero alam kong nagtitimpi lang siya.

"Kasi mahal nga kita Xavier. Ginawa ko yo'n para makuha ang loob mo. Kaya nga no'ng nagbreak kayo palagi akong nasa tabi mo 'di ba? Sinasabi ko pa sa 'yo no'n na nakahinga na din ng maluwag sa wakas si Elise pero ang totoo no'n wala siyang tigil sa pag-iyak tuwing gabi."

"Tanginang pagmamahal 'yan Claire! Napkaselfish mo! Kaligayahan mo lang iniisip mo! Akala ko noon sobrang tama ng ginawa ko para hindi na mahirapan si Elise pero sobrang mali pala kasi mas lalo siyang nahirapan." Sinigawan na niya ako at minura pa, ang sakit, sobrang sakit ng mga pangyayari kaya hindi ko na napigilang umiyak.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon