ISANG marahas na paghinga ang ginawa ni Seb saka halos padaskol siyang kinabig palapit dito. Siniil siya nito nang mariing halik. Pakiramdam niya ay mapupugto ang kanyang hininga. Pero kahit na naninibago siya sa paraang iyon ng paghalik ng binata ay hindi naman nagbago ang epekto ng mga labi nito sa kanya. Sa sumunod na galaw ng mga labi nito ay tila sabay-sabay na nag-react ang mumunting muscles sa loob at labas ng bibig niya upang tugunin ang halik nito.
"I love you, Adrienne. I love you so much."
"Seb?" she whispered. Inilayo niya ang mukha dito upang matiyak na hindi siya dinadaya lang ng pandinig. He was telling those words against her lips. At bagaman iyon ang salitang gusto niyang paniwalaang narinig niya, hindi naman malinaw na rumehistro ang tunog niyon sa kanyang tenga.
"I love you, Adrienne," malinaw at mas malakas na ulit nito. "How could you say that I don't love you? I love you with my every pore."
"Oh, Seb!" she sobbed at may naglandas na ngang luha sa kanyang mga mata. Napayakap siya dito. Subalit sa labis na tuwa ay hindi rin siya nasiyahan na basta nakayakap lang dito. She cupped her face at nahihilam sa luhang pinagmasdan ito. "I believe you. You love me. You love me!"
"Of course, darling. Sino ang nagbigay sa iyo ng ideyang hindi kita mahal? I proposed marriage to you, for God's sake! Bakit kita aalukin ng kasal kung hindi kita mahal at hindi kita gustong makasama sa habambuhay?" napipikon ngunit nangingiting wika nito. At bigla ay pumormal ang mukha nito. "Ano ang sadya sa iyo ni Rosette?"
"K-kayo pa rin daw." Inulit niya kay Seb ang mga sinabi sa kanya ng babae. At bagaman pakiramdam niya ay siya mismo ang naeeskandalo nang maisip pagbubulgar ni Rosette sa namagitan sa mga ito ay pinili pa rin iyang sabihin ang lahat kay Seb. "Saka buntis daw siya," pagtatapos pa niya.
Napailing na lang si Seb. "Wala na kami. Sinabi ko naman sa iyo dati pa na nag-break na kami, di ba?'
"Yeah. Pero kasi akala ko hindi ka naman seryoso doon.'
Umungol ito. "At hindi siya buntis noong naghiwalay kami." Tila nagtatampong tumingin ito sa kanya. "Bakit naman sa kanya ka naniwala? Hindi ba dapat, ako ang kinampihan mo?"
Nagbaba siya ng tingin. "I'm sorry, Seb. N-na-insecure din kasi ako kasi hindi mo naman sinasabi sa akin na mahal mo ako. Saka nu'ng sinabi mong break na kayo ni Rosette, parang hindi mo naman ininda. Ang tagal ng naging relasyon ninyo pero parang hindi ka apektado nu'ng maghiwalay kayo."
"I have my reasons, Ayen. Someday, sasabihin ko din sa iyo kung bakit. But not now. Mayroon mas importanteng bagay kaysa doon. You know, I learned one thing today."
"What is it."
"Na kailangan pala, sabihan kita ng I love you. Kasi kung hindi, baka mag-walk out ka uli. From now on, Adrienne, I'll tell you how much I love you. Not just through action but also in words."
"Oh, Seb," she gasped softly.
Hinaplos ni Seb ang mukha niya. "Alam mo, hindi ko kasi talaga ugaling magsabi ng "I love you". Pero ngayon, nasabi ko na sa iyo. At hindi naman pala mahirap sabihin iyon."
Tinitigan niya ito. "Sa tagal ng relasyon ninyo ni Rosette, hindi ka nagsabi sa kanya ng "I love you"?"
Tila nag-isip pa muna ito. "I think nasabi ko naman. Pero hindi madalas. Ang korni-korni non!"
"Corny?" aniyang inirapan ito. "Gusto ko, palagi mong sabihin sa akin ang salitang iyon, Seb. I won't get tired of hearing it. Really. At hindi iyon corny."
"Hindi, ba? Iyon na nga ang gagawin ko?" He grinned at mabilis siya nitong hinagkan sa mga labi. "I love you, Adrienne. You belong to me."
"I love you too, Seb. And I belong to you."
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - CAGAYAN 2 - You Belong To Me, I Belong To You
Romance"Gusto kig ligawan, Adrienne. Pero hindi naman ako marunong manligaw. Marunong lang akong mang-asar." ***** Adrienne Isabel Montoya Vargas. Pangalan pa lang niya ay para nang credit card na tinaggap kahit na saang tindahan. She belonged to the upper...