ZTUP S1 - C H A P T E R : 2

11.6K 421 56
                                    

Habang bumabyahe kami pa uwi ay bumalik sa aking isipan ang pinagsasabi nong tipaklong na iyon at kung ano rin ang nakain nong kalahati kong kapatid.

Even though we're not siblings by blood but I consider her as a true sister as a tribute to the Mr. Fortellejo's kindness.

Pagkatapos kasi mamatay ni Mr. Fortellejo ay namana din nila ang ibang assets. Tulad ng food chains and resorts. Pero ang mansion and hotels ay sa akin nakapangalan.

Lumipat sila at bumili ng bagong bahay dahil hindi kami magka sundong lahat at dahil sa hindi din nila ako kayang palayasin ay sila nalang ang umalis na may sama ng loob.

Kaya napaisip talaga ako kung bakit galit na galit parin sila sa akin magpa hanggang ngayon kung sila rin naman ang may sama ng loob habang umalis.

Kung umalis lang sana sila na loob lang ang dala at iniwan ang sama ay sana hindi sila galit sa akin ngayon.

Tssskk...tsskk... Mga walang mindset talaga. Tapos ngayon kahit anong mga pakulo nalang ang kanilang nalalaman para makalapit sila sa akin.

Akala ko ba ayaw nila sa akin tapos ngayon ay parang simpleng uod kung makagapang papunta sa akin.

Gusto ko sanang sabihin na caterpillar sila pero naging magandang paro-paro yun eh kaya simpleng uod nalang dahil mga pangit naman talaga sila till their death.

Iba talaga ang kutob ko sa mga pinaggagawa nila ngayon eh.

Nung isang buwan yung tanging Ina ni Grita ang lumalapit sa akin at gusto niya makipag ayos sa akin dahil napanaginipan daw niya si Mr. Fortellejo at sinabihan daw siya na alagaan ako. Ulol niya kung hindi ko lang nalaman na gusto niya akong lasunin nung after party ko ay maniniwala na sana ako.

Well kahit mamatay ako ay wala din naman silang makukuha kahit isa sa akin o kahit ano na iniwan sa akin ni Mr. Fortellejo dahil ang lahat ng yun ay mapupunta sa isang tao na pinagkatiwalaan ko.

Tumingin ako sa left side mirror ng kotse ko at tinignan ang sasakyan ni Jenani na naka sunod lang sa akin at hindi ko mapigilang ngumiti dahil maipapagamot ko na siya bukas. Ibinalik ko ang tingin ko sa daan at medyo binilisan ang pagpapatakbo ko sa sasakyan dahil nag reklamo na ulit ang mga alaga ko sa tyan.

Dahil sa wala akong kasama sa malaking bahay na iyon maliban sa mga maids ay doon ko na din pinatira si Jenani. Kahit marami akong mga katulong ay madalas ako at si Jenani pa din ang nag luluto dahil kinahiligan ko na talaga ang pag luluto at nahawaan ko na din yata si Jenani dahil makikipag agawan ito sa akin sa kusina pag wala akong pinapagawa sa kanya.

I treat Jenani as my little sister and my best friend. The only true family that I have and she's 18 years of age now at sampong taon ang agwat ng edad namin. She's kind and kinda weird at the same time but that doesn't change the fact that I really adore her beside her weirdness is the reason why I love her.

Naputol ang pag mo-moment ko nang may nakita akong may tatawid na isang matanda sa unahan. Tapos medyo na iinis din ako dahil hindi man lang siya tinulungan o pinigilan ng mga kupal na mga tao sa gilid.

Bumusina nalang ako nang malakas kahit malayo pa ako para hindi siya tutuloy sa pag tawid dahil mas marami ang sasakyan sa kabila at isa pa hindi siya sa pedestrian line tumawid.

Juskooo naman lola bakit dyan ka nag lalakad.

Napabuntong hininga nalang ako dahil tila bingi yata siya at hindi narinig ang malakas kong pag busina. Nang malapit na ako sa kanya ay inapakan ko ang brake para mapahinto ko ang sasakyan at lalabas nalang para tulungan siyang makatawid.

Pero dinumog nang kaba ang puso ko nang hindi gumana ang brake at hindi man lang tumigil ang takbo ng kotse ko at nag tuloy-tuloy lang ito papalapit sa matanda. Bumusina ulit ako ng malakas nang ilang beses pero parang naging wala narin itong silbi.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon