Chapter 16

8 0 0
                                    











































Iminulat ko ang aking mga mata.. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid... Bigla akong napabangon dahil hindi pamilyar ang nasa paligid. May mga babasaging vase na nasa gilid, marmol na sahig, sobrang lambot na kama at kulay kayumangging dingding.
Napabangon na ako makarinig ako ng tawanan na hindi pamilyar na boses, sapo sapo ko ang ulo ko. Ano ba ang nangyari? Habang hawak ko ang aking ulo ay Pilit kong inaalala ang nangyari at kung paano ako nandito.. Nang maalala ko ang lalaking nasa harapan ko noong gabing iyon.. Napailing ako sa oras na ito, bakit parang panaginip lang lahat ng iyon??
agad nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko na mga lalaki ang nagmamay ari ng mga boses na yon. Dali dali akomg bumangon at tumingin sa gilid. May bintana, Agad kong sinilip ang katabi kong bintana, nalula lamang ako sa taas. Hays. Paano ako makaka alis sa lugar na to? Bakit ba ako nandito? Nasan sila nanay?



"You awake," Sabi ng lalaking nasa likuran ko. Bahagya akong nagulat dahil sa bigla niyang pagsasalita.

Hindi ako makalingon sa bandang likuran ko dahil alam at nararamdaman kong matiim siyang nakatitig sa akin.. Paano? Paano siya nakapasok gayong hindi ko naramdaman ang pagbukas ng pinto?
Nagsisimula naman akong kabahan at napalunok na.

Nakarinig ako ng tawa mula sa lalaking nasa likuran ko.

"Mind to face me? Hindi kita kakagatin, maybe my twin brother." Wika niya. Sabay hakbang papalapit sa akin.. Hindi na maawat ang dibdib ko sa pagdagundong neto.. Kaya dali dali akong lumingon at nagtama ang paningin namin.


"Thaliah.." Bigkas niya sa pangalan ko. Bakit niya ako kilala?

Pagkatapos niyang bigkasin ang pangalan ko ay Nakatitig na lamang siya sa akin. Tinitigan ko rin siya na may halong pagtataka... Bakit parang pamilyar ang mukha niya?


Biglang pumasok ang lalaking lagi nalang akong tinatawag. Sumakit ang ulo ko, napapikit at napaluhod sa oras na ito... Nakakaramdam na rin ako ng pagka uhaw sa hindi malaman ang dahilan. Nararamdaman ko ang butil ng pawis na nagmumula sa aking noo na tumutulo na ngayon sa marmol na sahig.. Ano ang nangyayari sa akin? Bakit kapag naiisip ko ang lalaking yon nararamdaman ko lahat ng ito? Sino ba talaga ang lalaking iyon? Bakit palagi nalang niya akong tinatawag. Hindi ko naman siya kilala, kahit anong isip ko, kahit anong balik ko sa nakaraan ko, hindi ko siya matandaan.


Agad namang yumuko ang lalaking nasa harapan ko at inabot sa akin ang tubig. Dali dali ko itong ininom at naubos ito ng walang kahirap hirap. Pero, nararamdaman ko parin ang pagka uhaw.


"T-tubig." Nahihirapan kong sambit sa kabila ng pagkauhaw. Hindi ko alam kung bakit hindi parin mawala ang pag kauhaw ko gayong uminom na ako ng isang basong tubig. Hindi ko na kaya, agad akong tumayo at binuksan ang pintuan. Nakita ko naman na biglang napahinto ang mga kalalakihan sa kanilang ginagawa habang nakatitig sa akin. Pero wala akong pakealam, nauuhaw na ako sa oras na ito. Hindi ko na kaya pang tiisin.

"Whoa, she's awake. Hi there!" Sabi ng lalaking may ngiti sa kanyang labi. Hindi ako kumibo at dali dali kong hinanap ang kusina.

Napansin ko na hindi ako pamilyar sa mga nakalagay dito. Siguro tanging mayayaman lanv ang mayroon nito,




Agad akong nakahanap ng isang bote. Agad ko itong binuksan at tutunggain ko na sana ng pigilan ako ng isang kamay.


"Fvck! This is Vinegar for pete sake! What the fvck you doing?!" Sabi ng lalaking bumati sa akin kanina at agad niyang nilayo ang sinabi niyang vinegar daw.

Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para manlaki ang mga mata niya. Hindi ko na siya pinansin pa at agad kong tinungo ang parang isang lalagyanan ng damit na kulay abo. Agad ko itong binuksan at bigla nalang akong nanlamig dahil sa usok na nagmula rito. Ano itong bagay na ito??





Nakakita ako ng gatas na nasa bote, kinuha ko ito at walamg kahirap hirap na buksan. Naka rinig naman ako ng "Whoah" Sa lalaking nasa gilid ko. Agad kong ininom ang gatas na iyon, wala pang isang segundo ay naubos ko na agad ito. Pero hindi ito naging sapat para mapawi ang pagka uhaw ko...



Napapaiyak na ako sa isipan ko... Bukod sa napansin ko na hindi lang isa ang nanunuod sa akin ngayon ay marami ng mata ang nakatitig sa akin ngayon at nakatayo lang sa malapit.
Napagtanto ko ang mga ginawa ko, sinulyapan ko ang boteng vinegar daw at nakita kong nakangiti ang lalaking pumigil sa akin kanina lamang...






"Thirsty huh" Wika niya. Ngayon ko lang napansin na nag wiwikang ingles siya. Ibig sabihin, marangya ang buhay na kinabibilangan niya.

Isinara ko na ang binuksan ko at nahihiyang napatungo na lamang.





"Wait a second," Sabi niya. Agad naman siyang umalis at isang kurap ko lamang ay nandito na siya.. May dala siyang isang lalagyanan na ang nakalagay ay Cherry Flavor. Natakam ako dahil mukhang masarap at naamoy ko ang amoy nito na dumidikit sa ilong ko. Agad ko itong kinuha sa kamay niya.. Hindi na ko nakagamit ng baso para isalin ito at dali dali kong itong ininom.. Nang maubos ko na ito ay Nagtataka naman ako sa  lasa, ganito pala ang lasa ng Cherry Flavor? Tinataktak ko pa ang lalagyan dahil nabitin ako sa iniinom ko na binigay niya. Nakarinig naman ako ng tawa dahil doon.


"Hydrated now?" Sabi ng lalaki ulit sa gilid ko. Napakunot naman ang nuo dahil sa sinabi niya.. Ano daw?







"I mean, hindi kanaba nauuhaw?" Paguulit niya sa kanyang tanong ng nakangiti. Nahihiya akong napatango. Nang maubos ko na ang binigay niya, nawala ang pagkauhaw ko.. Ano kaya itong inumin na ito? Ngayon ko lang ito nakita... Kung sabagay, marangya ang buhay niya, may mga inumin o pagkain sa kanila ang hindi ko alam.. Kung kaya't hindi na ako nag abalang magtanong pa kung saan niya nabili iyon, dahil baka o hindi, hindi ko alam kung saan ba nabibili iyon.






Nasa kamay ko pa ang lalagyan ng inuming binigay niya. Agad akong naghanap ng basurahan, inilibot ko ang paningin ko sa bawat sulok ngunit wala akong makita... Inilahad lamang nang lalaking nasa harapan ko ang kamay niya dahilan para ibigay ko ang lalagyan ng Cherry.
Sinilip niya ang lalagyanan, nang makitang wala na Itong laman ay itinapon na nito sa kung saan.




"Wala na," Sabi niya pa na parang batang natutuwa dahil natapon na niya ang basura, sa kung saan.










Nahihiya naman akong humarap sa mga lalaki pang nakasubaybay lang sa akin kanina pa. Kailangan ko ng umalis dahil paniguradong hinahanap na ako nila nanay. Agad akong yumuko bilang paggalang saknila..













"Maraming salamat," Sambit ko. Dahil hindi ko naman alam kung ano pa ang dapat kong sabihin. Nahihiya kong tinungo kumg saan ang pintuan.
























--

W/N;

The Timeless Dark MistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon