ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6

7K 287 42
                                    

Nangalumbaba ako sa aking mesa habang nakikinig sa mga pinag sasabi ni Propesor Heidi sa harapan.

Pagkatapos ko magpakilala kanina ay akala ko puro kutya at insultuhan na naman ang maririnig ko mula sa kanila pero lahat sila ay tila walang pakialam sa akin.

Pero nung si Puma na ang nagpakilala ay narinig ko ang mga mahinang hagikhikan ng mga iilan lalo nang banggitin nito ang buo niyang palangan.

'Puma Fengateco.'

Kahit ako nong marinig ko ang buo niyang pangalan ay tinakpan ko ng aking mga palad ang aking bibig para hindi umalpas ang pinipigilan kong tawa.

Pero nakita niya parin ang ginawa ko kaya naka tanggap naman ako ng isang napakasamang tingin mula sa kanya.

Mabilis ko namang inalis ang aking tingin sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan at mapahalagakhak ako ng tawa at baka madagdagan na naman ang aking kabaitang nagawa sa kanya.

Habang naka iwas sa kanyang direksyon ay binasa ko ang aking hintuturo ng aking kaunting laway at limang besis ko itong pabalik-balik na nilagay sa ibabaw ng aking ilong at noo para mapagilan ko ang aking pag tawa.

Na ala-ala ko na naman kasi ang kanyang pangalan.

'Puma Fengateco' parang tunog 'Pumapangit ako'.

Bakit naman kasi ganun.

Hoooohhh!! Ayaw ko pa naman maging isang bully pag hindi kailangan.

Nang matapos ako sa aking orasyon ay muli akong umupo ng maayos at humarap sa pisara na siyang pinag sisihan ko dahil siya namang pag bulong ni Puma sa hangin habang naka tingin sa akin.

Diko alam kung anong ibig niya sabihin pero binigyan pa talaga niya nang diin ang bawat letra na lumalabas sa kanyang bibig.

"Pffttt.. hahahahahahaha."

Kaya hindi ko na mapigilan ang tawa ko at tuluyan itong lumabas sa aking bibig dahil sa bawat diin ng kanyang gustong sasabihin ay mas lalo lang lumalaki ang kanyang bunganga na pati ang mga galigid niya ay kitang kita.

Bigla naman napatigil sa pag sasalita ang propesor namin at napatingin sa akin at ang lahat ko namang kaklase ay sa akin narin naka harap.

Kita ko ang pagtataka at pagtatanong sa kanilang mga mukha habang naka titig sa akin.

Mabilis ko namang hinawakan ang aking nguso gamit ang aking dalawang daliri para mapigilan ko ang muli kong pag tawa.

"May nakakatawa ba sa aking sinasabi mahal na Prinsesa Zemiragh?"

Kita ko ang pamumula sa pamumukha ni Propesor Heidi na tila nahihiya at nagtataka itong nag tanong sa akin.

Akala niya siguro ay siya ang pinag tatawanan ko.

Sensya naman propesor, hindi ko lang kasi mapigilan ang matawa eh.

"Hindi ho ma'am este Propesor Heidi. M-may nakita kasi akong multo na nilulunok ang mga upuan sa may banda dun." Pagpapaliwanag ko sa kanya sabay turo sa kanang bahagi ng silid-aralan namin.

Lahat naman sila ay sinundan ang aking hintuturo at napatingin sa bahaging aking itinuro pati narin si puma na naka kunot noo kaya muli ko namang hinawakan ang nguso ko para pigilan ang muli kong pag tawa.

Mga ilang sandaling katahimikang nakalipas ay may mga humagikhik na din na siyang kinatigil ko at tila bigla ako pinag pawisan ng malamig dahil sa kaba.

Hindi kaya? Pero imposibl-......

"Hahahaha parang merun nga po Propesor Heidi. Babaeng multo na may malaking bunganga."

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon