[= A =] :
"Kamahalan, mapanganib po ang makihalubilo sa mga tao."
Halos lumuhod na ang isang may kantandaang lalaki sa harap ng kanyang tinatawag na Kamahalan upang pigilan lamang ito sa balak nitong pag alis muli.
"Gusto kong makita muli ang aking asawa, Gejno (Je-no)."
Tinitigan niya ng mariin ang mga mata ng kanyang Kamahalan dahil tila isa na itong kakaibang nilalang sa kanyang harapan dahil mag mula ng bumalik ito noong isang araw ay lagi na nito bukambibig ang salitang 'asawa' at 'maganda'.
Hindi niya alam kung na kulam ba ito sa pag punta nito sa lugar ng mga tao o nanaginip ito ng gising.
Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa hindi talaga niya alam kung ano ang gagawin niya sa kanyang kamahalan na nakangiti na naman sa kawalan.
Nakilala niya ang kanyang kamahalan na isang lalaking hindi kinikitaan ng kahit anong emosyon.
Lalaking pinapaslang nito ka agad ang mga nilalang na nagbibigay pagdududa sa kanya dahil sabi pa ng Kamahalan niya ay ayaw niyang maulit ang nangyari sa mga magulang nito na nagtitiwala kahit kanino.
Alam niyang malakas ang mahika at kapangyarihan nito kanino man pero may isang mahika lamang ang pweding makapag pahina ng kanyang Kamahalan at yun ay ang mahikang itim na tinatawag na 'Magià Fosca' na kayang kumontrol ng isang tao sa pamamagitan ng isang utos mula sa isip ng may hawak ng mahika.
Kaya nito pasabugin ang utak ng taong kanyang iniisip o nakita.
Kaya rin nito kumuntrol ng dugo at pasabugin ang katawan o kahit balian ng buto ang isang tao o nilalang ay pweding-pwede nito gawin kahit hindi nito kaharap ang gusto niya gawan ng kasamaan basta alam lamang niya ang pangalan nito o kahit ang mukha nito ay magagawa ng taong may hawak ng 'Magià Fosca' ang gusto niyang gawin at naisin.
"Pero paano kung makasalamuha mo ang taong may hawak ng Magià Fosca Kamahalan. Kahit alam kong walang katulad ang iyong mahika at kapangyarihan ay hindi rin lingid sa aking kaalaman ang maaaring maging pinsala ng Magià Fosca sa iyo."
Kita niyang napalis ang magandang ngiti na naka ukit sa labi ng kanyang Kamahalan at napalitan ito ng walang emosyon at walang ka buhay-buhay nang tumingin ito sa kanya at kahit alam niyang hindi siya sasaktan ng kanyang Kamahalan ay hindi parin niya maitago ang takot na kanyang nararamdaman ng makita niyang unti-unting umiitim ang buong mga mata nito.
"Kaya nga nais kung bumalik sa mga tao Gejno habang maaga pa upang hanapin ang puso ng Magià Fosca at pigilan ang taong may balak na buhayin ito ulit at isa pa walang sino mang may karapatan ang humawak ng Magià Fosca maliban sa akin sapagkat puso at buhay iyon ng aking Ina at Ama na kanilang kinuha."
Halos matood siya sa kanyang kinatatayuan ng biglang binalot ng isang malakas na tunog mula sa kulog at kidlat ang buong paligid at nagsimula naring dumidilim at umuulan at alam niya kung ano ang naging sanhi at dahil yun sa kanyang kamahalan na binabalot na ng galit ang puso.
Subalit alam din niya kung bakit ganito nalang kagalit ang nararamdaman ng kanyang kamahalan dahil kahit siya ay baka hinalughog at winasak na niya ang buong mundo upang makita lamang ang taong may ginawang karadumaldumal sa mga magulang nito.
"Ipag paumanhin niyo ang aking kapangahasan Kamahalan sapagkat ako'y nag alala lamang sa iyong siguridad at ayaw kong mapahamak kayo."
Nakayuko niyang sabi upang hindi makita ang purong itim na mga mata ng kanyang Kamahalan.
Dalawa ang kulay ng mga mata nito at yun ay kulay pula at itim.
Pag galit ito ay naging maitim ang lahat ng kanyang mga mata na wala kang makikita kahit anong puti sa paligid nito at ang pinaka ayaw niyang makita ay ang mag kulay pula ang mga mata ito dahil kung mangyari man ang panahon na maging ganun ang kulay ng mga mata ng kanyang Kamahalan ay alam niyang walang sino mang makapag pigil sa isang literal na pagiging halimaw nito.
BINABASA MO ANG
"Zemiragh: The Unwanted Princess" S1
Fantasy"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na ang kanyang narating sa buhay. Marami ang na iinggit at nag seselos sa kanyang mga tagumpay. Ngunit is...