Hindi ko alam kung ilang minuto akong naka tulala dahil hindi parin pumapasok nang lubusan sa maganda kong isipan ang kanilang mga sinasabi.
Hindi ko alam kung maniniwala ba talaga ako o hindi pero hindi ko nakita ang salitang biro sa kanilang mga mukha habang nagsasalita.
Kahit ang klima at aura ng lugar ay hindi pamilyar sa akin.
Napakatahimik na para bang nasa isolated island or lugar kami.
Naniwala na akong hindi talaga ito hospital or mental kasi wala akong ibang ingay na naririnig.
Pero bakit buhay pa ako, bakit humihinga pa ako pagkatapos ng aksedenti na yun at higit sa lahat bakit ako nasa kulungan?
May napakalaking imaginary Question mark sa ulo ko na lumulutang at hindi ko alam kung paano ito sagutan.
Pero hindi ko naman malalaman ang kasagutan sa malaking katunungan na nangyayari kung hindi ako mag sisimulang alamin ang aking sarili.
Pagkatapos ko matulala nang hindi ko alam kung gaano na katagal ay tinignan ko ang kabuoan ko.
Sinimulan ko ito sa aking mga kamay at ngayon ko lang namalayan na sobrang puti nito na parang bang kakambal na nito ang kulay ng gatas.
Hindi naman pangit tignan ang kaputian nito dahil medyo maypagka pinkish din ito para masabing may buhay ang may nag mamay-ari sa katawang ito.
Sobrang lambot din naman ng balat nito na para bang isang bagong sanggol na kakalabas palang sa isang kwebang madilim.
Maputi naman ako noong bago ako na aksedenti pero hindi ganito na para bang kutis ng isang Maharlika.
Medyo kumabog ng malakas ang aking puso ng may pumasok sa isipan ko.
Sana nga hindi pero kung totoo man ay baka tadhana ko na nga talaga.
Tinignan ko ang aking mga braso at kamay pagkatapos ay pinipisil-pisil ng kaunti.
Hindi din ganito kalambot ang mga kamay ko at balat ko sa braso.
Mas lamang kumabog ng husto ang puso ko at medyo kinabahan na ako ng kaunti.
Isinunod ko namang tignan ang suot ko at kinabahan na ako ng husto nang katulad nong dalawang babaeng nilalang ang pormahan ko.
Tama nga ang hinala ko.
Pinag eksperimentohan nila ako at ginawang isang Prinsesa ng mga dyosa na walang kapantay ang ganda.
Mangiyak-ngiyak kong inilagay ang dalawa kong palad sa magka bila kong pisngi at hindi ko mapigilang himasin ito ng paikot dahil sa sobrang lambot.
Tinignan ko ang dalawang babaeng parang mga temang dahil sa pagkataranta habang naka tingin sa akin na sumisinghot singhot pero binabaliwa ko lamang ang kanilang mga tanong.
Tinignan ko sila pataas at pababa at para nga kaming nasa sinaunang panahon ng mga damit at estilo.
Mataas ang laylayan ng damit nito na kulay sky blue pero kung ihahambing ko ito sa kanilang dalawa ay pawang mas medyo mataas ang kalidad ng tela nito pero hindi ganun ka mahal, parang pumapangatlo lamang ito mula sa pinakamahal na kalidad ng isang tela.
Ang manggas naman ay hanggang siko ko lamang.
Sobrang plain nitong damit na ito at walang ka design-design.
Kung totoo na ginawa nila akong isang Prinsesa ay dapat bongga ang pormahan.
Napailing nalang ako at pinunasan ang aking sipon dahil baka pinagloloko lang ako ng mga nilalang dito.
BINABASA MO ANG
"Zemiragh: The Unwanted Princess" S1
Fantasy"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na ang kanyang narating sa buhay. Marami ang na iinggit at nag seselos sa kanyang mga tagumpay. Ngunit is...