ZTUP S1 - C H A P T E R : 7

8.6K 294 17
                                    

[=A=]:

Naka upo parin si Radya sa sahig mag mula nong naka labas at naka alis sila sa kinalalagyan nang kanilang mahal na Prinsesa.

Pagkadating nila sa labas at umabot sa ikatatlong kulungan mula sa kinalalagyan ng kanilang mahal na Prinsesa ay tila ba nawalan na nang tuluyan ng lakas ang kanyang mga tuhod upang alalayan ang bigat sa kanyang katawan hanggang sa mapa upo na lamang siya sa daanan at napa isip ng malalim. Tulala pa rin siya sa mga nangyayari sa kanyang Prinsesang inaalagaan.

Hindi niya lubos akalain na magagawa nang isang Prinsesang mahinhin ang ginawa nito sa kanya kamakailan lang. Dahil ni kahit minsan ay hindi ito nag taas ng boses, magmura sa kanya o kahit samaan man lang siya ng tingin.

Lumaking mapagkumbaba at mabait na bata ang kanyang Prinsesa Xhandria. Sa edad na 17 ay kahit minsan ay hindi ito gumaganti o nag sasalita nang mga masasakit na salita sa mga nanakit sa kanya.

Lagi siyang nalulungkot pag nakikita niyang palagi lang itong yumuyuko at umiiyak ng patago.

Minsan ay nangangarap siya na sana balang araw ay mag bago ang pag uugli nito hindi sa paraang maging isang masama kundi sa paraang kaya na nitong ipag tanggol ang sarili nito laban sa mga taong na nanakit sa kanya.

Parang ngang natupad ang hinihiling niya pero hindi niya sukat akalain na sa pagkatupad nang pangarap niya ay kaakibat naman nito ang pagkawala ng mga ala-ala ng kanyang mahal na Prinsesa at lalo na ang matinong pag iisip nito.

Hindi niya alam kung ikakabuti ba ito sa mahal niyang Prinsesa o ikakasama dahil baka mas dadami na ang mananakit nito dahil sa matalas na itong mag salita.

Habang nakatulala lang siya sa kanyang kinauupuan ay hindi naman mapakali si Navah sa kanyang pwesto. Palagi itong palakad lakad sa harap ni Radya at tinitignan ang kulungang kinalalagyan nang kanilang mahal na Prinsesa.

Kinakagat niya ang kanyang hinlalaki sa kanyang kanang kamay dahil sa pag alalang kanyang naramdaman para sa Prinsesa.

Kanina niya pa gusto balikan at silipin ang kanilang mahal na Prinsesa pero nababahala din siya na baka mas lalo lang itong magalit sa kanila. Kitang kita niya kanina sa mga mata nito kung paano ito magalit at hindi ito nag bibiro sa bawat salita na lumalabas mula sa bibig nito na siyang nag bigay kilabot sa kanyang katawan.

"Radya. Ayos lang kaya ang mahal na Prinsesa Xhandria sa kanyang kulungan? Mahigit dalawang Oras na tayo dito mula noong ipinalabas at pina alis niya tayo sa kanyang silid." Hindi na maitago ni Navah ang nanginginig niyang boses habang nagtatanong kay Radya na naka upo sa lapag at naka tulala lang sa kawalan.

Tumigil siya sa kanyang pabalik balik na lakad ng mapansin niyang nasa isang malalim na pag iisip si Radya at hindi man ito nagawang tignan siya.

Lalapitan na sana niya ito upang itanong kung ayos lang ba ito nang mag angat ito ng paningin sa kanya.

"Mahigit dalawang oras naba tayo dito sa labas?" Nanlalaking matang tanong nito sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya nang tila ba parang ngayon lang ito namalayan na kanina pa sila sa labas ng silid nang kanilang mahal na Prinsesa.

"Puntahan nalang natin ang mahal na Prinsesa Xhandria, Navah. Nababahala na ako at baka may ano nang masamang nangyari sa kanya. Kagagaling pa lang niya at isa pa bakit hindi pa niya tayo tinatawag ulit. Gabing gabi na at oras narin nang hapunan. Hindi pa siya nakaka kain simula ng magising siya at baka gutom na siya." Mahabang sabi nito at dali daling tumayo habang may nakapaskil na pag aalala sa mukha nito at parang iiyak na naman ito ulit.

"Pero baka mapagalitan tayo." Nababahalang sabi ni Navah habang mabilis na nahawakan ang kamay ni Radya upang pigilan nang mag simula na itong humakbang papunta sa kinalalagyan ng Prinsesa.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon