Part 8

799 47 3
                                    

"ADRIENNE!" gulat at tuwa ang pumuno sa tono ni Henry Abaya nang makita siyang papalapit. "What a small world, hija!" At niyakap siya nito.

"Small world, indeed, Tito Henry. Anak pala ninyo ang napangasawa ni Manong Luis," wika niya rito at bumati rin sa mag-asawang Bergonia.

"At kilala mo pala ang aking balae?"

"May dugong Cagayano ang magandang batang iyan," masigla ring sabi ni Luis. "Hija, hindi namin inaasahan ang pagdating mo. Kumusta?"

"I'm fine, Manong. Kagaya nga ng sabi ko kay Seb, naisipan kong magbakasyon. Nagkataon naman pala na may kasalan dito."

"Oo, lumagay na rin sa tahimik si Santi sa wakas," si Perlita naman ang sumagot. "Muntik na kitang hindi makilala, Ayen. Aba'y napakaganda mo lalo, ngayon."

Ngumiti siya. "Sobra-sobrang papuri na iyan, Manang Perlita. Baka naman magtaas na ng kilay ang mga nakakarinig."

"Hayaan mo nga sila. Sa ugali lang naming magsabi ng totoo. Seb, asikasuhin mong mabuti si Ayen. Baka hindi ka pa kumakain, hija?"

"Hindi pa nga, ho. Kadarating ko lang halos. At hinanap ko nga kayo para makabati."

"Aba'y iyong mga bagong kasal ang mas dapat batiin," wika ni Luis. "Seb, dalhin mo si Ayen kina Santi. Naroroon yata sila sa gawing iyon."

"Ako na, Balae," agap ni Henry. "Mabuti nang ako ang magpakilala dito kay Adrienne lalo na kay Catherine. Iisang mundo lang ang ginagalawan namin ng lolo ni Adrienne pero ngayon pa lang magkakakilala ang mga bata."

"Tito Henry, this is amazing. Hindi ko akalaing dito pa tayo magkikita uli," aniya matapos silang magpaalam kina Luis at Perlita. Nakasunod naman sa hakbang nila si Seb.

"Well, mahabang istorya. Pero kapag naging magkaibigan kayo ni Catherine ko, malalaman mo rin iyon." Ilang sandali silang napahinto. Ipinapakilala siya ni Henry sa mga pulitikong mas kakilala ng kanyang mommy kaysa sa kanya pero kapag binanggit ni Henry ang pangalang Isabel Montoya, tila may instant recognition agad sa kanya ang mga iyon.

Natagpuan nila ang mga bagong kasal sa malapit sa tabing-dagat. May ilang mga bisitang nakapaligid dito pero ng atensyon ay nasa photographer. Nagkukuhanan ang mga ito ng souvenir shots.

Tinawag ni Henry ang pansin ng mga ito at ipinakilala siya. Mainit agad ang pagtanggap sa kanya ng bride. At magaan din naman ang loob niya dito kaya malaki ang palagay niya na magiging kaibigan niya ito.

"It's too late na ngayon lang kita nakilala," wika sa kanya ni Catherine. "Disin sana'y isinali kita sa mga bridesmaids ko. Kaya lang, baka maagawan mo ako ng eksena. You're beautiful, Adrienne."

"Thank you." At tumawa siya. "Modesty aside, pang-ilan ka na sa nagsabi niyan buhat nang dumating ako. Gusto kong maniwalang honest at vocal lang ang mga tao rito. But it's getting embarrassing to me."

"But why? You're correct. Marunong lang kaming magpahayag nang totoo," wika naman sa kanya ng groom.

"Nagpapa-humble effect ka pa kasi, eh, kapag humarap ka sa salamin alam mo rin naman kung binobola ka lang o hindi," sabad ni Seb.

"Tama ba ang sabi ni Daddy, you're vacationing here?" tanong uli sa kanya ni Catherine. Iniwan na rin sila ni Henry nang mapilitan itong sumama sa isang pulitiko na nagnanais na makausap ito nang pribado. "I'm glad. Hindi ka masyadong maiinip dahil pupuntahan kita nang madalas. That is, kung okay lang sa iyo na madalas kitang puntahan."

"I would love that. Kaya lang ay baka naman sumama ang loob sa akin ng groom. You are supposed to be on your honeymoon, di ba?" At pinaglipat niya ang tingin sa mga bagong kasal.

Places & Souvenirs - CAGAYAN 2 - You Belong To Me, I Belong To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon