ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0

5.5K 265 60
                                    

[=Nexzia Freyana=] :

"Paki abot nga non."

"Hehehehe."

Napabungisngis nalang ako nang makita ko ang pagkalukot nang mukha ni kuya habang inuutusan ni Prinsesa Zemiragh.

Nandito kami ngayon sa kusina ng pribadong dormitoryo ni kuya habang nag luluto nang ano si Prinsesa Zemiragh at si kuya naman na laging naka sunod ay lagi namang nauutusan.

"Huwag mo nga pakialam ang kusina ko at baka sunugin mo lang ito."

Inis na inis na ang mukha ni kuya pero lagi naman naka buntot kay Prinsesa Zemiragh.

"Ibibigay mo ba sa akin ang pinapaabot ko o susunugin ko talaga itong kusina mo?"

"Hehehehe."

Sabay naman silang bumaling ng tingin sa akin nang napahagikhik ako ulit dahil sa kanilang pag babangayan.

Kita ko ang sabay na pagkunot nang kanilang mga noo na nakatingin sa akin kaya mas lalo pa tuloy lumaki ang ngisi ko at mapa bungisngis na sana ulit pero bigla tumalim ang tingin ni Prinsesa Zemiragh sa akin.

"Isang pang 'hehe' na lalabas sa bunganga mo ay sungalngalin ko talaga yang ngala-ngala mo nitong hawak kong sandok."

Bigla ko agad tinakpan ang aking bibig ng aking mga kamay upang hindi niya ma sungalngal ng sandok ang aking ngala-ngala.

"Hmmmmmp."

Kita kong mas dumilim pa ang mukha nito sa akin na ikinanguso ko dahil hindi naman hehe ang lumabas sa aking bigbig sapagkat may kamay ko namang naka takip dito.

"Mga baliw."

Irap na sabi nito sa akin at pabalang na hinablot sa kamay ni kuya yung hinihingi niya kanina pa.

Mas lalo pa ako napahagikhik nang dumilim ulit ang tingin ni kuya sa kanya.

Ayaw ko sa mga babaeng lumalapit sa aking kuya dahil alam ko kung ano ang habol nila sa kanya pero nang makita ko ang ugali ni Prinsesa Zemiragh kung paano niya pakikitunguhan si kuya na walang halong arte at pakitang tao ay nagustuhan ko agad siya.

Lalo na at siya lamang ang nakakapag utos, pinagtataasan ng boses at sinasamaan ng tingin si kuya na kahit ako ay hindi ko magawa.

Mas lalo ko siya nagustuhan nang halos walang magawa si kuya kung hindi ay pagbigyan ang kagustuhan ni Prinsesa Zemiragh.

Wala naman ako pakialam kung may mahika ba ang babae para kay kuya o wala dahil ang gusto ko para sa kanya ay yung masasamahan siya sa bawat problema niya.

Yung babaeng hindi natatakot harapin ang lahat para lamang sa aking kapatid.

Yung babaeng handang ipag laban ang karapatan at panindigan.

Higit sa lahat yung babaeng kayang titigan at salubungin ang mga mata ni kuya na walang pag alinlangan.

Dahil para sa akin ang babaeng hindi kayang harapin at salubungin ang mga mata ni kuya ay hindi din kaya harapin ang mga problema na darating para sa kanilang dalawa.

Nong una kong nakita si Prinsesa Zemiragh ay namangha agad ako sa kanyang kagandahang taglay lalo na sa kanyang pagkatao.

Kita ko rin na tila may isang napakalaking mesteryo ang nakapalibot sa kanya ngunit hindi ko alam kung ano ito.

Isa sa abilidad ko ang makita at mabasa kung ano ang nilalaman nang puso ng bawat indibedwal kaya nakakapag taka na hindi ko mabasa ang sa kanya bagkus ay nararamdaman ko ito na bago lamang sa akin.

Ramdam ko ang paging totoo nito sa lahat.

Ramdam ko ang pagiging matapang at matatag nito at ramdam ko rin ang panindigan sa kanyang puso lalo na at pagnasa tama siya.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon