Chapter 21

14 0 0
                                    


















































































Sa Kaharian ng Heather

Nakatitig ako mula sa palasyo sa kaharian na tinayo at binuo ng aking mga ninuno.. Nakikita ko na payapa ang pamumuhay ng bawat isang walang dugong bughaw na mamamayang bampira, napabuntong ako ng hininga sa oras na ito.. Matagal nang hinihintay ng Heather ang pagdating ng magging Reyna mula sa kabilang mundo. Malapit na magwakas ang pagiging isang Reyna ko sa kahariang ito.. Isang siglo, isang siglo na ang lumipas Simula ng nangyari ang masalimuot na pangyayaring iyon...

Naramdaman ko na may papalapit.

"Nalalapit na ang kanyang pagdating kamahalan," Wika ni Androus na aking alalay. Mula sa pag titig sa Magandang nasasakupan ng Heather ay umikot ako para mag tama ang paningin kay Androus na nakaluhod sa aking harapan. Sinenyasan ko naman syang tumayo na..

"Hindi dapat tayo magpakampante, Androus. Nasa kabilang mundo si Nevor para humadlang sa ating plano.."

Si Nevor... Pag uulit ko ng kanyang pangalan sa isipan ko.

"Your Heigness, Victorina.. Hwag po kayong mag alala gagampanan po ni Elisha ang tungkulin niya natitiyak kong hindi siya mabibigo maging ang mga batang bampira at ang Prinsipe na iyong anak na si Darl." Pagpapalakas sa loob ko ni Androus. Napangiti ako ng bahagya ng marinig ko ang pangalawang anak ko na prinsipe.

Ngunit, sumagi sa isipan ko ang ka kambal niyang si Dark na labis ang nararamdamang pagka uhaw. Walang anu mang dugo ang makaka pag pawi sa uhaw niya kundi lamang sa nakatakdang babae na nasa kabilang mundo... Na dapat mapagtagumpayan nila..

Dahil kung hindi,

Mamatay ang anak ko at kapag naka wala siya ay maari syang makapatay ng kapwa niya bampira. Sa ngayon, hindi siya naka kakilala dahil ito ang epekto ng kabilugan ng buwan.. Na kapag ang isang bampira ay nalalapit na ang kabilugan ng buwan O ang nakatakdang buwan para saknya, ay hindi siya makaka kilala ng kung Sino man.. Isinumpa siya noong bago pa siya ipinanganak kung kaya't labis na nagdurusa ang aking anak na si Dark. Agad namang bumalot sa akin ang kalungkutan.

"May balita ba kayo kay N?" Tanong ko sa aking alalay. Tiyak ko na may Panibagong plano si N, hindi siya ma uubusan ng plano... Para mapabagsak lang kami.

Si N ay isa sa malalakas na bampira kung kaya't labis akong nag aalala saknila.. Baka hindi nila kayanin si N.

Napagtanto namin na may plano siya ng may inutusan kaming uwak upang sumubaybay sakanya.. Mabuti na lamang dahil naagapan namin agad. Agad naman akong napabuntong hininga, hindi mapapanatag ang aking kalooban kapag hindi pa sila maka balik dito sa kaharian.

Ano na kaya ang lagay nila sa kabilang mundo?

"Kamahalan, napag alaman po Ni N na pinasubaybayan po natin siya gamit ang uwak kaya't bawat uwak na kanyang makikita ay kanya pong pinapaslang." Sagot sa akin ni Androus.

Hindi ka talaga maiisahan N..

Hindi na ako kumibo sa sinabi ni Androus... Hindi na ako nagtataka kung malaman niya ang tungkol doon. Ang iniisip ko nalang sa oras na ito, ay ang misyon na nangyayari ngayon sa kabilang mundo. Elisha...

Simula ng mapag alaman namin kay Kaizus ang mangyayari sa misyon, ay agad naming pinatawag si Elisha upang makatulong na pigilan ang mga plano ni Nevor. Si Kaizus, may bola itong nakikita ang hinaharap, si Kaizus ang pinakamatandang bampira sa mundong kinabibilangan namin. Siya ang nakaka alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Humingi kami ng tulong kay Kaizus dahil hindi na maganda ang lagay ng aking anak na isinumpa sa buwan kaya't dali dali namin siyang pinuntahan sa kabilang ibayo. Ngunit, sa kasamaang palad ay nakita mismo ng aming mga mata na hindi magtatagumpay sa misyon ang mga batang bampirang iyon. Naaalala kong muli ang mga sandaling nalaman namin na maaaring mamatay ang anak kong si Dark. Ipinikit ko ang aking mga mata at naalala ang mga pangyayaring iyon..

































The Timeless Dark MistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon