[=Ellezna=] A:
Tulala ang Prinsesa habang nakatingin parin sa pintuang nilabasan ni Prinsesa Zemiragh.
Hindi niya lubos akalain na maging ganon ang daloy ng pag pagpupulong na kanilang gagawin.
Alam niyang malaki ang nagawang pagkaka mali ni Prinsesa Zemiragh laban sa kapatid nito at sa ibang mga mag aaral ngunit hindi niya parin mapigilang makaramdam ng awa mula nang lumabas sa bibig nito ang mga hinanakit sa pag trato sa kanya sa kanilang mundo lalo na sa sariling pamilya nito.
Hindi lingid sa kanyang kaalaman na kinukotya at pinag tatawanan ito ng iba dahil sa isa itong dugong bughaw ngnunit wala itong mahika at pang indibedwal na kapangyarihan.
Subalit hindi rin niya akalain na kahit ang sarili nitong pamilya ay ganun rin ang tingin sa kanya na isang nilalang na walang kwenta at silbi sa mundong ito.
Hindi niya alam kung makakayanan ba niya kung sa kanya mangyari ang mga nangyari sa buhay ni Prinsesa Zemiragh.
Baka magpapakamatay nalang siguro siya dahil wala siya maging kakampi kahit ang sariling pamilya na inaasahan niya.
Hindi niya alam kung bakit sobrang higpit at pait na mabuhay sa mundo nila lalo na at puro mahika at kapangyarihan lang ang naging batayan na kung wala kang ganyan ay wala ring halaga ang buhay mo.
Wala na ba talagang karapatang mabuhay ang ordinaryong mga tao sa mundo nila?
Naputol naman ang kanyang pagka tulala ng sabay na tumayo sa kinauupuan ang apat na Prinsipe.
Prinsipe Ermell na kanyang kapatid, Prinsipe Larson na Prinsipe ng Wrofupis, Prinsipe Allaister na Prinsipe ng Hawirith, at si Prinsipe Bylor na Prinsipe ng Iyroria.
Sabay silang tumayo at sabay din na lumabas sa silid ng pulongan habang may hindi mababasang emosyon sa kanilang mga mata.
Napatanga nalamang siya sa pangyayari lalo na naging kilos sa apat na Prinsipe.
"Tama lamang ang ginawa mo sa anak mo Mahal ang ibig kung sabihin ay don sa dati mong anak sapagkat masam-..."
"Tumahimik ka Quirada!!."
Napakislot naman sa gulat ang ibang natira sa silid dahil sa galit na pagkasabi ng Hari ng Genezers.
"Pero maha-..."
"Pagsinabi kong tumahimik ka ay tumahimik ka, Mahirap na bang intindihin ang sinabi ko, Quirada?"
Kita niya ang matalim at malamig na mga mata ng Hari habang nakatingin ito sa kanyang asawa na si Reyna Lucifia.
"Wala man akong karapatan upang panghimasokan ang gulo ng pamilya niyo Haring Zavier ay sana huwag niyo ipakita sa iba ang pag aaway-away niyo."
Napatingin naman si Prinsesa Ellezna sa malamig na pagkasabi ni Prinsipe Lawrence sa hari ng Genezers sabay tayo mula sa pagkaka upo at lumabas sa silid na walang pasabi.
"Bilang isang punong guro ay nakakabigo ang pagiging Ama mo, Haring Zavier."
Bigla naman nag taasan ang mga balahibo niya sa kanyang batok ng ramdam niya ang galit at lamig sa binitawang salita ng kanilang punong guro.
Kahit kailan ay hindi niya pa ito narinig o nakita na magalit at magsalita nang ganong kalamig dahil kilala ang kanilang punong guro bilang isang mahinahon at mapagkumbabang babae.
"Wala kang karapatang pagsalitaan ang aking asawa na isang Hari at isang lalaki kung isang hamak na babae ka lama-...."
"Hindi ko rin alam kung paano at bakit naging isang ina ang tulad mo Reyna Lucifia."
BINABASA MO ANG
"Zemiragh: The Unwanted Princess" S1
Fantasy"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na ang kanyang narating sa buhay. Marami ang na iinggit at nag seselos sa kanyang mga tagumpay. Ngunit is...