"May siyam na kaharian ang ating mundo, ito ay ang Llum, Hawirith, Wrofupis, Ekrucusian, Iduizacas, Barbaroa, Genezers, Bèstia at ang paghuli ay ang kahiran ng Kasamaanian. Ang Llum ang pinaka malaki sa lahat dahil hawak nito ang ibang kaharian maliban sa Kasamaanian. Ang Llum ay ang kaharian ng liwanag at apoy kung saan ang namumuno ay ang Emperador na siyang pinaka mataas sa lahat ng mga hari."
Nangalumbaba ako habang nakikinig sa Propesor namin sa kasaysayan.
Kahit alam ko na ang ibang detalyi dahil sa sinabi nila Navah sa akin noon ay gusto ko parin malaman ang ibang bahagi.
"Si Emperador Neziar Lanxe Devilvevoeun ang siyang namumuno sa panahon natin ngayon at susunod naman sa kanyang trono ang nag iisa niyang anak nalalaki na si Prinsipe Nexzeuss Lawrence Devilvevoeun na nag sisimula ng mag sasanay para maging karapat-dapat ito sa titolo at korona."
Ay weww!!!
Kaya pala magaspang ang pag uugali nong itlog ay dahil siya pala ang susunod na Emperor sa kahariang ito.
Pshhh!!! Hind bagay.
Hindi ko naman mapigilang mapingisi dahil sa mga nalalaman ko, lalo na at nilaga ko ang itlog nong itlog na Prinsipe.
Buti nalang pala at hindi ako sinumpong ng katamaran ngayon dahil hindi ko malalaman ang medyo importanteng bahagi sa paksang ito.
Bigla naman tumunog ang kampana pahiwatig na tapos na ang una naming klase at susunod na ang ikalawa.
"Bukas ay ang mga kaharian naman na nasa ilalim Ng Llum ang ating paksa. Mag aral kayo dahil mag bibigay agad ako ng pasulit pagkatapos."
Nakakapagtaka kung bakit tila mas mataas ang tingin nila sa priestess kung mas hari ang ama nong itlog sa lahat nang hari.
Kita kong nagsilabasan na ang iba kong mga kaklase pagkatapos lumabas nong aming Propesor.
Tumayo narin ako at niligpit na aking mga gamit para sa susunod na klase.
"Prinsesa Zemiragh, malapit pala kayo ni Prinsipe Ermell? Lalapitan ka sana namin kanina upang maka sabay sa almusal pero nakita ka namin na kasama mo si Prinsipe Ermell kaya hindi nalang kami tumuloy."
Napatingin naman ako sa babaeng dumadaldal nalang bigla sa aking tabi at kita ko ang parang kinikilig na bulati na si Jelliene.
May saltik.
Nasa likod naman nito ang babaeng napulot namin kahapon na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ang kanyang pangalan.
"Hindi."
Bagot kong sagot habang naglalakad upang lumabas na sa aming silid.
Lakas nila makichismis pero puro naman mali.
Kasabay lang sa pagkain ay malapit na agad sa kanila?
Parang mga abnormal.
Nakita ko namang sumunod sa akin ang dalawa na hinayaan ko lang dahil sa isa lang din naman namin ang aming pupuntahan.
"Anong hindi Prinsesa Zemiragh?"
Napakagat naman ako sa aking ibabang labi dahil sa kabobohan ni Jelliene.
Nagtatanong tapos hindi alam kong para saan ang sagot ko.
Sarap yakapin ng mahigpit sa leeg.
"Hindi kami malapit sa isa't-isa at kung magtatanong ka pa ulit ay gagawin na talaga kitang pating at ipapakain sa saranggola."
Inis ko silang iniwan sa kanilang kinatatayuan at binilisan ang aking pag lalakad habang para silang temang na nakanganga na tila hindi naiintindihan ang aking sinabi.
BINABASA MO ANG
"Zemiragh: The Unwanted Princess" S1
Fantasy"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na ang kanyang narating sa buhay. Marami ang na iinggit at nag seselos sa kanyang mga tagumpay. Ngunit is...