Life for some is a meaningless void dulled by a series of endless sufferings. Others treat it like a game of chance full of risks. They said that there are always two sides to the choices that we make and there is no such thing as correct or wrong decision. Everything has its pros and cons, consequences and results. What really matters is not the problems that we face but on how we face these problems.
May pagkakataon sa buhay ko noon na parang gusto ko ng sumuko dahil sa dami ng mga pagsubok na dumarating sa akin. Ngunit di na ngayon. After that one fateful day, things changed drastically for me. I realized that the life I'm living now is only temporary. Meron pang mas mahalaga Kesa sa kapangyarihan. Sa karangyaan. Sa salapi.
And now at the age of 77, parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Lola..." Napalingon ako nang marinig ko ang tinig ng pinakabunso kong apong si Joseph na tatlong taong gulang pa lamang.
Humahangos itong tumakbo patungo sa akin.
"Lola! I miss you..." Aniya sabay yakap sa akin habang nakaupo ako sa may rocking chair na nasa may Sala. Mula ng Medyo manghina na ako at magretiro sa pagtuturo. Madalas dito na ko pumupuwesto para mag-sulat. Maliit pa Ko Yun na ang pangarap ko kasi, ang maging isang manunulat na makapag-iiwan ng mga akdang mananatili sa puso ng mga mambabasa. May mga ilang beses na rin noong naipublish ang mga libro ko kAya kahit paano'y may nakakakilala na din sa pangalan ko.
"Love you so much too Seph..." hinagod ko ang buhok niya.
"Pi... Yu yi po..." Aniya sa utal utal na tinig. Katatatlong taon niya lang pero matatas na siya magsalita. At sa lahat ng mga apo ko, siya ang pinakasweet. Manang mana siya sa Daddy niyang si Ralph.
"Happy New Year po Ma..." Hinalikan ako sa pisngi ng manugang kong si Gian, asawa ni Joseph.
Kapag ganitong may mga espesyal na okasyon gaya ng New Year lahat ng mga anak ko Kahit na may pamilya na sila ay di papayag na di nila kami dadalawin ng Daddy nila. Kasama rin nilang lahat ang mga anak nila maging ang kanilang mga apo.
"O Mommy. Kanina mo pa ba kami hinihintay? Sorry ha? Kasi ang traffic." Ika ng anak Kong si Ralph na bagaman may edad na ay litaw na litaw pa rin ang kapogian. Apat din ang naging anak nila ni Gian. At kagaya din namin ni Jojo. Dalawang babae at dalawang lalaki din ang naging anak niya.
"Hay naku Ralph. Kanina ka pa hinihintay ni Mommy no?" Ani Rick na kadarating lang mula sa Amerika. Kasama ang foreigner niyang asawa at pitong mga teenager na anak.
"Kuya?! Kelan ka pa dumating!"
Nangilid ang mga luha ko nang makita Kong magyakap silang dalawa.
May tatlong taon din kasing di nakauwi si Rick lalo na nang maging busy siya sa bago nilang pinoproduce na pelikula sa ibang bansa. Siya ang lead cartoonist ng prestihiyosong produksiyon kaya madalas di siya makauwi ng Pilipinas.
"Hay Ralph. Buti napagtiisan ka ng maganda kong hipag na si Gian. lagi ka na lang late. Nung kasal din ni Macky late ka." Ani Dina na ang tinutukoy ay ang panganay nilang anak ni Paopao. Mataas na ang katungkulan niya ngayon sa pinapasukan niyang opisina at kahit na anim ang anak nila, hindi pumayag si Dina na matali sa bahay. Hindi ko nga mawari kung paano niya nagagawa ang kanyang responsibilidad sa trabaho, sa bahay at maging sa kanyang pamilya. Lalo na't pastor si paopao.
"Kahit kelan talaga kontrabida ka sa buhay ko." Natatawang sagot ni Ralph sa Ate niya.
"Si Bebe?"
"pumunta sila sa grocery kasama si Daddy at si KC. May mga kulang kasing ingredients sa kaldereta."
Si KC ang childhood sweetheart ni Bebe na matapos ng ilan taon nilang di pagkikita dahil nag stay to sa Japan ay bumalik pa rin para Kay Bebe.
Nung una ayaw pumayag ni Jojo pero nang makita niyang seryoso naman sa intensiyon niya si KC pumayag na din siya.
At ngayon katatapos lang ng twenty third wedding anniversary nila, kasama pa rin namin sila sa tahanan at nagpapasalamat akong napakabuti niyang manugang. Dalawa lang ang naging anak nila. Pinagpatayo namin ng arts and crafts shop si Bebe sa tapat ng bahay. Pero nang lumaon nagkaroon na rin ito ng tatlo pang branches dahil sa dami ng mga tumatangkilik ng kanyang mga gawa.
"Kuya Ralph!" bati ni Bebe at yakap sa kapatid niya nang makita.
"Grabe! Nagulat ako kanina nang makita ko si Daddy. Parang di tumatanda." Susog ni Rick nang pumasok si Jojo na Suot ang leather jacket na pasalubong niya.
"Hooo... Binobola mo pa Ko." Natatawang pakli ni Jojo.
Totoo naman mukhang wala pa nga siyang sixty kasi Laging nakatina ng itim ang buhok niya. Malakas pa siya kahit na 75 na siya.
"Kaya Mommy palakas ka at makakakuha pa Yan ng girls..." Tungayaw ni Bebe na Sinundan ng tawanan ng lahat.
Kung mauna ko at mamamatay na, payag naman akong mag-asawa siya ulit. Ayokong maging malungkot siya.

BINABASA MO ANG
The Portal (Journey to another Dimension)
FantasíaThe Portal is a Science Fiction, Adventure and Comedy Story of a housewife, career woman and Mother Delilah Marasigan. After being involved in a surprising twist of Fate, she found herself in a situation where she will be tempted to stay or leave...