[=A=] :
Napatunganga na lamang ang dalawang Prinsipe sa mabilis na pangyayari.
Hindi nila sukat akalain na bigla nalang mawawala si Prinsesa Zemiragh sa kanilang harapan.
Lalo na si Prinsipe Frost na nakanganga parin habang nakatingin sa kanyang bisig kung saan naka higa ang walang malay na Prinsesa kanina.
Si Prinsipe Ermell naman ang naka tulala habang naka tingin kung saan naka tayo si Prinsipe Lawrence kanina habang nasa bisig na nito si Prinsesa Zemiragh.
"Nasaan si Prinsesa Zemiragh?"
Napabaling naman si Prinsipe Ermell kay Prinsipe Frost nang mataranta itong nag iikot sa kanyang pwesto habang bukam bibig nito ang pag hahanap sa Prinsesa.
"Kinuha ni Prinsipe Lawrence."
Napatigil sa kaka ikot si Prinsipe Frost nang mag salita si Prinsipe Ermell nang walang ka buhay-buhay na tila may tatlong segundo ang pagitan sa bawat salita na lumalabas sa kanyang bigbig.
"Ahhh kinuha-... Ano? Kailan pa? Nasaan na si Prinsesa Zemiragh ngayon?"
Tila nagising naman ang diwa ni Prinsipe Ermell nang malakas siyang hawakan ni Prinsipe Frost sa balikat at alugin ng malakas.
"T-teka muna, Prinsipe Frost. Bitaw muna."
May kalakasan niyang tinanggal ang mga kamay ni Prinsipe Frost sa kanyang balikat nang hindi pa siya nito binitawan.
Iniiling iling naman niya ang kanyang ulo dahil sa parang nahihilo yata siya sa ginawang pag yugyug ni Prinsipe Frost sa kanya.
"Sagutin mo ang tanong ko Prinsipe Ermell, nasaan si Prinsesa Zemiragh?"
Kita niya ang pagkataranta at pag alala sa mukha ni Prinsipe Frost habang naka ito tingin sa kanya.
"Hindi ko alam basta bigla na lamang dumating si Prinsipe Lawrence at binuhat si Prinsesa Zemiragh mula sa iyong bisig pagkatapos ay bigla sila nag laho."
Inis namang binalingan ni Prinsipe Frost ang naging dahilan kung bakit nawalan ng malay si Prinsesa Zemiragh.
Kung hindi dahil kay Ahrimita ay masaya pa sana niyang nakakausap ang Prinsesa hanggang ngayon.
Kung hindi dahil sa babaeng ito ay sana nasa mabuti pa na kalagayan ang Prinsesa.
Nababahala ang puso niya kung ano ang ginawa ng mangkukulam na babae sa Prinsesa.
Kaya dahil sa inis ay walang pag dadalawang isip na muli niyang pina ilaw ang kanyang mga kamay at balak na sana niyang patayin ang babaeng naging dahilan sa kapahamakan ng Prinsesa nang bigla siyang hawakan ni Prinsipe Ermell sa braso.
"Huwag Prinsipe Frost. Huwag mo dungisan ang mga kamay mo sa ganyang babae. Kahit gusto ko rin wakasan ang kanyang buhay ay baka magka gulo naman ang buong kaharian dahil sa anak din siya nang unang Opisyal nang Llum at baka mas lalo lamang mapapahamak si Prinsesa Zemiragh."
Nanggi-gigil nalang niyang ibinaba ang kanyang kamay at tiim bagang pilit niyang pinipigilan ang kanyang sarili upang hindi tuluyan ang babae.
Hindi niya alam kung bakit bigla nalang niya gustong saktan ang mga taong nanakit sa Prinsesa.
Hindi niya alam kung bakit gusto niya itong protektahan.
Dahil ba sa mga hinanakit na sinasabi nito noong nasa silid sila sa pulungan? Dahil ba sa nakaramdam siya nang awa rito? O dahil sa nakikita niyang iba ito sa mga babaeng kanyang nakilala at nakasalamuha.
Maraming mga salita ang mga naririnig niya laban sa Prinsesang naka kuha ng kanyang atensyon pero halos ang lahat naman non ay puro lamang puna, kutya, panlalait at panghahamak.
BINABASA MO ANG
"Zemiragh: The Unwanted Princess" S1
Fantasy"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na ang kanyang narating sa buhay. Marami ang na iinggit at nag seselos sa kanyang mga tagumpay. Ngunit is...