Nang malapit na ko sa ibabaw, doon ko lang naalalang di ako marunong lumangoy. Ngunit bago pa ko mag-dalawang isip na naman sa gagawin kong hakbang upang labanan si Lucifer at ang mga kampon niya, itinuon ko.ulit ang isipan ko kay Sim-kail na ngayon ay walang tigil sa pakikipag-laban ilang milya ang layo sa akin.
Waring may sariling isip ang mga kamay at paa ko sa ginagawang pagkampay at pag-hawi ng tubig. Pabilis ako ng Pabilis at habang nangyayari ito, lalong uminit ang pakiramdam ko.
'Kail parating na ko...'
Sa aking isipan, nakita ko siyang bahagyang Napatigil at lumingon sa direksiyon kung nasaan ako.
'Muri? Buhay ka?'
'Oo. Mahirap patayin ang masamang damo. ' Biro ko sa kanya.
Gumuhit sa kanyang mga labi ang isang malungkot na ngiti. At alam ko kung bakit... Batid niya rin na malapit na ang katapusan. Ang katapusan niya na ako ang may kasalanan.Nang mahagip ko na ang hangin sa ibabaw, Kusang umikot ang katawan ko sa ere at lumundag. napakagaan ng pakiramdam ko. Samantalang mula kung saan naman sunod-sunod na nagdatingan ang mga higanteng paniki na nung una'y inakala kong aatakihin ako. Ngunit sa halip, pinaikutan nila ko na parang bakod at kung sinuman ang mag-tangkang saktan ako kanilang dinadagit at sinasakmal.
'Lance po ito Ate Del. Isa sa mga lahi ng Elioud.' Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig. Sa ituktok nito'y naroon si Lance na lumilipad. Tumango ako at ngayon ko naunawaan kung bakit naroon ang iba pang mga bata at mga guro. Bawat isa sa kanila'y nagmula sa lahi ng mga Anghel at elemento na gustong makabalik sa pagpapala ng May Lalang.
Tumigil ako sa ere at Napalingon sa repleksiyon ko sa tubig.
Wala na doon ang dating ako na si Del. Sa halip nakatunghay sa akin ang malungkot na mukha ng isang nilalang na matagal ko ng di nakita.
Muriziuel. Ang 'kapatid' ni Simka-il na patuloy niyang ginagabayan kahit na ilang beses nagpalit ng katawang lupa.
Makinis ang kulay lupa niyang balat na kumikintab sa bawat pagsayad ng hangin. Matalas tumingin ang kanyang mga mata na nag-iiba iba ang kulay sa tuwing titingin sa iba't Ibang bagay. walang kasing ganda at sigla ang kanyang mukha na punong puno ng buhay.
Kagaya ng iba pa niyang mga kapatid, napakatangkad niya.
Nagniningning ang kanyang ginintuang buhok na may bahid luntian at Lila sa tuwing masisinagan ng araw. Sa likod niya'y kumakampay ang mga puting pakpak na malalapad na parang di man lang nabasa ng tubig.
Tumango siya mula sa repleksiyon ko sa tubig saka ako bumulusok papanhik sa ere.
Sumunod namang nakita ko ang laksa laksang maliliit na puting paruparo na pinangungunahan ni Kaye.
Wala na ang dating mabilis na matakot na teenager. Sinalubong nila ang maitim na aninong humarang sa dadaanan ko.
"Kami na ang Bahala dito Muriziuel..."
Lumipad ako sa ere patungo sa direksiyon ni Simka-il. Paminsan-minsan ay may mga kampon ni Lucifer akong nasasalubong na nagtatangka akong pigilan ngunit Madali ko naman silang nagagapi gamit ang espadang apoy na Kusang lumalabas sa kamay ko sa oras ng pangangailangan.
Lumipad ako ng mas mabilis patungo sa kinalalagyan ni Simka-il. Batid kong bawat segundong lumilipas ay mahalaga kung gusto to ko pa siya abutan buhay.
Paminsan-minsan ay may nasasalubong pa rin akong mga kampon ni Lucifer na nakakalusot sa mga kumampi sa aking mga elemento kaya kinakailangan ko pa rin makipagbuno at makipagtunggali sa kanila. at siguro dahil na rin sa matagal ko itong hindi nagawa, kaya ganadong ganado ako makipag-laban sa kanila. Ngunit bawat oras na humihinto ako upang makipagbuno sa kanila'y nangangahulugan din na lumilipas na oras para masagip ko sa tiyak na kapahamakan si Ka-IL.
Lalo ko pang pinabilis ang pag-lipad ko patungo sa kinaroroonan niya nang may mahagip ang paningin ko sa tagiliran ng aking mga mata.
May mga lupa pala sa baba na di inabot ng tubig.
Nakita ko ang laksa-laksang mga maliliit na nilalang na Itim na Itim. Lumalabas ito mula sa isang maliit na butas ng isang bato.
"Mommy!!!"
Di ako puwedeng magkamali. Tinig ni Ralph ang narinig ko.
Sinuyod ko ng aking paningin ang malawak na batuhan kung saan naroon ang mga maliliit na nilalang. Lahat sila'y patungo sa isang direksiyon.
Kinilabutan ako ng makita ko ang aking anak na nakatayo sa kalagitnaan nila.
Iyak siya ng Iyak.
"Ralph!!!" sigaw ko sabay lipad pababa. Ngunit wala pang tatlong segundo, di ko maikilos ang katawan ko. May kung anong puwersa ang pumigil sa akin.
"Muriziuel! Kailangan kong tulungan ang anak ko."
"Hindi mahalaga ang mga walang kuwentang nilalang na yan. Kailangan kong masagip ang 'kapatid' ko!!!"
"No!!! Sa ayaw mo't sa gusto. Bababa tayo don para tulungan ang anak ko..." Galit na galit ako sa pangongontra niya sa akin.
"Hindi sabi eh!!!" Sigaw niya sa matigas na tinig.
Nag-panting ang tenga ko sa inis.
"No wonder naparusahan ka. Napakamakasarili mo talaga. I can't believe you are an angel." At para bigyang diin ang sinabi ko, hinawakan ko ang isang bahagi ng pakpak ko sa likod at akmang babaliin ito.
"Bababa tayo o babaliin ko pakpak mo?"
Tumawa siya ng may panunuya sa akin.
"Sige baliin mo. Tingnan ko lang kung di ka masaktan." Pananakot niya sa akin.
"Akala mo ba Natatakot ako sa sakit na mararamdaman ko? Mabuti pang mauna na kong mamatay kesa makita ang anak kong nasa tiyak na kapahamakan."
umismid siya sa akin.
Napa-atras ako nang makita kong mula sa iba't Ibang dako sa ibaba, naglalabasan ang mga samut-saring ahas. At lahat yon, papunta kay Ralph.
Naramdaman kong Natuwa si Muriziuel sa kanyang nakita. Alam niya kasing pangalawa sa kadiliman, ahas ang isa sa mga kahinaan ko.
"Ano? Pupunta ka pa ba?"
"Oo. Wala akong pakialam! Basta pupuntahan ko ang anak ko!!!" Nanggigigil kong sagot sa kanya.
'muri...' Tinig ni Simka-il.
'matagal pa ang oras. Sagipin mo ang bata...'
"Pero..."
'Sige na...'
"Kahangalan ang lahat ng ito Kail..." Ani Muri pero Tumalima rin naman ito sa sinabi ni Simka-il.
Ilang saglit pa pababa na ko sa kinalalagyan ni Ralph at alam kong di na ko aabot kaya panay na ang Iyak ko at sigaw. Malapit na talaga ang mga Itim na nilalang at mga ahas sa kanya nang biglang nagdatingan ang mga higanteng agila kung saan nakasakay sa kalagitnaan ng mga ito si Norika. dinampot nito ang mga ahas na lalapit sa anak ko. Dumating din ang bulto-bultong alitaptap na kinatakutan ng mga Itim na nilalang. nag-liwanag ito sa paligid ni Ralph. Nang tuluyan ng lumayo ang mga Itim na nilalang doon lang ito nagkaroon ng hugis. Si Arthur pala, ang mestisuhing bata na kasama nina Alexa at Ardee.
Pakiramdam ko'y nanginig ang mga tuhod ko nang makalapag ako sa lupa.
Niyakap ko si Ralph at ganoon din ang ginawa niya sa akin.
Pinupog ko ng halik ang kanyang mukha habang Iyak ako ng Iyak.
"Ralph... Anak... Miss na miss na kita..."
"Mommy..." ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.
"Tama na yan!" sigaw Ni Muriziuel sa isipan ko.
"Ralph may aasikasuhin lang c mommy ha? Sumama ka Muna sa kanila." Sabi ko sa kanya habang masaya sa aming nakatingin sina Norika at Arthur.
"Halika na Ralph... Sumama ka na muna sa amin." Yaya ni Norika habang nasa tagiliran nito si Arthur na Nakalutang sa ere at napapalibutan ng nga alitaptap.
"Angel ka Mommy?" tinititigan nito ang mga malalaking pakpak ko sa likuran ko.
Bahagyang tango lang ang naging tugon ko sa kanya habang malungkot ko siyang tinititigan.
"Mommy nandito rin po sina Kuya Rick, ate Dina at Bebe."
"Ha? Saan? Nasaan sila?"
"Nagkahiwa-hiwalay po kami nang habulin kami nung mga zombie." Puno ng kainosentehang sagot nito na ang tinutukoy ay ang mga dark souls.
"Ok. Hahanapin ko sila."
'wala sa usapan natin yan.' Tanggi agad ni Muriziuel.
Pinabayaan ko munang makalayo sina Norika, Arthur at Ralph bago ako sumagot.
"Please... Alam kong mahal mo si Sim-Kail pero mahal ko rin ang mga anak ko. Parang awa mo na. Ikaw na lang ang pag-Asa ko para masagip ko ang mga anak ko mula kay Lucifer.
"... Pangako. Mabawi lang natin mga anak ko, didiretso tayo kay Sim-kail para tulungan siya..."
Naramdaman kong lumambot ng konti si Muriziuel.
'sige tutulungan kita.'
"kaya lang di natin alam kung saan natin sila hahanapin... " nag-alaalang sagot ko.
"Alam ko kung saan natin sila makikita." Pagkasabi nito'y bumulusok na naman kami pataas. Dumiretso kami sa lugar kung saan maraming guwang sa ibabaw ng bundok. Ni hindi man lang ako binigyan ng babala ni Muriziuel nang bigla itong lumusot sa isa sa mga butas na yon. Muntik na kong mapatili nang maramdaman ko ang madudulas na balat ng mga ahas na nakasabit sa dingding ng yungib. Pagkatapos ng mahigit isang minuto rin naming pag-bagsak, narating namin ang pinakaibaba ng lagusan. Iba't Ibang insekto, mga gagamba, ipis, at mga gumagapang na mga maliliit na bagay ang nagpanginig ng aking laman sa takot. Nakatakip ang isang palad ko sa aking bibig. Alam kong sinadya ni Muriziuel ang Gayon upang di ako makagawa ng Ingay at kumuha ng atensiyon sa amin.
Lumakad ako ng tahimik sa gitna ng nakakarimarim na lugar na yon.
'Ito ang pintuan ng impiyerno.'
Tumaas lahat ang balahibo ko sa narinig ko.
"Gusto ko ng bumalik... Ayoko na..." Bulong ko.
'akala ko ba gusto mong tulungan ang mga anak mo?'
Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan na naririto ako para nga pala kina Dina, Rick at Bebe.
"Please tulungan mo sila.." Pakiusap ko kay Muriziuel na mukhang galit pa rin sa akin dahil sa pagkakaantala ko sa pag-tulong niya lay Simka-il.
'may magagawa pa ba ko?'
"Salamat..."
Inialis ko ang isipan ko sa mga nangyayari kung di itinuon ang lahat ng iyon sa aking mga anak na ngayon ay nasa panganib.
Kusang gumalaw ang isang hintuturo ko at gumuhit ng isang di mabasang simbulo sa hangin. Nagsialisan ang mga nakakatakot na nilalang at naging patag ang lupa.
'humanda ka... Paparating na sila.'
"Sinong sila?"
Di pa nagtatagal, isa-isa ng sumungaw ang mga ulo ng mga impakto sa bawat dako ng kuweba. Ang iba gumagapang sa kisame, mga dingding. Pulang-pula ang kanilang mga mata. Puno ng kung anong berdeng bagay ang kanilang mga bibig. Kulay bulok na kahoy ang mga kulay nila. Matitinis at pinaghalohalong tinig ang mga boses nila.
"Diyos ko!!! Lord!!!" Napa-igtad ako sa takot nang makitang anong oras ay maaari nila kong atakihin. Daig ko pa ang nanonood ng mga Exorcist movies. Ang kaibahan lang, totoo ang mga demonyong ito at di kathang isip lang.
'lumaban ka!'
"Bakit ako? Di ako marunong. Mahina ako." pakikipagtalo ko kay Muriziuel na parang wala yatang balak tulungan ako.
'Ayokong gamitin ang natitirang lakas ko para sa mga walang kuwentang bagay...'
"Parang awa mo na... Tulungan mo mga anak ko. Kahit ano ibibigay ko sa yo. Please..."
Saglit na di kumibo si Muriziuel at sa ilang segundong katahimikang yon ay natakot akong baka tuluyan na niya kong iniwanan.
Tumalon ang tatlong impakto mula sa kung saan-saang direksiyon. Kusang gumalaw ang mga kamay ko kung saan lumalabas ang espadang may pulang apoy. Nagkahiwa-hiwalay ang mga katawan nila.
'Diretso Del!' sigaw niya sa akin.
Sa tuwing may susunod sa kinalalagyan namin, Kusang gumagalaw ang mga kamay ko na may hawak na ngayong dalawang espadang apoy.
Walang kahit na anong bagay na Maaaring makapigil sa akin na mapuntahan ang aking mga anak. Kahit buhay ko pa ang maging kapalit.
Ilang sandali pa, Nakapasok n rn ako sa pintuan ng impiyerno.
Contrary to what I believe, hindi apoy ang sumalubong sa akin kung hindi isang napakalamig na pasilyo. Daig pa ang freezer sa lamig. Sa unang bungad ko pa lang, nangaligkig na ko sa ginaw.
Kataka-takang puro bato lamang ang loob na umuusok habang tinutupok ng kulay asul na apoy.
And to think that in science blue fire emanates the hottest temperature, lahat talaga dito sa kabilang mundo, iba sa konseptong natutunan natin sa agham.
'Bilisan mo na bago mahuli ang lahat!' Minamadali na naman ako ni Muriziuel.
Nakaka-isang hakbang pa lamang ang paa ko sa loob nang mag-labasan ang mga higanteng imahe ni kamatayan.
"Sino kang nangahas na pumasok sa loob ng mga pinaparusahang kaluluwa?!"
Nakakapangilabot ang mga tinig nila.
Si Muriziuel ang sumagot sa lengguwahe ng mga anghel.
"Ako si Muriziuel, isa sa mga kapatid ng mga taga-himpapawid. Kukunin ko ang magka-kapatid na Rick, Dina at Bebe. "
"Pangahas! Wala ka na sa teritoryo mo! Sa amin ang lugar na ito!!!" pinalibutan nila kami habang nagsasanib-sanib ang kanilang mga tinig.
"Walang sinumang nakakapasok dito ang nakakalabas." Sagot ng isa sa kanila habang nakaumang ang dala niyang karit sa mukha ko.
"Bakit? Natatakot ka ba sa galit ni Lucifer?"
"Ako ang hari ng kamatayan! Ito ang aking kaharian at wala akong kinatatakutan!!!" sigaw ng mga aninong naka-suot ng mahahabang damit. maging ang ulo nito'y nakabalot sa Itim na tela. Naalala ko tuloy ang kuwento ng Lola ko na nakatago ang mukha ng anghel ng kamatayan kasi bungo ang ayos nito.
"Kung gayon papayag ka kung hahamunin kita sa isang labanan kapalit ng buhay ng tatlong bata..." Di na nagpatumpik-tumpik pa si Muriziuel.
Gusto kong mag-takip ng tenga nang marinig ko na naman ang Nakakapangilabot na pag-tawa nito.
"Wala pang nananalo sa aking ordinaryong nilalang. Pero Sige. Pagbibigyan kita. Basta ba akin na rin ang kaluluwa mo sa oras matalo kita."
"Oo ba..."
'Ngayon na...'
Gusto kong itanong kung ano ang ibig sabihin ni Muriziuel sa sinabi niyang ngayon na. Pero di pa nakakabuka bibig ko, pakiramdam ko'y naging ordinaryong tao ulit ako. Dahil sa isang iglap, naging pito ang imahe ni Muriziuel.
At ako heto, parang baliw na tumatakbo habang nag-tatago sa likod ng mga malalaking bato papasok sa loob ng kadilimang kahit kaunting liwanag ay wala akong makita.
'To hell with my fear of darkness! Kailangan ako ng mga anak ko ngayon.'
nagtatakbo ako ng dire-diretso hanggang sa bumangga ako sa isang matigas na bagay. Bumangon ako agad at winalang Bahala ang hilo kong nararamdaman.
Ilang sandali pa, Natagpuan ko ang sarili ko na tinutulak ang isang napakalaking bato.
Nung una'y nawawalan na ko ng pag-asa pero Mayamaya pa'y may kung anong umigkas na bagay at Kusang Bumigay ang hugpungan.
Napamulagat ako sa aking nakita. Isang malaking guwang sa lupa na parang walang katapusan sa laki. Naroon ang napakaraming bata at tinedyer na mga nakapikit ang mga mata habang Sumisigaw sa Iyak na hirap na hirap.
Sa bawat sigaw at daing na naririnig ko, lalong lumalakas ang konbiksiyon kong hanapin at masagip ang mga anak ko. Gusto kong tulungan ang lahat ng mga batang ito pero wala akong magagawa, kailangan kong Mamili.
"Rick... Dina... Bebe... Nasaan kayo?" Gusto ko ng umiyak sa kawalang pag-asa. Paano ko hahanapin sa milyon-milyon na mga bata dito ang mga anak ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/38119977-288-k865582.jpg)
BINABASA MO ANG
The Portal (Journey to another Dimension)
FantasiThe Portal is a Science Fiction, Adventure and Comedy Story of a housewife, career woman and Mother Delilah Marasigan. After being involved in a surprising twist of Fate, she found herself in a situation where she will be tempted to stay or leave...