⚠️ WARNING, ANG CHAPTER NA ITO AY HINDI PWEDE SA KUMAKAIN NA MADALING NANDIDIRI.😂😂⚠️
............
[ = Lucifia = ] :
Urghhhh!! Bw*s**!! Bw*s**t!!
Pangatlong araw na ito pero bakit hindi parin ito nawawala at ito na naman umaataki na naman ulit.
Napatayo agad ako sa upuang pwesto ko dito sa hapag kainan sa palasyo at agad ko nasapo ang aking tiyan at ang aking puwet dahil bigla nalang ulit ito tumunog.
Kita ko ang masamang tingin na ipinukol sa akin ni Qhaszim at ibinagsak nito ang kanyang hawak na mga kubyertos.
"Ganyan naba ka walang galang ang isang Reyna dito sa palasyo ko, Lucifia?"
Napayuko ako at napakagat labi habang pinipigilan ko ang galit ko sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon.
Kita ko rin ang mga katulong na nakatayo sa may gilid habang mahinang tumatawa at nag uusap tungkol sa akin.
Aaminin ko magkahalong hiya at galit ang nararamdaman ko sa pangyayari ngayon pero wala akong magawa sa sitwasyon ko kahit ano pa ang aking gagawin at yun ang ikinagagalit ko.
"P-pasensya na aking mahal. M-masama l-lang a-ang aking t-tiyan at k-kung ipagpaumanhin mo ay m-maari ba a-akong umalis sa h-hapagkainan?"
Naluluha akong nag angat ng tingin sa kanya dahil nahihirapan na akong magpigil sa aking nararamdaman at kahit gustohin ko mang umalis ka agad at hindi na hinihintay ang kanyang permiso ay isa iyong kabastusan para sa kanya at sa buong kaharian.
Isa pa ayaw kong mas lalo pang lumala ang masamang reputasyon na nakukuha ko ngayon kaya kailangan kong ingatan ang estado ko dito sa kaharian niya.
Tinignan ko siya sa kanyang mga mata at kahit nakakababa sa aking sarili ay nagpakita ako ng kahinaan at pagmamakaawa sa kanya dahil hindi ko na talaga kaya ang aking nararamdaman.
Pero sa halip na maawa ito sa kalagayan ko ay mas lalo lamang sumama ang kanyang paningin sa akin at itinulak palayo sa kanya ang pagkain na nasa kanyang harapan.
"Hindi ko akalain na isa rin palang mahina ang naging Reyna sa palasyo ko na kahit ang simpleng karamdaman tungkol sa tiyan ay hindi pa magamot-gamot."
Hindi ko na mapigilan pang mapaluha ng tuluyan hindi lang dahil sa kahihiyang dinadanas ko ngayon kundi dahil sa kanyang sinabi.
Wala siyang karapatan na pagsalitaan ako ng mahina kahit isa pa siyang lalaki dahil kung tutuusin ay siya ang pinakamahina sa lahat.
Isang mang-mang at inutil bilang isang ama at bilang isang asawa lalo na bilang isang Hari kaya wala siyang karapatan na pagsalitaan ako dahil kung hindi dahil sa akin ay baka patay na ang kanyang mga anak ngayon.
"Hindi mo ako madadaan sa iyak-iyak mong iyan Lucifia dahil kung hindi lang dahil sa mga anak ko ay isa ka lamang babae na walang estado."
Napayuko nalang ako ng bigla ulit tumunog ang aking tiyan at nananayo na ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa pagpipigil.
Hindi na pumapasok sa aking isipan ang mga masasakit niyang mga binitawang mga salita dahil mas gusto ko nang tumakbo upang mag banyo.
"Umalis kana. Nakakahiya at nakakasuka ka. Nangangamoy kana."
Hindi ko na pinasin pa ang pandidiri nitong nakatingin sa akin habang nakatakip sa kanyang bibig at ilong ang kanyang isang kamay habang ang isa naman ay pinapaypay niya ito sa hangin upang ma alis ang amoy patungo sa kanya.
Hindi na ako sumagot pa at agad akong nagkadarapang tumakbo papalayo sa hapagkainan habang sapo-sapo ko parin ang aking puwet gamit ang aking dalawang kamay at taimtim na dumadalangin na sana aabot pa ako sa aking silid.
BINABASA MO ANG
"Zemiragh: The Unwanted Princess" S1
Fantasy"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na ang kanyang narating sa buhay. Marami ang na iinggit at nag seselos sa kanyang mga tagumpay. Ngunit is...