Asin. Ang pinakapinagkakatiwalaang bagay pag-dating sa proteksiyon laban sa masasamang ispiritu. Sa Bibliya, ang banal na aklat ng mga Kristiyano, ilang beses binanggit ang kasagraduhan ng asin. Maging ang mga Wiccans (Samahan ng mga mangkukulam sa buong mundo) ay naniniwala sa kakayahan ng asin na protektahan sila laban sa masasamang elemento kaya kapag may ginagawa silang mga ritual ay naglalagay sila ng asin sa paligid ng circle kung saan sila nakapaligid at nasa loob. Naniniwala sila na sa pamamagitan nito, mapoprotektahan nila ang kanilang mga sarili na pasukin ng masasamang elemento.
Meron pa ngang panahon kung saan ang halaga ng butil nito ay mas mataas pa kaysa ginto. Marahil dahil sa mahirap itong hanapin at sa mga tuyong baybayin lang matatagpuan. Marami ang naniniwala na may kaakibat itong salamangka at kapangyarihang protektahan ang sinumang may hawak nito mula sa iba't ibang klaseng ispiritu. Isa pa ay ang katangian ng asin na makapag-preserba ng pagkain.
Meron pa ngang may paniniwalang kung nanggaling ka sa isang burol o libing para hindi mo madala ang kahit na anong ispiritung naroroon, kailangan mong magtapon ng kaunting asin sa iyong likuran.
Sa mga libro at sa mga pelikula, madalas nating nakikita na bukod sa bibliya, krusipiho, holy water at mga agimat o amulets, hindi rin nawawala ang asin bilang isa sa pinakamabisang sandata laban sa mga kampon ng kadiliman.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ng ilang butil ng asin ang mapa-atras ang mga dark souls sa kanilang porma at kinatatayuan.
Nang maihagis ko ang isang dakot na asin sa mga nakatayo sa may main gate, may kung anong maitim na usok ang lumabas mula sa kanilang katawan. Kitang-kita ko ang pag-aringking nila sa sakit habang sila'y tumatawa.
Sinamantala ko ang bagay na yon. Binuksan ko ang padlock ng gate at mayamaya pa nahila ko na ang isang side ng gate papaloob. Dumukot na naman ako ng isang dakot ng asin sa sisidlang hawak ko at inambaan ko ang sinumang may tangkang lumapit.
Hindi lang basta takot ang nararamdaman ko ngayon. Hilakbot ang mas tamang itawag dito. Narinig ko ang malakas na pag-birit ng sasakyan sa di kalayuan. Nagsisimula na si Adang bumuwelo nang tapakan nito ang silinyador ng sasakyan.
Alam ko na kahahantungan ko sakaling makaalis na sila. Kamatayan. Yun lang naman ang puwede kong kapuntahan. Natatakot ako. Oo. Pero kung ito lang ang paraan para makabalik ako sa aking pamilya, maluwag ko itong tatanggapin sa aking dibdib.
Kanina, bago pa kami bumaba ng second floor, naalala ko pa ang huling usapan namin ni Ada,
"Ano po 'to Te Del?" Tanong niya nang makita niya ang isang plastic ng rock salt na inaabot ko sa kanya.
"Asin."
"Para saan po ito? Baka magka-sakit naman tayo sa bato sa dami niyan 'Te." Nakuha niya pa mag-biro.
"Saka di na po uso ang rock salt ngayon..." Minata niya ang hitsura ng medyo nangingitim ng plastik na lalagyan na dumumi na dahil sa kalumaan.
"Iodized na po."
"Ada, makinig ka." Sabi ko sa kanya.
"Ito ang dahilan kung bakit tumakbo ang halimaw kanina."
"Weeehhh. Di nga po." Medyo natawa siya.
"Hindi ako nagbibiro."
"Baka akala tatapahin o gagawin ninyo na siyang tocino." Natawa din ako. Aba, malakas din pala sense of humor ng batang to. Parang ako.
BINABASA MO ANG
The Portal (Journey to another Dimension)
FantasíaThe Portal is a Science Fiction, Adventure and Comedy Story of a housewife, career woman and Mother Delilah Marasigan. After being involved in a surprising twist of Fate, she found herself in a situation where she will be tempted to stay or leave...