Part 20

823 48 3
                                    

EXPECTED na ni Adrienne kung gaano katagal ang magiging biyahe niya buhat sa Pamplona hanggang Laoag. Pero nasa Pagudpud pa lang siya ay parang suko na siya. Hindi siya sanay sumakay ng bus. Pakiramdam niya, binubugbog ang buo niyang katawan sa makalog na pag-andar nito.

Pero wala na siyang magagawa. Dahil iniinda niya ang hindi kumportableng biyahe, hindi rin niya nagawang makapag-isip kagaya sana ng balak niya. Kaya naman lalo nang naging kainip-inip ang biyahe niya.

Ganoon na lang ang pagluwag ng hinga niya nang makitang nasa Laoag na sila. Pumapasok pa lang sila sa terminal nang bus na sinakyan niya ay naghanda na siya sa pagbaba.

She felt so tired. Pakiramdam niya ay hindi na niya kakayanin pang magbiyahe. Kung walang biyahe ng eroplano patungong Maynila ay malamang na mag-check in na lamang siya sa Fort Ilocandia Hotel at bukas na lang itutuloy ang pagbiyahe.

Palinga-linga siya nang bumaba ng bus. Naghahanap siya ng taxi subalit pawang mga tricycle ang natatanaw niya. Nanatili muna siya sa terminal at tinawagan ang travel agent nila. Ito ang tinanong niya kung mayroong flight patungo sa Maynila sa araw na iyon.

Wala. Kaya wala rin siyang pagpipilian kung hindi ang mamahinga na lang muna sa hotel. Lumabas siya ng terminal matapos magtanong-tanong kung paano siya makakarating sa hotel.

Nang bigla ay huminto na lang sa harap niya ang isang kotse na kilalang-kilala niya. Kotse niya. At isang lalaking kilalang-kilala din niya ang nakaupo sa harap ng manibela.

"Sebastian!"

"Sakay, Adrienne!" mahina ngunit matigas na utos nito nang ibaba ang windshield sa tapat niya. Dinukwang nito ang paseenger side door ay binuksan iyon.

Sandaling naghinang ang mga mata nila.

Hindi na siya nag-isip at mabilis naman siyang tumalima. Hindi pa man naaayos ang pagkakaupo niya ay mabilis nang pinaandar ni Seb ang kotse.

"Saan mo balak pumunta?" may diin pa ring tanong nito sa kanya.

"Sa Fort Ilocandia."

Tiningnan siya nito. At dahil nakabaling naman ang tingin niya dito, kitang-kita niya ngayon na galit ang ekspresyon nito. Napakunot ang noo niya. At saka lang siya unti-unting tila natauhan.

"Teka nga pala, bakit dala mo ang kotse ko? Saka paano mo ako nasundan?"

"Kasasakay mo lang daw nang dumating ako sabi ni Aling Miling. Siya ang nagsabi sa akin kung anong bus ang sinakyan mo. Hindi naman puwedeng iyong ulo ng truck ang gamitin ko para sundan ka kaya hiningi ko kay Manang Ising ang susi." Padaskol na sabi nito.

"Bakit mo ako sinundan, Seb?" she asked.

Mabilis siya nitong tinapunan ng tingin. "Ako naman ang magtatanong this time. Bakit bigla ka na lang umalis?"

Ilang segundo lang na nag-isip siya. "Gusto ko nang tapusin ang bakasyon ko."

"Sinungaling. Iyong totoo, Adrienne?" demand nito. "I want to hear everything from you. Ang sabi ni Manang Ising, pinuntahan ka ni Rosette. Pagkatapos, nag-iba na ang kilos mo. At bigla ka na lang nagdesisyong uuwi."

"Talagang gusto mong malaman, Seb?"

"Oo!"

"Because you don't love me."

"What?" gulat na gulat na sabi ni Seb. Nahati ang atensyon nito sa paglingon sa kanya at sa pagmamaneho kaya muntik pa silang mabangga sa sinusundan nilang sasakyan na bigla na lang nag-preno.

Pansamantala ay doon natuon ang atensyon nilang dalawa. Pagkuwa ay binusinahan nang malakas ni Seb ang naturang sasakyan saka ito in-overtake-an. Pinaharurot nito ang kotse hanggang sa makatawid sila ng tulay. Tumakbo pa ito ng ilang daang metro. Inirampa nito ang kotse at saka pumihit sa kanya.

"Ulitin mo nga iyong sinabi mo."

She swallowed. "Hindi .o naman ako mahal, Seb."

--- tatapusin ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - CAGAYAN 2 - You Belong To Me, I Belong To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon