Chapter 22

9 0 0
                                    





































































Nakatulala ako sa kaharian ng Heather mula dito sa palasyo. Ang dating makapangyarihang kaharian sa mundo ng mga bampira ngayon ay nagmistulang wala nang buhay. Wala kaming magawa noong kami ay ginulo ni Nevor at nang babaeng nakatakip ang mukha. Wala kaming laban kay Nevor dahil siya na ang makapang yarihang bampira ngayon. Kinuha niya ang lakas ng pinaslang niyang mga bampira, kasama na doon ang mga dating Hari at reyna ng Heather ni isa ay wala siyang itinira ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay may nailigtas. Ang sakit ng aking dibdib sa oras na ito, dahil nakita ko kung paano malagutan ng hininga si Thasiah. Isinakprisyo niya ang kanyang buhay maging ang kanyang asawa na si Thavion upang mailigtas ang kanilang anak.. Walang anumang bagay ang pwedeng ikumpara sa pagmamahal ng magulang sa kanilang anak..

Nag aalala ako hindi bilang reyna kundi bilang ina sa aking mga anak na si Darl at Dark. Ang aking hiling ay sana ligtas silang makabalik dito sa aming mundo. Ikatlong araw na ang lumipas ng maka alis sila dahil sabi ni Kaizus, ang nakatakdang babae ay dapat nasa edad na labing-walo sa kabilang mundo dahil ang edad ng ordinaryong tao sa kabilang mundo ay double dito sa aming mundo. Sa edad raw nito mararamdaman ang pagiging bampira niya, mararamdaman niya ang pagka uhaw at balisa sa ilalim ng buwan.. Hindi sana hahantong sa ganito kung walang nangyaring digmaan  isang daang taon na ang nakalipas. Ang Kaharian ng heather noon ay malayo na sa kinalalagyan ngayon. Sa labis na pag a alala hindi ko na namalayang nakalapit na pala sa akin si Androus..

",Mahal na Reyna, apat na oras mula ngayon ay magbubukas na ang portal. Muli, ang mga bampirang tga Heather ay mag babalik pag katapos ng isang siglo," wika ni androus.

Hindi ako umimik sa kanyang sinabi dahil sa aking labis na pag aalala. Muli kong ipinikit ang aking mga mata upang kumalma sa oras na ito. Sana ligtas kayong nakarating dito, Darl. Nasabi ko na lamang sa aking isipan at napabuntong hininga sa oras na ito.
































Darl.


Mabuti nalang napaslang namin ang isang bampira na humahadlang upang magbalik Muli ang kapayapaan sa Heather. May mga tao talagang nanaisin pang pumanig sa kasamaan upang makuha rin ang kanilang interes ngunit hindi nila naiisip ang kapakanan nang iba. Pagkatapos kong mag paalam kay Thalia, dumeretso ako sa kagubatan malapit sa kanilang tahanan. Magbubukas na ang portal bukas pag sapit ng alas onse ng gabi. Pagkatapos ng kanyang lambing walong kaarawan. Tanaw ko mula rito ang babaeng itinakda bilang maging isang reyna at ilang taon ng hinintay ng mga bampira sa Heather. Napakaamo ng kanyang mukha na aking nasisilayang mabuti sa tulong na rin ng liwanag ng buwan.

", Sa tingin mo ba mawawala sumpa ni Dark kung sakaling sasama sa atin si Thaliah?, pamilyar na boses ang nagpawala ng aking paningin kay Thaliah. Lumingo ako sa aking gilid at nakita ko si Xian.

",She's our living hope. Alam kong maibabalik ni Thaliah ang mga nawala sa Heather isa na doon ang kapayapaan.", sagot ko kay Xian.

Naniniwala ako kay Thaliah dahil ramdam ko na isa siyang mabuting tao. Naniniwala ako na kapag ang isang tao ay mabuti, mamahalin at aalgaan din niya ang mga nakapaligid sakanya. Isang katangian na dapat mayroon ang isang Reyna na mamumuno sa isang kaharian.

Isang malakas na hangin ang dumampi sa amin.

Si Rhod.
Nakatingin din siya kay Thaliah na kung saan nakatingin ang dalaga sa buwan. She's symbolises the mark of the Royal blood of Heather, the moon.
Pumasok na si Thaliah sa kanyang silid upang matulog na dahil bukas ay ipagdidiwang niya ang ika-labing walong kaarawan niya. Base sa aking kaalaman dito sa mundo ng mga tao, kapag ang edad ng babae ay labing Walo na ay isa na itong ganap na dalaga. Ipagdidiwang ito ng espesyal ng mga tao sa mundong ito. Sa mundo naming mga bampira, dalawang beses na katumbas ang edad ng mga tao sa bampira.




",Tomorrow is the day", Xavier said to us.  May pag papa paalala sa amin ng sinabi niya iyon.

May konting kaba sa aking dibdib dahil hindi madali ang mga kalaban namin kay Thaliah. They keep on following her because they already know about Thaliah especially Nevor. Nevor is greedy when it comes to power. Ayaw niyang magpa lamang sa ibang mga bampira gusto niya ay siya lang ang maghari sa lahat ng mga kaharian sa mundo ng mga bampira.


",So huh we need to sleep? Para naman gwapo ako bukas habang nakikipag laban. Ayoko namang mamatay ng hindi ako gwapo", Usal ni Rhod habang uunat unat pa.

Sinamaan naman namin siya ng tingin at tatawa tawa naman siyang bumalik sa itaas ng puno.
































~~
W/N:

Short update.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Timeless Dark MistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon