Dumating ako sa aming eskwelahan na inaalala pa rin ang lalakeng nakabunggo sa akin... Na bigla na lamang nawala...
"Thaliah!"
Oo, Thaliah. Guni Guni mo lang 'yon.
"Thaliaaaaah Ano seksyon mo ngayon?"
Thaliah, Ano seksyon mo ngayon.. Ano nga ba? Hmmm Heto ako sa tapat ng isang pisara, titingnan pa lang kung saan ako mabibilang na seksyon. Hays, lagi ko nalang kina kausap ang aking sarili.
Nagulat ako ng Biglang may humawak sa balikat ko.
Bigla akong napalingon at.Nakita ko si... "R-Rosalia?" pa tanong na sambit ko.
"Hahahaha, oo ako nga. Bakit tulala ka? Kanina pa kita Tina tawag pero nakatulala ka e."
Hindi ako umimik, pilit Kong inaalala ang lalak---
"uyyy!?" sa pagkakataong ito, niyugyog nya ang dalawang balikat ko. Sa ginawa nyang iyon, ay medyo nakaramdam ako ng hilo dahilan para mawala ang lalakeng bumabagabag sa aking isipan..
"Ayos ka lang?" sunod sunod nyang tanong,
"O-oo, ayos lang ako."
"Sigurado ka? Baka may hindi kana kinukwento sa akin ah.." Sabi Ni Rosalia.
Si Rosalia Mae Tizon, kababata ko na naging matalik ko ng kaibigan. Halos parang magkapatid na rin kami dahil hindi namin iniiwan ang isa't isa at nagdadamayan kami sa mga problema.
"Ha? Ano naman ang ikwento ko sayo?"
"Hindi ko alam, " pang aasar niya.
"Nakita mo ba si Jeshea, Thaliah? "
Paglingon ko sakanya, nahagip ng aking mga mata na parang may lalaki na nagmamasid sa aming dalawa sa lumang building ng aming eskwelahan. Malayo layo sa aming puwesto ang gusaling iyon..
Tinitigan kong mabuti ang gusali. Sa pagtitig ko nagtatakang sumulyap din si Rosalia kung saan ako nakatingin..
Nagpabalik balik din ang tingin nya sa akin at sa gusali.
"Thaliaah, sino Tinitignan mo dun? Wala naman tao ah."
Parang talaga may pigura ng isang lalake doon, hindi ako nagkakamali.
"Thaliah, kulang ka lang sguro sa tulog kagabi kaya ka nagkakaganyan,"
Siguro nga...
Nang maalala ko na may Tina tanong siya.."Ano nga ulit yung tanong mo, Rosalia"
Npabuntong hininga na lang si Rosalia,
"Ang tanong ko sayo kanina kung nakita mo naba si Jeshea?? Kung ano ano kasi iniisip mo e,"
"Ahh, hindi ko pa siya nakikita e."
"Thaliah, Rosaliaaaaaa!!"
Sabay kaming napalingon kung saan nanggaling ang pag tawag na iyon.
Dahil unang araw ng klase, maraming estudyante ngayon dito sa puwesto namin na naghahanap rin ng kanilang kinabibilangan na seksyon sa taong ito.
"Thaliah, Rosalia! Dito" sigaw Ni Jeshea.
"Kailangang sumigaw?!" Sigaw din NI Rosalia.
Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Ikaw din naman sumigaw e"
"So wheeet?" banat sa akin Ni Rosalia,
Ha? Anu daw? So wheet?
Hindi ako magaling sa ingles pero diba what iyon?
BINABASA MO ANG
The Timeless Dark Mist
VampireNapabalikwas ako ng bangon... May namumuong butil ng pawis sa aking noo... Tumingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng lamesa sa katabi ng aking kama.. "11:11pm" sambit ko sa sarili, pagkuwan ay napabuntong ako ng hininga. "B-bakit ko sya laging n-nap...