Part 18

817 49 3
                                    

"GUSTO kong mag-drive, Seb."

"No, darling," tutol nito sa kanya na may kasama pang pag-iling. "Relaxed ka lang diyan. Just sit close to me. Yakang-yaka ko ito."

Umirap si Adrienne pero umisod din palapit sa binata. Matapos magpalit ng kambyo ay inabot ng isang kamay ni Seb ang kamay niya. Ipinagkaloob naman niya dito ang kagustuhan nito. At binigyan pa niya ng bonus na humilig sa balikat nito.

"Sarap!" wika ni Seb at habang hawak ang kamay niya ay naglakbay ang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya. "Kapag ba ganito nang ganito, di kahit lahat ng troso sa Bundok ng Carballo ang ipababa sa akin, hindi ako magrereklamo. Basta co-pilot kita, Ayen."

"Ganito ba talaga ang trabaho mo?" malambing naman na tanong niya.

Papunta sila sa Calanasan. Isang bayan sa Apayao na inaabot ng walong oras na biyahe mula sa Sta. Praxedes bago marating. Sa kuwento sa kanya ni Seb, isa ang mga ito sa nakapag-subcontract ng clearing sa bundok upang makagawa ng daan patungo sa Luna. Ang katabing bayan nito na kung sa mapa lang titingnan ay tila kaylapit pero bundok ang nakapagitna sa dalawa.

Wala itong ideya kung kailan magiging ganap na kalsada ang ginagawang clearing. Pero malaking bagay iyon para sa mga taga-roon. At habang papunta sila roon ay saka niya nasabi na hindi naman ganoon ka-atrasado ang Pamplona, sabihin mang isa sa mga bayang nasa dulo ng Pilipinas. At least, along the highway ang Pamplona.

Mas lalo namang remote area ang Calanasan. Sa klase ng dinadaanan nila, wala sigurong mag-iisip na may pamayanan pa doon maliban na lang sa mga sinaunang tribo. Pero mayroon nga.

"Hindi ka ba nagugutom?" naalala niyang itanong kay Seb. Ilang oras na silang nagbibiyahe. Sa tingin niya, tila sanay na sanay na ito sa gawaing iyon. Trailer truck ang dala nila. Ang sabi sa kanya ni Seb, magbababa ito ng troso.

Siya ang nagprisintang sumama. Tila in-orient muna siya nito saka tiniyak kung gusto nga niyang sumama. Kaya ngayong mahaba ang naging biyahe nila, hindi siya nagrereklamo ni nagpapakita ng pagkainip man lang. Expected na niya iyon.

Yumuko sila at kinuha ang basket ng pagkain na inihanda ni Seb. Mayroong kanin at ulam doon. Mayroon ding sandwich. "Ano ang gusto mo?" tanong niya uli dito.

"Kanin."

Luminga siya sa dinadaanan nila. "Hihinto tayo dito?" Kahit naman tila sila lang ang nagdadaan sa rough road paakyat sa bundok, tila mahirap yatang basta na lang huminto doon.

"Kung susubuan mo ba ako, bakit pa tayo hihinto?" nakangiting wika sa kanya ni Seb.

Napatingin siya rito at saka napangiti. "'Kay," wika niya at inilabas ang baon nila.

For the next thirty minutes, sinubuan niya ng pagkain si Seb habang nagmamaneho ito. They spent that much time in eating sapagkat kasali na rin doon ang paglalambingan nila.

Bago pa nila narating ang logging area ay nauna na nilang datnan ang bahagi ng Calanasan na sinisimulan nang gawing kalsada. May mga heavy equipment doon na pinagagana. Kakilala na ni Seb ang mga operators kaya naman nagpaantala pa ito ng ilang sandali upang bumati.

Nang maiayos ni Seb ang pagkakaparada ng truck ay saka siya nito inayang bumaba. Ipinasa nito sa mga tauhan doon ang pagkakarga ng troso sa trailer. Pero bago iyon ay naging kapansin-pansin ang pag-iiba ng kilos ng mga trabahador doon. Alam ni Adrienne na naging sentro siya ng atensyon ng mga ito.


"THIS IS Adrienne. Girlfriend ko," anunsyo ni Sebastian sa lahat at hinapit siya sa bewang. His voice was no doubt filled with pride. At kasama rin sa tono nito ang awtoridad na dapat siyang pag-ukulan ng respeto ng mga taong iyon.

Places & Souvenirs - CAGAYAN 2 - You Belong To Me, I Belong To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon