"HINDI, ah!" mabilis na sagot ni Rosette.
Ganoon na lang ang pagbaha ng tuwa sa dibdib ni Sebastian.
"Paano ako mabubuntis, eh, napaka-sigurista mo? May pills na nga akong iniinom, kung anu-ano pang precautionary measures ang ginagawa mo?"
"Sshhh!" aniya dito. "Baka may makarinig sa iyo."
Umungol si Rosette. "Ang hinihintay mo yata ay iyong mabuntis muna ako bago mo ako pakasalan, eh. Saka mahigit two months na tayong walang contact. Nagsasawa ka na yata sa akin, eh."
"Hindi naman sa ganoon," paiwas na sabi niya.
"Ano pa ba ang hihintayin natin? Sabi mo noon, pauunahin lang natin si Santi? Bakit ngayon, ikakasal na si Santi, parang lalong lumabo ang sinabi mo sa akin?"
He groaned inwardly. "Rosette, wala naman akong sinabing ganyan sa iyo, di ba? Ikaw lang ang nag-assume na paunahin ko muna si Santi. If you remember, ilang taon na halos mag-ermitanyo sa Dana-ili si Santi. Kundi pa dumating si Catherine sa amin para magbakasyon, di malabo pa ring mag-asawa ang kuya kong iyon."
Tinitigan siya nito. "Ano ang ibig mong sabihin? Na ako lang ang nagkakandarapa na magpakasal tayo? Hoy, Sebastian, kaya ako pumapayag na may nangyayari sa atin dahil siyempre, umaasa akong pakakasalan mo ako!"
"Rosette, ano ka ba? Ang bibig mo!" pagigil na sabi niya rito. Nahimas niya ang sentido at pakiramdam niya ay kumikirot iyon dahil sa paksa nila.
"Hindi mo naman yata ako pakakasalan, eh," pahikbing sabi ni Rosette.
Natahimik si Sebastian. Hindi niya maintindihan ang sarili. Dati-rati ay siya ang nagpaplanong alukin ng kasal si Rosette. Pero nitong mga huling buwan, gaya ng kuwenta ni Rosette, partikular na nang makita niya kung gaano ka-excited sina Santi at Catherine sa paghahanda ng kasal ng mga ito, tila nagkaroon siya ng duda sa sarili niyang plano.
Hindi man sinasadya ay naikumpara niya ang sarili sa dalawang ikakasal.
Nakikita niya ang excitement at pag-ibig sa bawat kilos ng mga ito. At bigla ay parang nadilat ang mga mata niya na tila kulang yata ang emosyon niya para alukin din si Rosette ng kasal. He love her pero tila hindi sapat ang pag-ibig na iyon para mauwi sa kasalan ang relasyon nila.
That was also the time he avoided making love to her. Hindi pa rin siya pumapalya sa pagbisita dito pero hindi na siya gumagawa ng paraan na masolo ang babae. He was searching himself. Hindi niya gustong hanapin ang kasagutan sa mga tanong sa isip niya sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-angkin sa kasintahan.
Hindi niya tiyak if he was being unfair to her. Pero wala naman siyang pagkakataon na natatandaan na pinilit niya si Rosette na may mangyari sa kanila. It was always a common want... and need.
"M-masama raw ang sukob sa taon," naisip niyang sabihin nang mapansin si Rosette na naghihintay pa rin ng sagot niya.
Tumalim ang tingin sa kanya ni Rosette. Lumapit ito sa kanya at tumingala pa palibhasa ay may kaliitan. Dinuro siya nito.
"Siguruhin mo lang na iyan ang totoong katwiran mo, Sebastian." Nagkaroon ng taray ang tinig nito. "Baka mamaya, may iba kang babae!" Lumutang ang pagiging natural nito. Umandar na naman ang pagiging selosa.
Pinalis niya ang daliri nitong halos dumutdot sa ilong niya. "Rosette, wala akong ibang babae. Sa talas ng pang-amoy mo, paano ako makakapambabae gustuhin ko man?"
Iyon pa ang isang rason. Sukdulan ang pagiging selosa ni Rosette. Dati-rati ay ikinatutuwa niya ang pagiging selosa nito. But lately, iritasyon na ang nagiging pakiramdam niya roon. Nakikita niyang wala na sa lugar ang pagiging selosa nito dahil one-woman man type naman siya.
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - CAGAYAN 2 - You Belong To Me, I Belong To You
Romance"Gusto kig ligawan, Adrienne. Pero hindi naman ako marunong manligaw. Marunong lang akong mang-asar." ***** Adrienne Isabel Montoya Vargas. Pangalan pa lang niya ay para nang credit card na tinaggap kahit na saang tindahan. She belonged to the upper...