Chapter 5

22 5 4
                                    

"Thaliaaaaaaah" tawag sa akin Ni Rosalia,


Dahil sa sulat na aking nakita sa aking harapan kanina, hndi ito mawala sa isipan ko, Ito ako ngayon nakatulala sa papel na hawak hawak ko habang nakatayo dito sa harapan ng simbahan. ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ang aking iniisip sa sandaling ito.
Pero Bago pa man ako makalingon kay Rosalia, biglang sumakit ang aking ulo. Nasapo ko ito napapakit ako sa sobrang sakit,




Napahulod na ako ngayon sa tapat ng simbahan,


"A-aaah!" sambit ko sa kabila ng pag sakit ng aking ulo,

May narinig naman akong mga yabag na papunta sa aking direksyon,
A-alm Kong sina Rosalia at Jeshea iyon.

"Thaliaaah?! Thaliah?! Ano ang nangyayari sayo!?" Napapasigaw ng sabi ni Rosalia. Halata sa knyang tinig ang lubhang pag aalala sa akin.

"Thaliah, kaya mo pa bang tumayo?" Tanong NI Jeshea sa akin. At alam Kong nag aalala rin siya sa akin.

Pero Hndi ako kumibo, sa sobrang sakit ng aking ulo, maging pag buka ng aking bibig O magsalita man lang ay hindi ko magawa....




Sa aking pagkapikit, nakikita ko ang mga anino ng taong hndi pamilyar sa akin,



A-anong nangyayari sa akin?










"Thaliah, I'll wait"




"Hey! It will be hard for her man"


"Maybe her body will make some adjustment, she's mortal for Pete sake!"


"It's just a normal thing ts calm down"





"Shut the Fvck up"







"Seconds"










"shit"







Sabi ng mga Boses na aking naririnig sa sandaling ito.
Boses na hindi ko alam kung kanino,

"T-tama n-na, p-parang a-awa n-niyo n-na," Nahihirapang sambit ko.
Habol Habol ko ang aking paghinga sa sandaling ito.

"Thaliah? Sino ang iyong mga tinutukoy??" Naguguluhang Tanong ni Jeshea. Alam ko si Jeshea ang nagsasalitang iyon.

"H-hindi k-ko a-alam" Nahihirapang sambit ko, sa wakas nakasalita ako. Haysss,



Nagtutubig na ang aking mga mata. Bukod sa diko maintindhan, sumasakit pa ng husto ang aking ulo.








"Ts, that's enough!" sabi ng isang boses na aking naririnig sa aking isipan.



Mga lalaking hindi ko naman kilala...




Ilang sandali'y lang ay nawala na ang pananakit ng aking ulo, huminga muna ako ng malalim. Hindi parin mapakali sina Rosalia at Jeshea, nakita ko mismo sa kanila kung papano sila mag alala sa akin.

Aalis na sana si Rosalia upang manghingi ng tulong sa mga taong nakaupo hndi malayo sa aming puwesto.


"R-Rosalia" Tawag ko sakanya.

Agad na lumingon pa balik si Rosalia at lumuhod para mapantayan ako.


Hinawakan niya ang aking mukha...

"maayos naba pakiramdam mo ha?
Thaliaaah? Hindi naba masakit ang ulo mo? Natatarantang sabi Ni Rosalia.

SI Jeshea naman ay nakatitig lang sa aking mukha, naghihintay lamang ng aking kasagutan.

"Maayos na ako, Rosalia, S-siguro wala lang akong tamang tulog netong mga nakaraang gabi kaya sumakit ng ganito ang aking ulo" sagot ko sa tanong Ni Rosalia, para hindi na siya mag alala.

"Hay, matulog ka kasi ng maaga Thaliah, kung ano ano kasi ang iniisip mo e" Panenermon sa akin Ni Rosalia.






Napangiti ako ng tipid..

Nagagalak ako at nagpapasalamat ako dahil sila ang ibingay ng diyos sa akin bilang mga kaibigan ko... Sa totoo lang, Itinuturing ko na silang mga pangalawa Kong mga kapatid,



Nagtataka namang napatitig sa akin ang aking dalawang matalik na kaibigan...



At dahil sa aking pagkakangiti, tumaas ang kilay nilang dalawa.


Napatawa ako ng mahina,



"B-Bakit kayo sa akin nakatingin ng Ganyan??" Nagtatakang tanong ko sakanila.

"Sumakit na nga ang ulo mo nakangiti ka parin? Ano ka, Thaliah? Nawawala kanaba sa iyong sarili??" Pagkasabi'y Ni Rosalia ng mga salitang iyon ay umikot ang kanyang mga mata.






Napahagalpak kami Ni Jeshea.

"Hahahaha hahaha" Tawa NI jeshea


"O, ano Jeshea? Pati ikaw rin ba?" Nakakunot noong tanong NI Rosalia.








"Hahahaha hahahahha"


Hindi namin namalayan, kaming tatlo ngayon, Nasa simbahan ng San Lazaro ay nagtatawanan habang nakaupo sa semento  sa tapat ng simbahan...

Ito ang pinakamasaya sa lahat, isa sa mga simpleng bagay na kasama ko silang masaya sa maliit na bagay...

"Pagsapit ng bukas, mamasyal tayo"
Tumayo na si Rosalia Pagkasabi'y niya ng mga salitang iyon

"Walang pagdarasal na magaganap bukas?" tanong Ni Jeshea,

Sumaangyon naman ako sa katanungan Ni Jeshea dahil iyon din ang aking itatanong.




Walang pagdarasal?




"Oo, kaya Tara na't umuwi na tayo para makatulog tayo ng maaga, dahil kakain tayo sa gilid ng ilog bukas"

Napangiti ako sa aking narinig, namimiss ko ng pumunta ng ilog. At kumain doon kasama ang aking mga kaibigan. Ilang buwan na rin sguro nung huli naming ginawa ito.


"Sige! Magandang ideya yan Rosalia" masaya ng sabi ko.

"Oo nga Rosalia, Magdadala ako NG ating pagkaka abalahan doon ngunit bakit raw ay walang pagdaral bukas? Tanong at Nakangiting sabi rin Ni Jeshea,

"Jeshea, kung puro libro lang iyan ng kung paano mangkulam ng isang tao O baka bampira ay huwag ka ng mag abala pa at may pulong daw si Madam Corazon bukas," Pagbibiro ni Rosalia kay Jeshea.


Napatango ako,
Biglaan naman ata ang pagpupulong na iyon.


Ngumiti ng alanganin SI Jeshea. Hmmm, sguro mga libro nga ang kanyang dadalhin

"kahit ano naman Rosalia, basta tayo ay malilibang at makkapag muni muni" Sabi ko.






Napangiti si Jeshea.
At tumitig sa akin, pero biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Nakatingin siya ngayon sa aking likuran,

Tinignan ko kung saan siya nakatingin..



May nakita akong isang lalaki na kulay itim ang kasuotan at nakatitig ngayon kung saan kami nakatayo.

May iba pa bang kaibigan si Jeshea??

Tumingin akong muli kay Jeshea.

"Sino iyon, Jeshea? Nakatitig Kong sabi saknya.

Agad naman nyang tinitig muli sa akin ang knyang mga mata.

"H-hindi ko k-kilala, Thaliah, Nakatingin kasi banda sa a-atin kaya napatitig ako sa lalaking iyon" Sabi Ni Jeshea.





Napangiti ako.
"Ah ganun ba" Sambit ko.

"Tara na Thaliah at Jeshea, umuwi na tayo, malapit ng lumubog ang araw hindi maganda na ang isang babae ay ginagabi sa daan" paalalang sabi NI Rosalia.










Pagkasabi'y nyang iyon, ay sabay sabay na naming tinahak ang daan papauwi.



The Timeless Dark MistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon