Dahil sa pagkakatitig ko kung saan nawalan ng buhay ang lalakeng iyon ay kinausap ako ni Darl.
",Don't mind him.. Ganon lang siya magsalita dahil may galit siya sa iyo.", Wika ni Darl.
Napa isip ako sa mga salitang binitiwan niya.. Bakit ang hindi ko kilala ay may galit sa akin gayong hindi ko siya nakasalamuha? Tinignan kong muli ang lalaking iyon. Nakamulat ang kanyang mga mata at naka awang ang kanyang bibig ngunit wala na itong buhay... Napapikit ako sa oras na ito.
Hindi.. Hindi ko talaga ang kilala ang lalaking iyon..
Tumingin ako sa malayo upang mawala na sa aking isipan ang kanyang itsura.. Nakaka awa ito. Agad na lumungkot ang aking mukha.. Dapat ba silang pumatay? Hindi ba pwedeng pag usapan muna kung ano ang kanyang sadya?",I will having a hard time to explain.." nagsalita si Xian, dahil doon ay Tumingin ako sakanya at nakita kong nakatungo siya sa langit.
Agad namang napansin ko na napabuntong nalang sila ng hininga.. Ha? Bakit kaya ano kayang problema nila.
",Thaliaaah... Maaari ba kitang alalayan na tumayo? Marahil ay nangangawit kana sa iyong pagkakapwesto.", Nag aalala namang sabi ni Darl.
Oo nga pala... Naka salampak parin ako sa lupa ngunit hindi ko ito napansin dahil sa nangyari. Agad ko namang inayos ang aking sarili.
",U-uh kaya ko ng tumayo mag isa. Salamat Darl," Sabi ko habang tumatayo. Napansin ko namang nawala na ang sakit sa aking dibdib.
Bakit ganoon? Bakit nawala nalang bigla ang paninikip ng aking dibdib??
",You are not safe here, Thaliah. Mas mabuting mag stay ka nalang sa amin. And please, don't decline it. Wala kaming gagawin na ikakasama mo.", Sambit ni Blake. At napatingin ako sakanya.
Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata. Maari ngang hindi ako ligtas sa lugar na ito, ngunit ayokong iwanan ang pamilya ko dito.
Agad namang napabuntong hininga si Rhod.
",Yeah yeah.. I will guard her. Maybe i will sleep on that," sabi niya sabay turo sa bandang mga puno.
Agad namang nawala sina Blake, Xian, Rhod At Xavier.. At natitira nalang ay si Darl. Tumingin naman ako sa tinuro ni Rhod at tinitignan kong mabuti kung mayroon silang tahanan sa bandang iyon. Siguro ay mayroon silang bahay pahingaan doon dahil marangya ang buhay nila...
Tumitig ng mataimtim sa akin si Darl.. Kalaunan ay nagpaalam na itong aalis na at pag ka sabi'y nyang iyon ay nawala na siya sa aking paningin...
Bumalik ako sa aking silid at kinuha ang kwintas ng aking lola. Sabi ni mamang ay nagbibigay daw ito proteksyon laban sa masasamang elemento. Nagbibigay din daw ito ng pampa swerte at iba pa. Agad ko itong isinuot sa aking leeg. Napaka gandang kwintas nito. Tumingin ako sa aking salamin at nakita ko ang repleksyon ko rito.
",Maraming salamat lola, dahil sa pamana mo ay unti unting nababawasan ang aking mga takot. Batid kong nandyan ka lamang sa aking tabi kasama nitong kwintsa na bigay mo sa akin..", kausap ko ang aking sarili.
Nagulat na lamang ako ng bigla itong umilaw.. Nanlalaki ang mga mata kong tumitig sa repleksyon ng aking sarili sa salamin.. Sunod ay Ibinaling ko ang aking tingin mismo sa kwintas, hinawakan ko pa ito upang matiyak na lumiliwanag ito ngunit nawala na ito.
",Thaliaah... Baka ikaw ay inaantok na." sabi ko at nakita kong pumupungay na ang aking mga mata. Alas tres na pala ng madaling araw,
Gumaan naman ang pakiramdaman ko mula ng isinuot ko ang bigay na kwintas ng aking lola.. Muli ay humiga ako sa kama at sinimulan ko na ulit ipikit ang aking mga mata.
Nasa isa akong lugar na animo'y paraiso napaka ganda... Malawak ang lupain na may maliliit na damo na kumikiliti sa aking mga mapuputing paa. Ibinaling ko ang aking paningin sa harapan at Nakita ko ang isang puno na kung saan ay may mga ibong lumilipad mula rito.. Sa aking kaliwa ay makikita mo ang isang ilog na napaka linis at may mga isdang tumatalon pa mula rito.. May mga bulaklak ng puting rosas sa paligid na sumasayaw dahil sa simoy ng hangin...
Sobrang payapa.. Sobrang nakaka gaan sa pakiramdam.
Maging ang aking mahabang kulot na buhok ay nakikisabay sa pag sayaw ng mga puting rosas... Napatingin muli ako sa paligid.
",Napaka gandang pagmasdan... Ngunit Hindi pamilyar ang lugar na ito para sakin," sambit ko sa aking sarili.
",Nasaan ako?" sambit ko habang unti unti kong inihakbang ang aking mga paa.
Ang lambot ng aking pinag lalakaran na animo'y isa itong bulak.. Papunta ako sa puno na may kalakihan at may bunga itong kulay puti ring mga bulaklak.
Nahuhulog ang mga bahagi nito dahil sa hangin at dumadampi ito sa aking katawan.
Mula sa likod ng punong iyon ay lumabas ang isang napakagandang babae. Kulay puti ang suot na hanggang talampakan at may mga bulaklak ito na nakasukbit sa ibabaw ng kanyang ulo.
Isang dyosa..
Ngumiti ito sa akin.. pero hindi ito nagsalita, inilahad lamang niya ang kanyang kamay sa akin.
",P-po? A-ako?", sambit ko habang tinitignan ko ang aking likod baka ay may ibang tao na naroon. Ngunit wala akong nakitang ibang tao kaya't nasigurado ko ng ako ang kanyang inaanyayahan..
Tumango ang magandang babaeng nasa harapan ko... Nagtataka man ngunit ay iniabot ko kalaunan ang aking kanang kamay.
Nag simula kaming maglakad habang hawak parin niya ang aking kamay.. Huminto kami sa dulo ng lupain na ito. Nakita ko naman mula rito ang isang bayan.. Napag tanto ko na nasa itaas kami dahil sa ibaba ang bayan na iyon. Umurong ako ng paattras dahil sa takot na aking naramdaman.
Tumingin ang magandang babae sa akin at iginaya niya akong muli sa aking pwesto kanina. Sa nanginginig na kamay ay nawala ito ng kusa at nagsimula akong pagmasdan ang bayan.
Bayan na maraming nasunog na kabahayan at parang wala nang buhay.
Hindi ko alam ang dahilan ngunit nakikita ko ng malinaw ang mga nangyayari sa baba...
May paparating na mga kawal sa direksyon ng isang malaking palasyo na nakasakay sa mga kabayo at sa gitna nito ay isang kalesa. Nakatakip ito ng kulay pulang tela..Ilang segundo lamang ay Huminto ito sa isang napakalaking gate. Pinag buksan ito ng mga kawal mula sa loob at nag bow ito sa kalesang dumating agad namang pumasok ang mga kawal na may kalesang may dala.
Mula rito ay bumaba ang isang babaeng may pulang bistida.. Nakapula itong sapatos na may takong. Mas lalo nangintab ang pula nitong kasuotan dahil sa mala porselana niyang balat. Naka ipit din ang buhok nito at pula ang kanyang mga labi.
Agad na napaluhod sa lupa at nagbow ang napakaraming kawal sakanya.
Agad kong napansin ang suot niyang kwintas..
Napa awang ang aking mga labi.
At tumayo ang aking mga balahibo sa oras na ito.",Maligayang pagdating sa Kaharian ng Heather, Mahal na reyna.", Sabi ng lalakeng naka heneral ang kasuotan at nag bow ito bilang pag galang.
Agad namang napa tango ang nasabing reyna at naglakad ito patungo papasok sa malaking pintuan ng palasyo.
~~
W/N;
Lalim. :D sana makayanan ko pa jk HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
The Timeless Dark Mist
VampireNapabalikwas ako ng bangon... May namumuong butil ng pawis sa aking noo... Tumingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng lamesa sa katabi ng aking kama.. "11:11pm" sambit ko sa sarili, pagkuwan ay napabuntong ako ng hininga. "B-bakit ko sya laging n-nap...