[=A=] :
"Patawad po pero hindi ko po kayang ibalik ang iyong lakas."
Naiiyak na ang babaeng gumagamot sa mga sugat na natamo ni binibining Ahrimita at sa iba pa habang ang lalaking binata naman na isa sa gumagamot ay naka taas kilay lamang habang pinag mamasdan ang babaeng sumisigaw dahil sa galit.
"Puñeta!! Tontá!! Wala kayong silbi. Paano kayo naging isang manggagamot kung hindi niyo naman pala ma ibalik ang aking lakas?"
Yumuko lamang ang babaeng manggagamot dahil sa kahit siya ay hindi niya rin alam kung bakit.
Oo at napapagaling niya ang mga sugat sa mukha nito at bugbog pero ang nakapag taka lamang ay hindi niya maibalik ang lakas na nawala sa katawan ng binibini na si Ahrimita.
Hindi niya alam kung bakit tila hindi tinatanggap ang mahika niya sa katawan nito na para bang may humaharang na ibang mahika upang hindi niya maibalik ang lakas ng babaeng kanyang ginagamot.
"H-hindi ko po a-alam kung b-baki-..."
"Ang sabihin mo ay wala ka lang talagang kwenta at silbi."
Hindi na napigilan pa ng babaeng manggagamot ang kanyang luha dahil sa mga pang iinsulto ng babae.
Alam niya sa kanyang sarili na ang mahikang merun siya ay ang pinakamahinang mahika sa buong kaharian kaya hindi niya maiwasang masaktan sa mga pinagsasabi nito.
"Hindi lang pala mukha mo ang pangit pati rin pala ang ugali mo."
Tila umurong ang kanyang mga luha ng marinig niyang nagsalita ang lalaking kasama niya sa silid ng klinika at kita niya ang pamumula sa mukha ni binibining Ahrimita dahil sa galit habang madilim ang pagkakatingin nito sa lalaking naka taas lamang ang kilay na naka tingin sa binibini mula ulo hanggang paa.
"I-ikaw, wala kang karapatang pag salitaan ak-.."
"Wala nga ba?"
Hindi niya alam kung aawatin ba niya ang lalaking kasama niya o hahayaan na lamang upang makaganti man lang din siya sa binibining mapag mataas.
"Wala, at baka naka limutan mo na isa akong anak ng unang Opisyal sa kaharia-..."
"At isang babae."
Napayuko na lamang siya ng marinig niya ang panghahamak ng kanyang kasama sa kanilang kasarian at kahit hindi siya ang sinabihan nito ay parang naging mas mababa narin ang pag tingin niya sa kanyang sarili.
Bigla naman natameme si Binibining Ahrimita dahil sa kanyang narinig mula sa lalaki at napakuyom na lamang niya ang kanyang mga kamay dahil sa panghahamak nito sa kanyang kasarian.
"Hindi naman ako mahilig manghamak sa kasarian niyo dahil wala naman akong mapapala, pero kung para sa isang tulad mo lang naman ay parang mas maganda yatang uulit-ulitin ko pa."
Napa angat siya ng tingin at pinag masdan ang lalaking naka angat ang gilid ng labi nito habang pinagmamasdan ang mas lalong pamumula sa mukha ni binibining Ahrimita dahil sa pinag halong galit at hiya.
"Hmmmmm"
Napabaling naman ang paningin niya sa isang higaan ng marinig niya ang isang ungol ng babae at kita niya ang unti-unting pag mulat sa mga mata ni Prinsesa Quinta.
Napakagat labi na lamang siya dahil isa pa ito sa problema niya dahil kahit anong pilit niyang pagpapagaling sa pinsala nito ay hindi man lang nabawasan ang itim na nasa mukha nito.
"N-nasaan ako?"
"Nasa klinika ka po, Prinsesa Quinta."
Magalang na sagot niya habang nilalapitan ang Prinsesang bagong gising.
BINABASA MO ANG
"Zemiragh: The Unwanted Princess" S1
Fantasy"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na ang kanyang narating sa buhay. Marami ang na iinggit at nag seselos sa kanyang mga tagumpay. Ngunit is...