"Nandito na po ako nanay" sabi ko sa aking nanay na nakatapat sa itim na kandila..
"Malapit na Jeshea, humanda kana" sabi Ni nanay.
"Sabi Ni Lo---"
Hindi ko natuloy ang aking sinasabi sapagkat nagsalita si nanay.
"Bakit ba pinapakinggan mo ang iyong lola? Ako ang nanay mo, sa akin ka makinig anak" sabi Ni nanay na halatang naiirita.
"Nanay, ayoko Po" sabi ko.
Agad na tumayo si nanay at akmang sasampalin ako.
"Sige, sasampalin mo nnaman ho ba ako nanay?" naiiyak Kong sabi.
Bigla namang nahimasmasan si nanay dahil nakita niyang paluha na ang aking mga mata.
"Anak, kailangan mong gawin ito," Sabi Ni nanay.
Yan lang ang mga salitang binitawan niya. Sa tuwing tatanungin ko siya, palagi niyang sinasabi na malalaman mo kapag nandoon kana at tiyak Kong babalikan mo ako sa sandaling nalaman mo lahat. Lumabas ako ng aming tahanan narinig ko lang Tinawag ako ni nanay ngunit Hindi ko Ito pinpakinggan pa.
Tumakbi ako ng tumakbi hanggang sa napunta akong ilog.
Bumalik ako sa ilog kung saan kami nila Thaliah nagsaya kanina lamang.
Bakit hindi niya pa sabihin sa akin?
Bakit hindi pa ngayon?
Nandito ako ngayon sa ilog, at nakatitig sa bilog na buwan. Inaalala lahat ang masasaya at malulungkot na alaala.
Nagtutubig ang aking mga mata....
Nakaraan...
Naglalakad na kami pauwi galing eskwelahan, madadaanan namin ngayon ang Akademia de San Lazaro, talagang mapapahanga ka sa laki at kagandahan ng paaralang ito, at dahil naglalakad lamang kami nila Thaliah at Rosalia, nag pahinga muna kami sa ilalim ng puno katapat ng malaking paaralan.
"Pangarap Kong makapasok sa paaralan na iyan," sabi Ni Rosalia
Nakilala ko. Si Rosalia dahil kay Thaliah, mas naging una silang mag kaibigan kesa sa akin.
"Ako rin" sabi Ni Thaliah. Napalingon kami sakanya.
"Sa tingin nyo, makakapsok tayo dyan?" sambit ko ng wala sa sarili.
"Makakapasok tayo riyan, alam Kong darating ang araw na iyon, na sabay sabay tayong papasok tuwing umaga sa paaralan na iyan" nakangiting Sabi Ni Thaliah.
Napatingin kami Ni Rosalia kay Thaliah na nakangiti ngayon na nakatanaw sa paaralan NG Akademia de San Lazaro, napangiti na rin kami Ni Rosalia.
Tumayo si Rosalia at nagsalita,
"Ang mahuli ay itutulak sa putikan sa palayan"Kumaripas ng takbo si Rosalia,
Nanlaki ang mga mata namin Ni Thaliah, at nang naguunahan na kaming tatlo sabay sabay kaming nagsitawanan....
Nang sinabi sa akin ng aking lola na may mga bampira doon ay ayoko ng tumuloy pa ngunit nanaig parin sa akin ang pagka kaibigan namin nila Thaliah. Sila lang ang naging kaibigan ko dahil ayaw nang ibang tao sa akin, dahil sinasabi ng iba na kami raw ay may halong mangkukulam,
Na may halong katotohan naman...
Ngunit, bakit ganun ang Turing nila samin?
Na kung makaiwas ay parang may nakakahawa kaming sakit?Ang sakit lang isipin na wala kaming gngwang msama ngunit hinusgahan na nila kami gaya ng gnagawa nilang pag iwas at pandidiri.
Simula bata ako ay walang kumakaibigan sa akin.
Nagulat ako ng may isang batang Maputi ang lumapit sa akin, ipinikit ko ang aking mga mata at inaalala ang sandaling una kaming nag kakilala Ni Thaliah,"Halika, lawo tayo" sabi ng batang babaeng nasa harapan ko,
Hindi ako umimik, patuloy parin akong umiiyak, dahil kinutya ako ng aking mga kaklase na hindi raw ako maganda at mangkukulam raw ako.
Lumuhod ang babae at hinawakan ang aking mukha,
"Wag na kaw iyak, maganda kaw pag ngumingiti" ngumiti ang batang babae dhilan para magkita ang bungi nitong mga ngipin.
At dahil doon, Natawa ako. At nakitawa na rin siya,
Una syang tumayo at inilahad niya ang kanyang maliliit at maputing kamay.
"Tayo na kaw dyan, halika lawo tayo, Simula ngayon kaibigan na tayo"
Ngumiti ulit ang Magandang batang babaeng nasa harapan ko at sandaling napatitig ako sa knyang mukha....
Hndi nawala ang ngiti sa labi ko,
Kahit na nilalait at iniiwasan na ako nang ibang tao, si Thaliah hndi siya nandiri sa akin.May mag tao ka talagang makikilala na tanggap ang iyong pagkatao,
hindi ka huhusgahan...
Napagtanto ko na sa mundong ito, hindi pala lahat masama, dahil ang kinamulatan kong mundo na puno ng panlalait at pangungutya,
Magbabago pala ng makilala ko si Thaliah,
Ngayong araw na ang pinakahihintay ng mga bampira. Pagsapit ng kailaliman ng gabi, mangyayari na ang kanilang hinihintay.
Napabuntong ako ng hininga dahil sa mga bumabagabag sa aking isipan.~~
Keep Voting! 😍
Salamat :))))Try nyo rin Dream it possible. ∆∆~
Baka magustuhan nyo rin.-Meowwwwwgirl
BINABASA MO ANG
The Timeless Dark Mist
VampireNapabalikwas ako ng bangon... May namumuong butil ng pawis sa aking noo... Tumingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng lamesa sa katabi ng aking kama.. "11:11pm" sambit ko sa sarili, pagkuwan ay napabuntong ako ng hininga. "B-bakit ko sya laging n-nap...