I dedicate this chapter to Jesreakate05
Thankyouuuu! Eto na. 🖤~~
Pagkarating ko ng aming tahanan naabutan ko ang aking kapatid na si Thasiah na hinihimas ang kanyang alagang pusa, nakaupo siya ngayon sa isang bangko namin sa sala. agad Kong hinanap sila mamang at papang..
"Thasiah, nasan sina Thaviel? Si mamang at papang?" Agad Kong tanong kay Thasiah.
"Nakahiga si Thaviel ate Thaliah, si mamang at papang naman ay nasa kusina, naghahanda ng ating hapunan" naka ngiting sabi Ni Thasiah.
Pinuntahan ko si mamang at papang dahil sabi NI Thasiah ay dito ko sila matatagpuan.
Ilang hakbang na lang ay makakarating na ako sa kusina, naririnig ko na ang kanilang mga bosses,...
Magsasalita na sana ako ng magsalita si mamang.."Eduardo, Kailangan pa ba nating ipaubaya si Thaliah? Hindi ko kaya," Naiiyak na sabi Ni ina.
"Julieta, alam kong labag sa iyong kalooban ngunit isisilang pa lang si Thaliah ay alam mo na" Sabi naman Ni papang.
Napakunot ang aking noo sa aking narinig.. Ano ang sinasabi Ni papang?
Noong isisilang pa lamang??
"Kung kaya natin syang itago.... Lumipat tayo ng tirahan, magpakalayo layo tayo, sa malayong probinsya. Doon tayo, mahal, Eduardo, sige na" umiiyak ng sabi Ni mamang.
Hindi ito ang una, maraming beses ko ng naririnig ang paguusap nila mamang at papang.
Ipinilig ko ang aking ulo, sguro ay may problema lamang ngunit hindi sinasabi sa akin nila mamang at papang upang hindi ako mag alala. Sabi ko na lamang.
Itinuloy ko ang aking pag lalakad papunta kung nasan sila mamang at papang,
"Mamang, Papang" Panimula ko mula ng makarating ako sa sala.
Nakita Kong na laki ang mga mata nila mamang at papang dahil sumulpot na lang ako bigla, agad akong pumunta sa kanila, at kinuha ang kamay at nagmano.
Biglang pinunasan naman Ni mamang ang kanyang mga luha.
Tumitig ako kay mamang.Napansin naman Ni papang ang pag aalala sa aking mukha sa pagkatitig ko kay mamang.
"A-anak, kanina kapa riyan?" tanong sa akin Ni papang. Pilit nyang I naayos ang ka nyang tinig ngunit bakas parin sa knyang mukha ang labis na kaba.
"Ah, hindi naman Po papang.. Ano pong problema?
Bakit umiiyak si mamang? Nag aalaa Kong tanong." Wala n-naman a-anak, kasi----"
Pinutol ko na ang ssabihin Ni papang. At nagsalita ako,
" Pero bakit Po tayo lilipat ng tirahan kung walang problema?" Diretsong sabi ko kay papang.
Halata naman sa mukha Ni. Papang na nabigla siya sa aking sinabi. Napayuko si papang. Lumapit ako kay papang at hinawakan ang ka nyang kamay.
"Papang, kung may problema Po kayo ni mamang mag sabi Po kayo sa amin O sa akin kung ayaw niyo pong ipaalam sa mga nakababata Kong kapatid. Hindi naman Po pabigat sa akin iyon handa Po akong makinig dahil anak niyo Po ako, hindi ko po kayang makita kayo ng Ganyan.." Nagaalala Kong sabi.
Sa totoo lang, nahhirapan ako na makita ko ang aking mga magulang sa ganitong sitwasyon. Dahil Hindi ako sanay, dahil sina mamang at papang ay lagging masaya sa aming harapan. Alam Kong hindi dapat ako maki alam sa problema ng mag asawa ngunit sa oras na ito alam Kong hindi ito away mag asawa lamang. Hindi iiyak ang aking mamang kung hindi malubha ang problema kaya't handa akong making upang mabawasan ang kanilang iniisip.
Hindi sumagot si papang. Yumuko lamang siya at Tumitig sa sahig. Habang si mamang naman ay napaupo na at natulala na sa isang tabi. Wala akong maisip sa mga oras na ito kung ano nga ba ang problema..
Pero, sa sandling malaman ko ito. Sasang ayon ba akong umalis?
At iwanan sila Rosalia at Jeshea?Nakaramdam ako ng kalungkutan,
Humarap sa akin si mamang at tumayo na para bang may gusto na syang sabihin sa akin, hinawakan naman siya Ni papang at Tumitig ng maigi kay mamang.
Ngunit may Biglang pumasok sa kusina at SI Thasiah iyon.
"Mamang, papang si Mang Leandro ho ay narito" Hangos Hangos na sabi Ni Thasiah.
Agad namang umalis si papang at Thasiah.
Si mamang ay hindi alam kung susunod ba O hindi ngunit sa huli napabuntong hininga na lamang siya.Si Mang Leandro ay isang manggagaway, yan lang ang aking naalalaman tungkol saknya. Hindi ko siya lagging nakikita sapagkat sa bundok siya nakatira, may pagka layo sa aming tirahan.
Nang makarating ako sa sala, nakita ko si Mang Leandro. Nakatitig siya sa akin at pinapasadahan niya ako NG tingin,
Agad akong nag bow sakanya at bumati.
"Magandang gabi Po Mang Leandro" Pagbabati ko.
Ngunit Imbis na ako'y kanyang Batiin pa balik, nagulat ako sa knyang sinabi.
"Maghanda ka, Thalia" Bungad ni Mang Leandro ng walang alinlangan.
Nagulat naman si Mamang at papang at nagsalita. Sasagot na sana ako kay Mang Leandro ngunit biglang nagsalita si Mamang.
"T-Thaliah pumasok ka muna sa iyong silid, mag uusap lang kami Ni Mang Leandro" natatarantang sabi Ni mamang.
"Opo mamang" sabi ko na lamang. Kahit na gusto Kong tanungin si Mang Leandro kung bakit niya iyon sinabi sakin.
Kahit na may pagtataka, sinunod ko si mamang. At pumunta na lamang ako sa aking silid,
Ano ang aking paghahandaan?
Nang mapagtanto ko na malapit na ang aking kaarawan,
Napatawa ako ng mahina
Masyado ata akong napapalalim ng iniisip Hm. Hehe"OO nga naman Thaliah, Maghanda ka at baka'y si Mang Leandro ay pupunta sa iyong kaarawan" Usal ko sa aking sarili sabay umiling iling.
~~
S/N:
Maraming salamat guysss!! 😭
Gash, wala pang isang linggo ganun na agad. This is an achievement already!! 🖤🖤I'm thankful for having y'll ka-meow meow🤣😘 🖤🖤
Thankyou fr the votes~ mwaaaa!
BINABASA MO ANG
The Timeless Dark Mist
VampireNapabalikwas ako ng bangon... May namumuong butil ng pawis sa aking noo... Tumingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng lamesa sa katabi ng aking kama.. "11:11pm" sambit ko sa sarili, pagkuwan ay napabuntong ako ng hininga. "B-bakit ko sya laging n-nap...