Chapter 12

3 0 0
                                    






















"Akin si Dark, Thaliah!!" sigaw ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Nanlilisik ang kanyang mga mata,

Ikinumpas niya ang kanyang kamay at bigla na lamang akong natumba sa hindi malaman na dahilan sa aking kinatatayuan... Napasama ang bagsak ko dahilan para tumulo ang aking luha. Napayuko ako sa sandaling ito. Ang sakit ng katawan ko...

At ng puso ko...


Hindi ko alam kung bakit tila ba'y wala akong lakas para gumanti sakanya... Sa babaeng nasa harapan ko ngayon na hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nanlalabo na ang aking paningin... Patuloy lang sa pagdaloy ang aking mga luha, sobrang sakit ng aking nararamdaman...

Nakarinig ako ng yabag ng mga paa papunta sa aking direksyon.

Nang alam ko ng nasa tapat ko na siya ay tumingala ako, nagulat ako ng makita ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon...

"J-Jesh---" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil bigla syang nagsalita.


"P-Patawad Thaliah..." Sambit niya sabay agos ng kanyang mga luha...



















"Thaliah..."

"J-Jeshea... Jesheaaa!!" Sigaw ko sa kay Jeshea ngunit hindi siya sumasagot..

"Thaliah!.."

Agad akong napabangon. Si mamang ang agad kong nakita sa aking harapan. Nandito siya ngayon sa tinutulugan ko.
Bago pa ako makatanong ay inunahan na niya ako.




"Binabangungot ka Thaliah, narinig kitang umiiyak kaya dali dali akong pumunta dito.." sabi ni mamang na may halong pag alala sa kanyang mukha.

Binangungot pala ako... Sinapo ko ang aking ulo na medyo masakit. Ano nga ba ang ginawa ko kagabi? Hays.

Napansin ko namang basa ang aking pisngi... Umiiyak pala ako habang natutulog, iniwas ko ang aking paningin at agad ko itong pinunasan gamit ang likod ng kamay ko.

Sa pagbalik ko ng paningin kay mamang ay laking gulat ko na may bata na sa aking harapan..

"Sino sya mamang?" Tanong ko kay mamang.

"Ah siya si Elisha anak, nakita siya ng papang mo sa daanan habang pa pauwi kanina, batid ng iyonh papang na hndi na nakakakita ang batang babaeng ito base sa kanyang mga mata..." paliwanag ni mamang.

Agad kong tinignan ang batang babaeng nasa harapan ko ngayon. May itim na itim siyang buhok, kulay abong mga mata, sobrang puti, at may mapulang labi.

"Elisha... Ang gandang ngalan" Nangiti kong sambit.

napansin kong nakatitig sa akin ang batang babae matapos kong bigkasin ang pangalan niya.

"Anak, sa tingin ko'y dito muna siya sa atin... pansamantala habang wala pang naghahanap saknya. Sige na anak matulog kana ulit dahil maghahating gabi pa lamang" pagka sabi ni mamang ng salitang iyon ay tumayo na siya.

Nagulat naman ako sa sinabi ni mamang. Ha? Gabi pa lang ngayon? Bakit parang ang tagal ko natulog???

Tumingin ako sa paligid na may pagtataka. Nakita ko ngang madilim pa kaya pala ang tahimik kasi maghhating gabi palang.

Nahagip pa ng mata ko ang mukha ni Elisha na nakatingin sa akin bago sila tuluyang mawala sa paningin ko.

Sa pagkakaseryoso ng mukha niya kanina ay nakita kong ngumit siya ng bahagya.



Hindi ako natatakot pero bakit parang may kakaiba?

Humiga akong muli at naalala ko ang panaginip ko kanina lamang...

"Bakit humihingi ng tawad si Jeshea?" Sambit ko sa sarili ko.

Ipinikit kong muli ang aking mga mata sa pagpikit kong iyon ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.






























"What the fuck Rhod?!" Sigaw ko habang nagpapagpag ng mga damong nakasabit sa damit ko. Tsk.

Nakita ko namang ngising ngisi si Rhod dahil sa ginawa sa akin.

Huminto muna kami nila Rhod At Blake sa itaas ng puno dahil mahaba haba pa ang gabi na ito, sa pag kakaupo ko habang pikit ang mga mata. Hindi ko namalayan na hinulog na ako ni Rhod. Nalaman ko nalang nung bumagsak na ako sa lupa. Punyeta.

Aakyat na sana ako para gantihan si Rhod ng mapansin ko ang nasa bandang kanan ko. Awtomatikong naging pula ang mga mata ko dahil sa naramdaman kong presensiya. Hindi ko man tiyak kakampi o kalaban, natitiyak kong hindi mortal ang presensya niya.



Biglang kumulog ng malakas....




"Putanggggh.... Aww" Sabi ni Rhod.

Nakarinig ako ng pagbagsak banda sa likod ko. Hindi ko ito nilingon dahil ang atensyon ko ay na saknya..

"Ano ba yan Xian?! Napakalakas ng Kulog mo, Peste, nahulog tuloy ako sa gulat!!!" Reklamo ni Rhod.

Hindi ko siya pinansin. At biglang tumabi sa akin si Blake na may nanlilisik din ang mata. Umihip naman ng malakas na hangin dahil kay Blake.

"Chill bros, wag kayong msyadong hot dahil ako ang mas hot sa inyo.." Pagbibiro pa ni Rhod.







Nagulat nalang kami ng biglang may kung anong sumuntok sa amin dahilan para tumalsik kami...




Nang biglang tumigil at humagis kami sa kung saan...










Dumilat ako sa aking pagkakaupo sa sanga ng puno. Muntik na akong mahulog. Tumingin naman ako sa mukha ni Rhod na napangisi dahil sa itsura ko.

" The fuck happened??!" Bigla kong sabi. Sinamaan ko siya ng tingin.

Agad naman syang umalma sa pagkakatitig ko.

"WHAT?!!" alma ni Rhod. " i didn't controlled both of your minds! Stop staring me like that Xian at blake na para bang may pagnanasa kayo sakin!" Umiiling iling pang sagot ni Rhod.






"Gago!" Singhal ko at ni Blake kay Rhod. Lalong kumunot ang noo ko.

Kumunot din ang noo ni Blake. At nag iisip ng malalamin.

"The hell is that, its fvcking weird" Biglang sabi ni Blake. Maging siya rin pala ay naramdaman ang nararamdaman ko.




I don't know the feeling but bakit ako napapaisip na parang may nangyari??

Na para bang may nakalimutan ako??

O hindi lang ako pati sila.


"Likewise, Xian" Bored na sagot ni Rhod.
"and stop suspecting me, lagi nalang ako. May gusto kana ata sakin e. You know what, kulang ka na sa pagkagat kaya ka nagkakagnyan" Sabi niya sabay ng pagkawala niya.







The hell is that. Wala na kaming nagawa. Napabuntong hininga nalang kami ni Blake at agad na sumunod kay Rhod.
















--

W/N;

Sorry sa Late Ud.

Busy sa Thesis nung past months.
Ingat guys. Stay safe.

Meowgirl

The Timeless Dark MistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon