"MAGSALITA ka, Sebastian! At siguruhin mo lang na matino ang ikakatwiran mo sa akin kaya dinala mo ako dito sa dagat!" Labas ang litid niya habang nagsasalita. Wala siyang pakialam kung saan maaaring dalhin ng hangin ang tinig niya. Ang mahalaga sa kanya sa mga sandaling iyon ay ipamukha sa binata na hindi siya natutuwa sa ginawa nito.
"Ayen, huwag mo naman akong sigawan," tila maamong tupang wika nito.
"Bakit nga?" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Sumagot ka! Kundi lulunurin kita!"
"Ikaw lang din naman ang inaalala ko. Kagabi, narinig kitang inaatake ng hika. Alam mo, Adrienne, gamot ang tubig-dagat sa may hika. Maligo ka sa dagat tuwing umaga bago sumikat ang araw. Patuyuin mo sa balat mo ang tubig. Gagaling iyang hika mo."
"What?" gilalas na sabi niya na hindi niya malaman kung magagalit o tatawa. "Wala akong hika!"
"Pero ubo ka nang ubo kagabi," katwiran nito. "Napuyat nga ako sa kauubo mo kasi para kang asong kahol nang kahol."
Tinitigan niya ito. "Niloloko mo ba ako? Payapang-payapa ang tulog ko kagabi. Wala akong ubo!" Inismiran niya ito bago siya lumakad patungo sa pampang. Ang nasa isip niya ay ang makaahon na sapagkat baka may iba pang agenda sa kanya si Seb sa pagdadala sa kanya roon. Hindi pa naman siya marunong lumangoy hanggang ngayon.
Humabol naman sa kanya si Seb. Naunahan pa nga siya nito. "Hindi ikaw ang naririnig kong umuubo?" mukhang gulat namang sabi nito. "Pero may umuubo kagabi. Ayen, baka may multo sa inyo!" Namilog ang mga mata nito.
"Luko-luko ka pala, eh!" Bago siya nakapag-isip pa, nahablot na niya ang buhok nito saka ito sinabunutan.
"Ayen, stop! Makakalbo ako niyan!"
Hinawakan nito ang kamay niya pero mas mahigpit ang hawak niya sa buhok nito. She swayed habang gigil na gigil pa rin itong sinasabunutan. Nang ma-off balance siya, tangay niyang bumagsak sa ibabaw niya si Seb.
Natigilan siya. Kahit ang mga daliri niyang nakabaon sa buhok nito ay tila nabitin sa ere ang layunin doon. At sa wari ay natigilan din si Seb. Basta lang itong nakatunghay sa kanya. But she saw his eyes moving.
First their eyes met and held. At pagkuwa ay bumaba iyon sa kanya ilong. At bumaba pa sa kanyang mga labi. Doon iyon nagtagal ng tingin.
She wet her lips unconsciously. At kagaya ng ginawa ni Seb sa kanya ay ganoon din ang ginawa niya dito. The next second, she knew they were watching each other's lips. Parang pareho silang nakikiramdaman kung ano ang susunod na mangyari.
Narinig niya ang pagpakawala ni Sebastian ng isang paghinga. That simple movement made their bodies ground against each other. Sa paghugot nito ng isang paghinga, sa wari ay lalo namang dumiin ang dibdib nito sa kanya.
She swallowed. Hindi niya maunawaan kung ano ang damdaming pumupuno sa kanya ng mga sandaling iyon. Hindi siya makaisip ng salitang makakatukoy sa nararamdaman niya. Basta ang alam niya, ngayon siya nagsisimulang maging aware sa ayos nilang dalawa.
Seb was above her, oh, God! At basang-basa ang damit niya. At ngayon lang din niya napagtuunan ng pansin na tanging shorts lang pala ang suot ni Seb. At parang balewala ang mga telang iyon sapagkat basa naman at humakab sa katawan nila.
And she swallowed again. Because she felt a certain hard thing that was poking against her stomach. She stirred. At dahil doon ay lalo niyang naramdaman ang bagay na iyon.
"Seb."
"Ayen."
They both called each other's name at the very same time. At sa pandinig niya, tila isang pag-usal ang lumabas sa kanilang bibig. Then their eyes met again. His eyes seemed cloudy. Kung anoman ang mensahe nito ay hindi niya gustong bigyan ng interpretasyon. She didn't want to assume things.
Isang paghinga ang ginawa niya. At ang mga kamay niya ay inilipat niya sa pagitan ng kanilang mga dibdib na halos magkadikit na. Sa banayad na galaw ay itinulak niya ito upang umalis sa ibabaw niya.
Nagpatangay naman si Seb. Ito na ang kusang bumangon. At nang ganap na makatayo ay inabot ang kamay niya upang alalayan din siya. Tinanggap naman niya ang gesture na iyon dahil naramdaman niyang tila siya nanghina.
Nang kumilos siya upang tumayo, nahagip ng tingin niya ang bahagi ng shorts nito na nakadaiti sa tiyan niya kanina. Kamuntik na siyang mapasinghap nang malakas. Matigas pa rin iyon.
She wanted to look away pero parang namagneto na ang mga paningin niya sa bahaging iyon. Nakalimutan na rin niyang dapat siyang kumilos. Nagulat pa siya nang tinagtag ni Sebastian ang kamay niya.
"Ayen, huwag mo nang tingnan!"
Bigla siyang napaangat ng tingin dito. "S-saan ba ko nakatingin?" aniyang huli na nang maisip na hindi na sana siya nagbuka pa ng mga labi.
"Saan pa? Di sa... sa ipinagkaiba nating dalawa!"
Nanlaki ang mga mata niya. Huling-huli pala siya nito! Pero kahit na magka-sandstorm bigla sa buong Allasitan, hindi siya aamin. Inirapan niya ito nang pagkatalim-talim. "Ilusyunado! Bakit naman ako titingin?"
Tumawa si Sebastian. "Sus! Tatanggi pa raw. Halatang-halata naman!"
"Ewan ko sa iyo!"
"Oopps! Bawal ang pikon." Nginitian siya ni Seb. "All right, aamin din ako. Ako din naman, eh, tumingin."
"What?" At bigla niyang niyuko ang sarili. Ano ang makikita sa kanya ni Sebastian? Ternong pajama ang suot niya. Puwede ba naman siyang makitaan nito samantalang hanggang kalahati pa nga ng hita niya ang laylayan ng pajama top niya.
"Adrienne," he said huskily.
"What?" she snapped.
"W-wala kang bra." At nakita niyang napalulon pa ito.
Nanlaki na naman ang mga mata niya. Wala siyang maisip na sabihin. Sa huli, tinadyakan niya ang lulod nito saka siya nagmamadaling bumalik sa beach house. Dinig niya ang pagdaing ni Sebastian pero ni hindi niya ito nilingon.
--- itutuloy ---
Maraming salamat sa pagbabasa.
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - CAGAYAN 2 - You Belong To Me, I Belong To You
Romance"Gusto kig ligawan, Adrienne. Pero hindi naman ako marunong manligaw. Marunong lang akong mang-asar." ***** Adrienne Isabel Montoya Vargas. Pangalan pa lang niya ay para nang credit card na tinaggap kahit na saang tindahan. She belonged to the upper...