"Thaliah.. Anak." sabi ng isang babae na nakatayo malapit sa akin.
"M-mamang?," tawag ko dito. At nag simula akong ihakbang ang aking mga paa.
"Thaliaah... Ang laki mo na", wika pa niya. Ikinusot ko ang aking mga mata dahil malabo ang kanyang mukha, ito ba ang batang si mamang?
Tumingila siya sa langit na may bilog na bilog na buwan.. Nakangiti siyang tumingin dito.
",Ikaw ay sumisimbolo sa buwan Thaliah.. Alam mo ba kung bakit? Dahil ikaw ang nagpapaliwanag sa madilim na gabi."
Kahit na malabo siya sa aking paningin ay tinitigan ko ang babae sa di kalayuan.. Napatingin din ako sa kalangitan na kung nasaan ang magandang buwan.
Ilang sandali pa ay umihip ang malakas na hangin na ngayo'y ay dumadampi sa aking balat... Niyakap ko ang sarili pag kuwan.
"Thaliah.. Hindi na ako makapag hintay pa na ikaw ay aking masilayan." sabi ng isang boses sa aking tabi. Nagulat ako ng may mga braso ng yumayakap sa akin dahilan upang mapawi ang lamig na aking nararamdaman ngayon.
Agad akong napabalikwas ng bangon... Tumingin ako sa liwanag na liwanag na buwan sa bintana ng aking silid. Gabi pa pala sa oras na ito.
"Isang panaginip," usal ko habang may kaunting hingal sa aking dibdib.
Bumalik ako sa aking pag kakahiga. Ngunit napapatingin ako sa liwanag ng buwan animo'y inaakit ako dahil sa ganda niyang taglay.
Bumangon ako at nagsimulang maglakad kung saan naroon ang bintana ng aking silid. Binuksan ko ng dahan dahan ito at doon ay dumungaw upang makita ng maayos ang ganda ng buwan...Agad umihip ang hangin,
Napapikit ako sa oras na ito..Isa naba ito sa huling gabi ko sa mundong ito? Nasabi ko sa aking isipan. Nakatingala ako ngayon sa buwan na kung saan ay may lumilipad na itim na ibon.
Napansin ko na papunta sa gawi ko ito..
Malalaki ang pakpak nito, matalas na tuka at malalaki ang mga paa nito. Agad nanlaki ang mga mata ko.
Isasara ko na sana ang bintana pero huli na dahil nasa harapan ko na ang ibon na itim..Natumba ako sa sahig ng aking silid at nagsimulang kabahan sa oras na ito. Bumaba ang itim na ibon sa sahig at unit unti itong nag anyong tao.
Mas lalo akong kinabahan dahil ang taong ito ay may nanlilisik na mata.
"Thaliah, how are you", bigkas ng lalaking nsa harapan ko ngayon.
Hindi ako makapag salita tila ba ay umurong ang aking dila sa mga oras na ito.. Sino ang taong ito? Bakit tila ba ang daming nakakakilala sa akin na hindi ko naman kilala?
Totoo ba na ako ay kabilang sa kabilang mundo?Malapit ko ng isipin na totoo ang mga bumabagabag sa isipan ko. Agad namang sumakit ang aking dibdib na tila ba pinipilit na ito.
"A-ang s-sakit!", daing ko habang hinahawakan ang dibdib ko. Hirap akong huminga sa mga oras na ito dahil para bang may naka bara sa aking hingahan.
Napaluhod na ako sa oras na ito.. Alam ko na ilang saglit pa ay mawawalan na ako ng hininga at papanaw na ako sa ilang sandali..
Unti unti namang pumipikit ang talukap ng aking mga mata.
Nakita ko namang nakangiti ang lalaking nasa harapan ko ngayon at lumalapit siya sa akin..",Akala ko ay patay na lahat yun pala ay may natirang isa... Ikaw ang sisira sa mga pinaghirapan naming digmaan upang magtagumpay...akala ko patay ka na, yun pala ay naglalagi ka dito sa kabilang mundo." Nanggagalaiti niyang sabi na hindi ko naman maintindihan.
Mas lalong naging pula ang kanyang mga mata lumabas ang kanyang dalawang pangil at lumabas ang mahahaba niyang kuko.
Sa naiisip ko ngayon ay hindi siya pangkaraniwang tao.. Tama pala sila, ang mga sabi sabi noon ng mga matatatanda ay pawang katotohanan.
Ngayon ay malapit na ang pagbubukas ng portal ayon sa limang bampira na iyon, nagsisilabasan na ang mga bampira sa lugar na ito.. Sabi nila ay matagal na nila itong hinihintay at duon ay babalik na sila sa kanilang kinabibilangan..
Naalala ko ang limang mukha ng nagpakilalang sina Xian, Blake, Rhod, Xavier at Darl. At wala sa sariling binanggit ko ang pangalang..
"D-dark.." usal ko sa kabila ng hirap kong paghinga..
Agad na tumalsik ang lalaking nag anyong tao sa labas.. Nagpa dausdos ito sa lupa at sumuka ito ng dugo. Kahit na malabo ang aking mga mata, nakikita ko kung paano saktan ni Blake at Xavier ang bampirang iyon..
Agad na may humawak sa aking braso. At inaalalayan ako na maupo dahil nanghihina pa ako..
"Fvck Thaliah, ano ginawa niya sayo?!", Pag aalalang tanong ni Darl.
Hindi ko siya nasagot dahil iniinda ko parin ang sakit sa aking dibdib... Bakit palaging ganito ang nararamdaman ko? Bakit nung nakaraang araw ay may naka bungguan ako at ito ang aking naramdaman... Muli ay unti unti kong itinaas ng dahan dahan ang aking ulo upang pagmasdan ang lalaking iyon.. Nakilala ko siya sa pamamagitan ng kanyang suot na panlamig na kulay itim...
"I-ikaw?", usal ko.
Agad namang napalingon sina Darl, Xian at Rhod sa lalaking tinitignan ko ngayon.",Who's that, Thaliah?", Pag uusisa naman ni Rhod.
Hindi ako kumibo sa tinanong ni Rhod dahil hindi ko naman kilala ang lalakeng iyon. Bago siya tuluyan nila Xavier at Blake ay tumititig ito sa akin at humalakhak ito..
",Malapit na ang katapusan mo, Thaliah.. Wag ka magpaniwala sa mga taong lumiligid sayo dahil traydor sila----", hindi na natapos nang lalake ang kanyang sasabihin ng ginilitan ni Blake ang leeg nito.
Unti unti namang bumagsak sa lupang kinatatayuan niya ang kanyang katawan.. Ngunit, nakatitig lamang ako sa direksyon na iyon ng hindi ko alam ang mararamdaman ko...
~~
W/N;
Nasa office ako minsan habang nag susulat sa drafts. Hehe
Nasa utak ko mga scenes, pero diko masulat agad kasi may work.Thank'u for making this no. 1 in Twilight and many more! Tapos nasa Top Picks for you pa, awwww Achievement <3 Thankyou @Wattpadph
Ingat palagi~~
BINABASA MO ANG
The Timeless Dark Mist
VampireNapabalikwas ako ng bangon... May namumuong butil ng pawis sa aking noo... Tumingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng lamesa sa katabi ng aking kama.. "11:11pm" sambit ko sa sarili, pagkuwan ay napabuntong ako ng hininga. "B-bakit ko sya laging n-nap...