GABI na ay nag-aya pang maligo sa dagat si Sebastian. Hindi siya nito tinigilan sa pangungulit hangga't hindi siya napapapayag. Matigas ang katwiran nito na kailangan nilang lumusong sa dagat. They ought to celebrate, ayon dito. Sa dagat daw nila natanto na puwede nilang lampasan ang hangganan ng pagkakaibigan nila kaya dapat lang na doon sila magdiwang.
Pumayag naman siya. Sa kondisyon na iilawan ni Sebastian ang buong paligid. Tanging property lang nila ang may nakatayong bahay sa parteng iyon ng Allasitan. At dahil hindi naman masyadong maliwanag ang buwan, nakakatakot ding basta na lang lumusong sa dagat.
Hindi naman ganoon kapayapa ang alon. Kapag purong dilim ang paligid, ang mahinang ugong ng hihip ng hangin at hampas ng alon sa dalampasigan ay may dulot na kaba.
Pero nag-iba ang dating ng paligid nang simulan ni Sebastian na sundin ang kagustuhan niya. Marahil ay naka-imbak pa sa beach house ng mga ito ang mga ginamit noong kasal nina Santi at Catherine kaya ganoon na lang ang naging transformation ng paligid.
Ilang dosenang lampara ang inihilera ni Sebastian sa buhanginan. Bukod doon ay inilipat ng binata ang kanyang kotse sa beach frontage. Sinindihan nito ang headlights ngunit hindi itinutok direkta sa kanila.
Tila higanteng alitaptap ang naging dingas ng mga lampara. Naalala niya ang ilang sandali ng kasal nina Santi at Catherine. Tila walang ipinagkaiba ang paligid noon at ngayon. Because of the brilliance of dozens of lamps, tila bumaha ng romansa sa paligid.
Nang bumaling si Sebastian patungo sa kinaroroonan niya ay sumikdo pa ang kanyang dibdib. Suddenly, her eyes were now open to his masculinity. He was wearing trunks. He was very male. A six-foot tall of a walking heartache.
And she was indeed aching for him. But it was a different ache. Kung puwede lang siguro na salubungin na niya si Sebastian. She wanted to embrace him. To feel his kisses again. At that very instant, she knew of one thing. She was falling in love with him.
Pinanood niya ang marahang hakbang nito. He walked with grace. His bearing had confidence. He was wearing his charming smile. At naisip niyang sulit na rin kung kinaiinipan man niya ang mapalapit agad dito. He was so handsome, so enchantingly attractive.
At nang ganap itong makalapit ay tila nagitla pa siya. Without saying any word, iniyakap niya ang mga braso sa leeg nito at siya na ang kusang humalik dito.
She felt she couldn't say the words. She felt words weren't enough to tell him that she had fallen in love with him. At kagaya ng ginawang paraan nito, naisip pang mas epektibo nga marahil na sabihin na lang ang nasa damdamin sa pamamagitan ng halik.
They kissed for long moments.
Marahil ay pinangko siya ni Sebastian at hindi lang niya namalayan sapagkat ang buong sistema niya ay nakatutok sa masarap na pakiramdam na idinudulot ng panghihinang ng kanilang mga labi.
The next thing she knew, he was laying her on the shore. Ang mga paa niya ay naaabot ng mumunting along inihahatid ng hangin. It was cold. Pero hindi sapat ang lamig na iyon upang patayin ang apoy na tila lalong ginagatungan ng patuloy na paghalik nila sa isa't isa.
"Adrienne, I don't think I could get enough of you," paos na wika sa kanya ni Sebastian. "Oh, God, you're so beautiful."
"So are you," she whispered.
They exchanged smiles at inalalayan siya nito na bumangon. Dinala siya nito sa hanggang dibdib niya ang lalim.
"Seb, hindi pa rin ako marunong lumangoy," sabi niya.
"Don't worry. I'm here. Saka hindi naman tayo pupunta sa malalim. We'll just enjoy the water."
Ganoon nga ang ginawa nila. Nagharutan lang sila sa tubig. At kapansin-pansin na kahit animated na si Sebastian, hindi na rin ito nagbibiro ng mga bagay na ikinapipikon niya. And he was kissing her a lot.
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - CAGAYAN 2 - You Belong To Me, I Belong To You
Romance"Gusto kig ligawan, Adrienne. Pero hindi naman ako marunong manligaw. Marunong lang akong mang-asar." ***** Adrienne Isabel Montoya Vargas. Pangalan pa lang niya ay para nang credit card na tinaggap kahit na saang tindahan. She belonged to the upper...