Sanay na akong mag-Isa sa lahat ng bagay. I'm not expecting help from anyone. Bago pa lang akong nagkakaisip nang matanggap ko sa aking sarili na Wala akong ibang maaasahan kung Hindi ang sarili ko.
I don't need the help of anyone.
Pero iba ang situwasyong kinalalagyan ko ngayon. Hindi lang ang buhay ko ang nanganganib.
Kanina akala ko tuluyan ng napatay ni Lucifer si Kail. Buti na lang at isa pa lamang pala itong premonisyon.
Mangyayari pa lang.
'Panginoon ... Sapul pagkabata ikaw na po ang tinatawag ko at hinihingan ng tulong. Di po ako humihiling ng para sa sarili ko. Para na lang po sa mga taong mahal ko. Iligtas Ninyo po sila...' Panay ang dasal ko habang nakikipag-tunggali sa mga alipores ni Dinosaur pig na kasing kunat niya rin ang mga balat.
Akala ko kapag napatay ko na si Dinosaur Pig, matutuluyan na rin ang kanyang mga kasama. Kagaya ng mga napapanood ko sa pelikula. Sa halip, lalo pa silang dumami.
Natanaw ko mula sa ere ang madugong paglalaban sa lupa at sa tubig.
'Del... Tumakas ka na. ' Tinig naman ngayon ni Ayesarim.
'Hindi! Hindi ko kayo iiwan.' Matigas Kong tanggi.
Nangilid ang mga luha ko nang makita Kong karamihan sa mga elemento na kumampi sa amin ni Sim-kail ay nasawi na.
Ngunit kahit ang pag-iyak ay walang puwang sa mga oras na yon. Tanggap ko na sa sarili ko ang pagkatalo. Isa lang talaga ang bagay na hindi ko kayang tanggapin, ang makita Kong mamamatay si Sim-kail pagkatapos ng lahat ng ito. Siya na wala namang kasalanan at nagmahal ng matagal na panahon Kay Muriziuel.
Out of sheer conviction to reach him before his time comes, finally nakakawala din ako sa makukulit na mga galamay ng dinosaur pig na yon. Susundan pa sana nila ko nang biglang humarang sa pagitan namin ang isang napakalaking santelmo.
"Ako na bahala sa mga to Ate Del... " Si Ada pala ang nagliliyab na malaking baga.
"Salamat. " sagot ko bago nagmamadaling humangos patungo sa kinalalagyan ni Sim-kail na ngayon ay abot tanaw ko na ang kinalalagyan.
Puno ng dugo ang kanyang puting kasuotan. At alam Kong kahit patuloy pa rin siya sa pakikipaglaban, nanghihina na rin siya dahil sa dami ng sugat na tinamo niya. Tumakbo ako palapit sa kanya at pinaslang ko sa bawat hakbang ang mga nilalang na nagnanais na ako'y harangan.
Kailangan ko lang siyang mahawakan at mabahaginan ng lakas ko. Kumpara sa akin, masyado ng mababa ang enerhiya niya.
Gadipa na lang ang agwat namin nang makarinig kami ng dumadagundong na tunog mula sa langit.
Lalo na Kong nawalan ng pag-asa. Mga bolang apoy na singlalaki ng mga gusali.
"Diyos ko... Katapusan na namin to... "
Mahahawakan ko na siya nang may kung anong bagay na dumagit sa likuran ko. Nawalan ako ng balanse at muntik ng malaglag ng tuluyan kung hindi ko naikampay ng mabilis ang aking mga pakpak.
Nakita ko ang napakalaking imahe ng demonyo na nakangisi sa akin
Buntot niya pala ang animo'y latigong humampas sa likuran ko."... Pagbabayaran mo ang ginawa mo Muriziuel..." Mahinahon ngunit sapat ang lakas non para marinig ko ang sinabi ni Lucifer.
Nang magkaroon ng digmaan, ilang oras pa lang ang nakakaraan. Bigo siyang magapi ang May Lalang at naniniwala siyang iyon ay dahil sa mahina ang Kanyang mga naging kapanalig. At ngayon nga habang mag-isa Kong binabaybay ang kalawakan sa pagsasabog ng pataba sa lupa. Sinundan niya pala ko.
Nakita ko nang dakpin siya ng mga Arkanghel at itapon patungo sa pinakamalalim na kuweba ng kalungkutan at dalamhati na kung tawagin ng lahat ngayon ay impiyerno.
Kanina, nang naglalaban silang lahat, nanood lamang ako. Hindi ako kumitil ng buhay ng sinuman sa mga kaanib niya na di nagtangkang ako'y paslangin.
At kahit na pinilit ako ni Lucifer na mangakong umanib sa kanya at makipaglaban sa mga alagad ng May Lalang, hindi ko ginawa yon.
Oo nga't masama ang loob ko dahil sa katotohanang kahit kailan ay di ako maaaring mahalin ni Sim-kail gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Ngunit di yon nangangahulugan na itatatuwa ko na ang Dakilang May Lalang.
"Wala akong binitiwang pangako sa yo..." Tugon ko at nagpatuloy sa aking ginagawa. Wala ako sa huwisyong makipagtalo sa kahit na kanino ngayon. Ang nais ko lang ay magampanan ang pananagutan ko sa araw-araw.
Humalakhak ng malakas si Lucifer.
"Yan ang Akala mo..." Kasunod niyon ay may kung anong bagay na tumama sa likuran ko. Ito ang unang Pagkakataon na nakita ko ang buntot niya. Nagitla ako at nandiri sa aking nakita. Higit sa Lahat, nakadama ako ng awa sa naging ayos niya. Isa na naman ba ito sa kanyang naging parusa.
"Patawarin mo sana ako kung hindi ako nakiayon sa ipinaglalaban mo. ngunit..."
Hindi pa natatapos ang sinasabi ko nang may isinaboy siyang kung anong bagay sa mukha ko. Nahilo ako at tuluyang nawalan ng malay.
Nasa isang madilim na yungib na ko nang ako'y magising.
Tinangka kong kumawala sa pagkakatali ko ngunit Tila naging Walang kabuluhan ang Lahat.
'paanong nangyayari sa akin ngayon ito? Kaisa ako sa mga angkan ng himpapawid. At isa sa aming pribilehiyo ang kakayahang nagmumula sa May Lalang. Walang kahit na anong bagay ang makapagpapahina sa amin maliban sa Dakilang Lumikha.
"Anong ginawa mo sa akin, bakit hindi ako makakawala dito?!"
"Huwag ka ng magmaang-maangan pa. Alam kong batid mo ang batas ng ating lahi." Kasunod niyo'y tumawa na naman siya ng pagkalakas-lakas.
Doon ko lang lubusang naunawaan ang sinasabi niya.
Bilang mga alagad, Wala kaming karapatang kuwestiyunin ang kahit na Anong bagay na niloob Niya. Dahil sa oras na ginawa namin yon, mawawala kami sa kanyang pagpapala. Sa kanyang kapayapaan.
Tumulo ng Sunod-Sunod ang mga luha ko. Nasaktan ko ang aking Panginoon sa aking Ginawang pagsasaalang-alang ng aking pansariling kaligayahan.
"... Bilang ganti sa Yong kalapastanganan, ibibigay ko na sa iyo ang kaparusahan ng kamatayan." Tuluyan ng naulol si Lucifer.
Gamit ang kanyang Armas na napakalaking tabak, pinutol niya ang mga pakpak ko ng walang pag-Aalinlangan.
Napaluhod ako sa lupa nang maramdaman ko sa kaunaunahang Pagkakataon ang tinatawag ng mga taong pisikal na sakit.
Halos mapasigaw ako sa nakapanghihinang pinsala na dulot ng pagkakahiwalay ng mga pakpak na parte na ng aking pagkatao.
Habang umaagos ang masaganang dugo sa kinatatayuan ko at unti-unti ng nagdidilim ang aking paningin, Isa-Isa kong sinasambit ang pangalan ng aking mga kapatid at patuloy akong humihingi ng tawad sa Dakilang May Lalang.
"... Patawad po Panginoon..." At Bago ako tuluyang mawalan ng ulirat. Makailang ulit ko binanggit ang pangalan ni Sim-kail.
BINABASA MO ANG
The Portal (Journey to another Dimension)
FantasyThe Portal is a Science Fiction, Adventure and Comedy Story of a housewife, career woman and Mother Delilah Marasigan. After being involved in a surprising twist of Fate, she found herself in a situation where she will be tempted to stay or leave...