[=A=]:
Halos tulala ang lahat nang mga tao sa loob ng Génail Akademya dahil sa nangyari.
Nagising na lamang sila bigla dahil sa isang napakalakas na Enerhiyang kanilang naramdaman kaninang madaling araw.
Ang nakapagtataka lamang ay hindi nila matukoy kung kanino ito nag mula sapagkat parang kusang nag sara ang kanilang mga kapangyarihan at mahika na ikinaba nila dahil kahit kailan ay hindi pa naging ganun ang reaksyon ng kanilang mga mahika na parang kusang natatakot ito sa hindi nila malaman ang dahilan.
Ang mga Prinsipe at ang mga Prinsesa naman ay kinakapos sila ng kanilang mga hininga dahil pilit nilang nilalaban ang napakalakas na Enerhiyang kanilang naramdaman pero kahit anong gawin nila ay kusa nalang bumabagsak ang kanilang mga katawan at nawawalan ng lakas.
Buong akala nila ay sila lamang ang nakaramdam sa Enerhiyang iyon pero taliwas sa kanilang ka alaman ay halos ang buong Kaharian ng Llum ang nakadama sa Enerhiya lalong lalo na ang mga may dugong bughaw.
Takot at pangamba ang naramdaman ng mga hari at Reyna dahil baka galing ito sa Kaharian ng Kasamaanian na lubos nilang pinag darasal na sana ay nagkakamali lamang sila sapagkat alam nila sa kani-kanilang sarali na kahit anong gawin nila ay hindi sila mananalo kung sakaling makipag digmaan man ang mga ito laban sa kanila.
Ang priestess naman ay masama ang tingin sa kanyang mga tagapag lingkod nang makita niyang nag-alala itong naka tingin sa kanya lalo nang hindi niya nakita ang lalaking gusto niya.
Inasahan pa man niyang susulpot sa kanyang harapan ang lalaki habang nakapaskil ang pag-alala sa mukha nitong nakatingin sa kanya subalit ay bigo siya.
Isa pa galit din siya sa kung sino man ang may nag mamay-ari sa enerhiyang iyon dahil ayaw niyang may mas malakas pa sa kanya mapa taga kasamaanian man ito o taga Llum.
Kahit nanghihina siya dahil nilabanan niya ang enerhiyang iyon ay pilit niya itong itinatago sa kanyang mga tagapag lingkod at taas noo parin siyang nagmamatapang upang ipakita sa mga ito na walang makakapantay sa kanyang mahika at kapangyarihan.
Gusto niya kasing siya ang sasambahin ng lahat ng mga tao sa buong mundo at gusto niyang luluhuran siya ng lahat lalo na ang lalaking gusto niya.
.
.
Sa Kaharian naman ng Kasamaanian ay nabulabog ang lahat dahil naramdaman din nila ang napakalakas na Enerhiya na ikinabahala din nila sapagkat baka nag mula ito sa Kaharian ng Llum.
Mas lalo pa namroblema ang nag sisilbing hari at namumuno sa kaharian ng Kasamaanian sapagkat kung sakaling galing talaga ito sa kaharian ng Llum ay wala na silang magagawa pa at mas lalong hindi nila matutuloy ang kanilang mga plano laban sa Kaharian na ito kung lubusan na sila nitong puksain.
Galit,poot at pangamba ang nararamdaman ng lahat ng mga namumuno sa bawat Kaharian dahil sa malakas na enerhiya pero isang lalaki lamang ang tila aliw na aliw sa pangyayari sa paligid.
"You're so amazing, my baby."
.
.
.
.
.
.
.
[=Miragh=]:
Tulala ako habang inaayusan ni Radya at Navah.
Kahit sa pag ligo ay hinayaan ko nalang silang samahan ako dahil sa gulong-gulo parin ang isipan ko na tila wala akong lakas na kumilos at gumawa ng kahit ano sa aking paligid.
BINABASA MO ANG
"Zemiragh: The Unwanted Princess" S1
Fantasy"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na ang kanyang narating sa buhay. Marami ang na iinggit at nag seselos sa kanyang mga tagumpay. Ngunit is...