I. When it Rains, it Pours

1.7K 39 2
                                    

The world is full of unfairness and uncertainties. Kung ilang tao ang malungkot sa mundo, madalas naitatanong ko yan sa sarili ko. Meron din kayang mga taong kagaya ko na batong bato na sa buhay nila?

There is also no permanency in anything. May mga araw na masaya ka, pero mas maraming mga araw ang malungkot ka at nagagalit ka. Most of us felt that there isn't any need to voice out our anger because by just a simple word, it can possibly break a relationship. At iyon ang ayaw kong mangyari sa akin ang makasakit ng iba. Kahit na madalas ako ang nasasaktan.

I have been raised in a broken family. Magulo. Parang teledrama. But who cares? Nobody gives a damn! Ang mga taong nakapaligid ang alam lang, makialam. Mag-bigay ng opinyon, judgments. Ganoon talaga madaling mag-salita kung ikaw ang third party but once you are involve, dalawa lang ang kapupuntahan mo. Maging masama at susundin mo ang lahat ng gusto mo o maging pipi at bingi sa lahat ng nangyayari sa iyo. In other words, maging manhid at tanga!

I have just resigned from my job and I'm now flat broke. Pagkatapos ng mga ginawa kong kabutihan at pagpupursige para sa ikabubuti ng private school kong pinapasukan, eto pa inabot ko. Nang makita ng mga may-ari at nang nakatataas sa akin na kaya na ng kumpanya na tumayo sa sarili nitong mga paa, inencourage nila kong mag-resign sa position ko at idemote ako.

Kahit paano, may pride pa naman ako kahit konti. Kaya nga heto ako, back to my normal, loser self! A failure in every aspect of my life. I'm failure as a mother, as a wife, as an employee, as a friend, as a daughter, as a neighbor... Sige pa, enumerate pa at kung me maisip ka. Failure din ako diyan.

"Mommy ayaw ako pahiramin ni Kuya ng game nya. Gusto ko lalaro pero damot siya talaga." Iyak ng bunso kong si Bebe.

|"Rick pahiramin mo kapatid mo..." nakikiusap na tawag ko sa anak kong lalaki na gumon na sa kalalaro ng computer na bigay ng isa sa mga hipag ko.   Wala naman akong magawa dahil alam kong di naman kami ganoon kayaman para maiprovide namin ng asawa ko lahat ng pangangailangan nila.

"Mommy, dun muna ko kina Papa. Makikipaglaro lang ako sa mga pinsan ko." Si Ralph ang pangalawa kong anak na lalaki. Papa ang tawag nila sa Lolo nila, Tatay ng asawa ko. In other words, biyenan ko.

"Sige." Payag ako agad kasi nahihirapan din akong kontrolin sila kapag nag-away-away na silang tatlo.

Nananakit ang likod ko, ulo ko, batok ko at balakang ko dahil sa sari-sari ng sakit na nasa akin. Nasa dose anyos palang na-diagnose na ko na may scoliosis. Lalo pang lumala ng lumala yon habang nagkaka-edad ako. That time, medyo may kaya pa kami. E ngayon, talagang mahirap na lang ako. Driver ng multi-cab ang asawa ko at the moment pero wala rin kasi siya talagang pirmihang trabaho.  Nakiki-pasada lang siya.

"Mommy! Si Kuya Rick o! Tutukso niya kong stupid...." Ngumangawa na naman si Bebe. Hay! Sakit ng ulo ko kapag nag-aaway sila at nagtu-tuksuhan.

"Rick tigilan mo nga yan. Nakikita mo na ngang ganyan ang kapatid mo panay pa ang tukso mo..." Saway ko sa panganay kong anak na lalaki. Naiiyak na ko talaga sa mga nangyayari sa buhay ko.

"Bakit ka iiyak Mommy?" Tanong ni Bebe sa akin at pansamantalang nakalimutan ang panunukso ng kapatid. Niyakap niya ako ng mahigpit sa beywang habang naghu-hugas ako ng mga plato.

Sapat na ang bagay na yon para makapagpa-kalma sa nararamdaman kong galit sa nangyayari sa akin at sa awa ko sa aking sarili.

Nagka- german measles ako eight months ang tiyan ko kay Bebe. Sabi ng doktor, huwag na raw akong umasang magiging normal ang anak ko. Kaya nang isinilang ko si Bebe, tuwang-tuwa ako ng makitang normal lahat ang physical features niya. Unti-unti na lang lumabas ang kanyang speech difficulties habang lumalaki. Ngayon, ten years old na siya pero para lang pang three years old siya kung mag-salita. Pero ok na rin yon dahil meron din naman siyang katangiang kakaiba sa lahat ng mga bata. Magaling siya mag-buo ng lego. Ewan ko kung importante yon. Basta ang mahalaga may alam siyang gawin na hindi kaya ng ordinaryong bata kahit nga ako hindi ko mabuo mga structures na binubuo niya ng saglitan lang.

"Yehey! Andito na si Daddy!" Palahaw ni Ralph na bumalik ulit nang makitang dumating na Daddy niya, ang asawa ko.

Natuwa din ako. Kahit paano, may makakausap ako ng matino.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ito pumasok ng bahay.

"Del, iinom lang ako ha? Punta lang ako sandali kina Boy. Pakisama lang." Anito bago bahagyang dumikit sa pisngi ko mga labi niya.

"Sige." Sang-ayon ko naman dahil si Boy ang nag-pasok sa kanya sa pagda-drive sa multi-cab.

"Nood tayo ng Tom and Jerry Mommy." Ani Ralph na dala-dala ang CD ng cartoons.

"Sige, nood tayo bakasyon naman eh."

Mayamaya pa, pumasok pa ang dalawang pinsan nilang maliliit at ang ilang batang kalaro nila. Gusto ko sanang tumanggi pero baka magalit naman ang mga magulang nila. Kaya tahimik na lang akong naupo at nag-kunwaring nanonood kasama nila.

Natanawan kong nasa may tindahan ang asawa kong si Jojo kasama si Boy at asawa nito. Pati na rin ang dalawang kapatid na babae ni Jojo at ang isang bayaw niya. Masaya silang nag-kukuwentuhan at nagbibiruan. Hindi kasi ako in good terms with them at sa in laws ko. Pero somehow, I learned to control my feelings and my temper as years passed by. Seventeen years ba namang kasama ko siya, di pa ba ko masasanay?

Naiiling at nanlulumo akong tiningnan ang sarili ko. Bakit ba nangyayari sa akin ito? Why is life so unfair to me? Siguro sa akin lang naman. Sometimes i cant help but ask God, what's wrong with me?

I can go on and on about my tragedies non-stop but I won't do that because  I don't like to bore you with all those stuff and leave you hopeless. Tama na yung isang nalulungkot, ayoko ng mandamay pa ng ibang tao.

Anyway, may maganda rin namang nangyari. Natanggap ako sa trabaho. Nakatanggap ako ng tutorial job sa isang korean family. Ito ang unang araw ko so i must make a good impression on this people sabi ko sa sarili ko.

I made it thirty minutes before six o'clock. Yun kasi usapan namin ng kaibigan kong nag-recommend sa akin sa kanila. Two hundred pesos daw for three hours. Pumayag na ko. Kesa naman sa wala akong income.  Isa pa, three hours a day lang naman.  Ang hirap kaya ng nakaasa lang sa asawa mo na hindi naman asawa trato sa yo... Hay!

"Good evening po. I'm Tr. Del. Tr. Lani's friend." Bati ko sa may edad na koreanang nag-bukas ng pintuan para sa akin.

"Good evening too. So you are the new teacher recommended by Tr. Lani. I am Mrs. Chen.Come in. I want you to meet my kids, Karla, Susan and J.  

"Can you teach Mathematics Teacher?"

"Yes Ma'am."  Didn't you know that math is my middle name?

"That's great Teacher.  Finally we have a teacher who can teach in Math."  Sabad ni Karla na tumabi sa akin.  Siya ang panganay ni Mrs. Chen.

May mahaba siyang buhok na diretsong-diretso hanggang beywang.  Maputi ang mala-porselana niyang balat at maganda ang maamo niyang mukha.

Tumawa ng bahagya si Mrs. Chen sa narinig.

"We have a hard time finding  tutors for my kids because most Filipinos can teach only English but not Math.  We are very lucky today because of you."  Nginitian niya na naman ako ng nakahuhumaling.  I felt comfortable with her. 

Salamat naman at mukhang mababait ang mga batang tuturuan ko at siyempre pa ang employer ko.

"Do you have another job teacher?"

"No Ma'am. This is my only job right now."

"That's so good.  I can recommend you to my friends, Mrs. Kim and Mrs. Kang.  What time are you available?"

"Any time Ma'am...  Any time po..."

The Portal (Journey to another Dimension)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon