SASWY -- Chapter 31

2.4K 63 23
                                    

Chapter 31


Excited na ako! May date kasi kami ni Nath dahil 3rd monthsary na namin. First date namin 'to. Palagi kasing sa bahay bahay lang kami nagbobonding. Tulad no'ng 1st and 2nd monthsary namin sa bahay lang kami nagcelebrate, kahit no'ng valentines sa bahay lang.

Manunuod kami ng sine! Fast and Furious 6! Excited na talaga ako kasi crush ko si Vin Diesel! Ang gwapo kasi niya! Siya na ang pinakagwapong kalbo sa balat ng lupa. Nakakatawa man, totoo naman.

"Hoy bruha! Lumbas ka na diyan! Nasa sala na 'yung date mo," tawag sa 'kin ni Ate Paula habang kinakatok ng malakas 'yung pinto ng kwarto ko.

"Opo, lalabas na." Kinuha ko muna 'yung gift ko para kay Nath na nasa paperbag tapos lumabas na ako ng kwarto.

"Happy monthsary!" bati ko tapos upo sa tabi niya, inangat ko 'yung paperbag pero hindi niya ito kinuha, kundi tinitigan lang.

"Kunin mo naman Nath, nangangawit na ako," sabi ko sa kanya.

"Ano ba 'to? Bigla mo na lang kasing inaangat e," masungit niyang tanong. Hindi pa rin talaga nawala 'yung kasungitan niya.

"Gift ko 'yan sa 'yo, buksan mo na dali," excited kong sabi sa kanya. Binuksan naman niya kaagad 'yung paperbag tapos inangat 'yung damit para makita 'yung design. Tumayo ako at tumabi sa damit.

"Nagustuhan mo ba? Suotin mo na dali," excited ko ulit na sabi sa kanya. Ako kaya nagdesign ng damit namin! 'Yung akin may girl na may hawak na heart tapos may nakalagay na "I STOLE HIS HEART" tapos 'yung kanya naman ay boy na may hawak din na heart tapos ang nakalagay naman "I STOLE HER HEART."

"Oo naman nagustuhan ko. Thank you Elise." Ngumiti lang ako tapos pumunta na siya ng CR para magpalit. Nagpaalam na kami at dumeretso na sa SM at kaagad ko siyang hinatak sa sinehan.

"Ang ganda talaga ng palabas tapos ang gwapo talaga ni Vin Diesel!" sabi ko pagkalabas namin ng sinehan habang tumatalun-talon pa dahil sa kilig.

"Kanina ka pa gwapo ng gwapo diyan. Gwapo na ba 'yung walang buhok? E kung magpakalbo kaya ako?" Napatitig ako kay Nath sa pagsasalita niya at inimagine ang sinabi niya na dahilan ng pagtawa ko ng wagas.

"Nath, hindi bagay, 'wag mong subukan. 'To naman, nagseselos ka ba kay Vin Diesel?" Umiwas lang siyang tingin at hindi sumagot. Ngayon ko lang nalaman, seloso pala si Nath.

"Ewan ko sa 'yo, kumain na nga lang tayo."

"Wait, may tumatawag sa akin e." Kinuha ko sa bag ko 'yung phone ko.

"Sino naman 'yang tumatawag sa 'yo? 'Wag mong sagutin. May date tayo e."

"Si Xavier lang 'to, teka lang." Lumayo muna ako sa kanya para sagutin 'yung tawag. Ano naman kayang problema nito?

"Hello?"

"Thank God, Elise, sumagot ka rin."

"Ano ba 'yon Xavier?"

"I need your help."

"At anong tulong naman? Wag financial please." Tinawana lang niya ako tapos inexplain lang niya sa 'kin ang plano niya para isurprise si Claire. Tawagan ko raw si Claire at magkunwaring makipagmeet sa kanya pero papapuntahin ko naman siya sa place na sinabi ni Xavier. Nag-away kasi ang dalawa at magsosorry naman 'tong si Xavier.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon