ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1

5.5K 268 40
                                    

[=Nexzeuss Lawrence=] :

"Ano ba itong niluto mo at bakit maitim? Sigurado ka bang hindi mo ito nilagyan nang lasmmmmpp-..."

Sinamaan ko agad ang babaeng baliw na mapangahas dahil isunobo lang naman niya sa aking bibig ang pagkain na kanyang niluto gamit lamang ang kanyang kamay.

Pambihira nakakadiri. Kinakamay lamang ang pagkain?

Nasaan ba ang ugaling pagka maharlika nitong babaeng ito.

"Sigi subukan mong iluwa at hihilahin ko yang atay mo palabas sa iyong katawan."

Ang salbahing babae nagawa pa akong pagbantaan pagkatapos sa kanyang ginawa sa akin?

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil mas masama pa ang kanyang pagkakatingin sa akin nang subukan kong iluwa ang pagkaing isunobo niya.

Paano niya nagawa ang ganito sa akin?

Kung gusto niya ako subuan ng pagkain sana naman ay gumamit siya ng kubyertos at hindi kinakamay ang pagkain.

Lumingon ako kay kuya Haogu para humingi sana ng tulong pero pambihira parang ipinag palit pa ako nito sa pagkaing niluto nitong baliw na babae dahil tila wala itong narinig o nakita na pangyayari sa kanyang paligid.

Hindi narin ako aasa sa kapatid ko na tutulungan ako nito dahil parang nahawaan narin yata ito sa kabaliwan nitong babaeng magaspang ang pag uugali.

Lagi nalang itong humahagikhik na parang kinikiliti sa tuwing nag babangayan kami nitong babaeng baliw at ngayon nga ay naka ngisi ito ulit na naka tingin sa amin pero naka takip naman ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig sa tuwing napabungisngis.

Gusto ko na talaga maiyak dahil parang napapalibutan na yata ako ng mga baliw.

"Nguyain mo at huwag kang maarte, wala namang lason iyan eh at kung merun man sana kanina pa ako at si kuya Haogu naka bulagta. Hoyyy, at ikaw namang babae na kapatid nitong itlog ay tigilan na iyang kakatakip mo iyong sa bibig at kumain kana rin. Mana ka talaga sa kuya mong baliw."

Gusto ko na talaga mag wala dahil ako pa talaga ang baliw sa aming dalawa?

Pambihira naman.

Nakalimutan ba niya kung sino ako? At ano ako sa kahariang ito?

"Hehehehe"

Malungkot akong napatingin sa aking kapatid na sa halip na masaktan o mainis ito sa sinabi ng babaeng baliw ay bumungisngis lamang ito habang ginagaya kung paano kinakamay ng babaeng baliw ang kanyang pagkain.

Wala naba talagang tutulong sa akin sa sitwasyon kong ito?

"Nga-nga."

Mas lalo ko sinamaan ng tingin ang babaeng baliw na nag sasalita sa aking tabi nang muling hinawakan nito ang aking baba habang ang isang kamay naman niya ay malapit sa aking bibig na may lamang pagkain.

Bigla ko nalang nalunok ang pagkaing isunobo nito sa akin kanina upang mag salita na sana pero ang salbahi ay agad isinalpak sa aking bibig ang pagkain na nasa kanyang kamay.

"Nguya"

Halos mangiyak-ngiyak kong ninguya ang pagkain sa aking bibig dahil sa talim ng kanyang pagkakatingin sa akin habang naka hawak parin sa aking baba ang isa niyang kamay na tila ginagabayan niya ang aking bibig sa panguya.

Nang malunok ko na lahat ang pagkain na nasa aking bibig ay ngayon ko lang nalasahan na sobrang sarap pala nang pagkaka luto niya sa isang manok.

Bago lamang sa akin ang hitsura,amoy at istelo nang pagkakaluto niya.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon