Inihakbang ko na ang aking mga paa patungo sa pinto... Akma ko itong bubuksan ngunit nagsalita ang lalaking pamilyar sa akin,
"Thaliah.. Kailangan ka namin," wika niya.
Napahinto naman ako sa oras na ito, anong kailangan nila sa akin? Tinignan kong muli ang paligid, mukhang marangya naman ang pamumuhay nila.. Hindi biro ang halaga ng mga upuan, lamesa at mga antigong bagay na nasa paligid. Nagtataka naman akong tumingin sa lalaking nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin pero baka may problema ito o kaya'y hihingi ng tulong kay tatay..Mula sa pagkakakunot ng aking noo ay inayos ko ang aking postura at nagtanong na lamang saknya nagtataka man ngunit wala namang mawawala kung tatanungin ko kung bakit nila ako kailangan.
"Ano ang iyong sinasabi?", tanong ko sa lalaking nasa dalawang dangkal lamang ang layo sa akin.
Tinitigan ko ang kulay itim na itim niyang mga mata na animoy isang gabi na walang liwanag ngunit makikita mo ang kislap na kasing ganda ng buwan. Tuwid na tuwid na ilong, makapal na kilay mapulang labi at maputing kulay na balat.
"Kailangan ka ng Heather, Thaliah ikaw ang itinakdang susunod na reyna" diretsong saad niya at titig na titig sa akin.
Kung kanina ay pinigilan kong magtaka, ngayon ay hindi ko na ito pinigilan pa... Reyna? Bakit at paano ako magiging Reyna gayong hindi marangya ang buhay namin.. At ano ang heather? Sa pagtalakay sa aming aralin tungkol sa mga bansa ay wala akong narinig na may pangalan na katulad nito.... Baka nag kakamali lamang siya.
Magsasalita na sana ako ngunit nakita ko na napabuntong naman ng hininga ang lalaking nasa harapan ko, sa nakikita ko ay nakakunot na ang kanyang noo at parang problemado na sa kanyang buhay... Nagkakaroon pala ng problema ang mga mayayaman?"Ang Heather ay kaharian namin sa kabilang mundo, ikaw ang magiging reyna namin dahil ikaw ang itinakda, hindi mo maintindihan ang sasabihin namin ngunit kung ikaw ay interesado maari kang sumama sa amin, by the way I'm Lian Xavier Driscoll, but Xavier nalang." Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa kaliwa. Xavier pala ang pangalan niya, baba ang kanyang buhok hindi tulad ng lalaking nasa harapan ko ngayon na nakatayo ito na tila ba ay nakuryente at singkit ang mga mata nito... Ano ang kanyang sinabi, ako sasama saknila???
Bigla namang tumawa ang lalaking naka upo na ngayon sa sofa. Hindi ko maintindihan kung bakit siya tumatawa sa oras na ito gayong wala naman siyang kausap?
"Damn man! Sabi sayo hindi bagay yang hairstyle mo sayo, mas lalo kang tumatanda, hey! I'm Rhod John Willow pero Rhod nalang ang pinaka gwapo sa lahat ng nandidito" sabi pa niya sabay kindat.
Sabay sabay namang napa ismid ang mga lalaking nasa paligid namin ngayon.."Why? Totoo naman", banat pa ng nagngangalang Rhod.
"Stop it, Rhod. Wala ng oras para magbiro pa baka matunton na tayo nila N dito" sabi ng lalaking nakasandal sa pader na animo'y walang iniindang problema. Napansin ko ang pag ngisi ni Rhod at lumabas ang dalawang lubog biloy sa kanyang pisngi.
Nagtataka na ako sa oras na ito at mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko.. Ano ang sinasabi ng nagngangalang Xavier na sumama ako saknila para malaman ko ang sinsabi ng lalaking nakatayo ang buhok??
"Hahahahahaha" Halakhak ng nag ngangalang Rhod. Kung kanina ay nakakunot lamang ang noo ng lalaking nakatayo ang buhok ngayon ay nalamukos na ito.
"I guess i need to to this... Hindi niya malalaman at maiiintindihan kung hindi ko ito gagawin, mahirap mag explain," sabi ng lalaking kayumanggi ang kulay. Hindi ko siya napansin dahil nandon siya nagmula sa madilim na parte ng bahay. Teka, kanina paba siya Nandito? At bakit pansin ko na ako lamang ang babae na Nandito sa kanilang bahay. Wala ba silang mga kasambahay? Pinagpapawisan na ako sa oras na ito... Ano ba ang sinasabi nila sa akin? Hindi ko maintindihan...
BINABASA MO ANG
The Timeless Dark Mist
VampireNapabalikwas ako ng bangon... May namumuong butil ng pawis sa aking noo... Tumingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng lamesa sa katabi ng aking kama.. "11:11pm" sambit ko sa sarili, pagkuwan ay napabuntong ako ng hininga. "B-bakit ko sya laging n-nap...