Prologue

58 10 11
                                    






























"P-Please T-Thaliah, H-help m-me, F-fckin H-help me!"




Habol Habol ng lalakeng nasa harapan ko ngayon ang kanyang paghinga.
Umiiyak na ako sa sandaling ito. Hindi ko magawang lapitan ang lalakeng nakakulong at duguan sa aking harapan. Nanginginig ang aking katawan sa aking nakikita...

"Huwag mo kong iwanan... Parang awa mo na, H-hindi ko kaya, H-hindi ko kaya..." Sambit ko..

Sa sandaling ito, napagdesisyunan ko na... Mamang, papang mga kapatid ko... Hinihiling ko sana, na mapatawad nyo ako sa gagawin ko..

Hinawakan ko ang itaas na bahagi ng aking suot na tela, at inilantad ng kapiraso ang aking makinis na leeg. Sandali akong napapikit..
Sa Nanginginig Kong mga binti, humakbang ako sa lalakeng kaharap ko na ngayon, na sapat na para ako'y kanyang mahila.

Nang sandaling ako ay kanyang mahila, agad nyang ipinuwesto ang kanyang mainit na labi sa aking balat, Hinawakan ko ang kanyang buhok....
Ibinuka nya ang kanyang bibig at lumabas ang dalawang mahahabang pangil..
Narramdaman ko ang sakit sa parte ng leeg Kong kinagatan niya.


Niyakap nya ako ng ka'y higpit at higpit.

Sa patuloy ng kanyang pagsipsip ng aking dugo, hindi ko namalayang napapaungol na ako..

Dahil hindi lang pagsipsip ang kanyang gnagawa.....

"Ahhhhh... D----"

Itinulak ko siya dhilan para umagos ang mga dugo sa pababa mula sa aking leeg,
Hinawakan ko ito,

Nakita ko sa aking nanginginig na palad ang pulang likido, a-ang a-aking d-dugo...

Tumingin ako sa lalakeng nasa harapan ko, biglang naging pula ang kanyang mga mata..






At Dahil doon, napabalikwas ako ng bangon..

"Thaliah!" boses iyon ni mamang.

Nagulat ako sa kanyang ginawang pagyakap.

"M-mamang bakit po? Kanina pa po ba kayo riyan? "

"A-ah, wala naman a-anak. Akala ko kasi binabangungot ka.. Nag aala lamang ako.. Kain ka na anak"

Napangiti ako kay Mamang. Mapagmahal at maaalalahanin talaga ang aking Mamang.



"Mamang, ah nanaginip lang po ako..."
Naalala  ko na naman ang panaginip na napaginipan ko kanina lamang.. Nanlaki ang aking mata..

"Bakit ko iyon ginagawa?" Sabi ko ng wala sa sarili.

"Anong bakit mo iyon gnagawa anak?" Sabi Ni Mamang.

"A-ah, w-wala Po. Y-yung pag guguhit po Eh diba po hndi naman po ako magaling sa pagguguhit tapos po sa panaginip ko ang galing ko raw po mag guhit ha ha ha"

Mukhang nakumbinsi ko naman si Mamang kaya napatango naman siya at Napangiti.


"Sige na anak, mag almusal kana.. Handa na ang almusal mo sa ibaba"

Napangiti ako ng malawak.
"Sige po Mamang, susunod na po ako.. " sabay halik sa pisngi at yakap kay Mamang.

Isasara ko na sana ang pinto ng magsalita si Mamang..

"Huwag mong kalimutang maligo ng gatas sa iyong pagligo ha.."


Napahinto ako sa kanyang sinabi.. Matagal ko ng pinagtataka at iniisip kung bakit Simula nung bata pa ako ay ito na lamang palagi ang sinasabi ni Mamang sa tuwing ako ay maglilinis ng aking katawan..

The Timeless Dark MistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon