"Ralph!!!"
"Mommy!!!" Panay ang sigaw ni Ralph. Hinahabol siya ng mga taong nakasuot ng mahahabang damit na kulay itim at may mga dalang karit.
Isa-isa silang bumabagsak sa lupa. Parami ng parami. Tumakbo din ako at pilit humabol sa kanila pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga sila maabutan.
"Ralph! Ralph! Ralph!!!"
"Te Del!"
Nagising ako na malakas na inuuga ni Jem. Nakatulog pala ko habang nakasandal sa dingding at nakaupo malapit sa bintana.
"Ok ka lang?"
Umiling ako. Di ako magiging ok hanggat di ko nakikita mga anak ko. At asawa ko. Kung kailangang umalis ako dito ngayon gagawin ko.
Naupo siya sa tabi ko.
"Ano napanaginipan mo?" Tanong niya sa mahinang tinig na di tumitingin sa akin.
"Ayoko pag-usapan." Sagot ko habang inililibot ang paningin ko sa may kadilimang paligid. Pawis na pawis ako nang magising sa tila bangungot na yon.
Isang maliit na lampshade lang kasi iniwan naming bukas sa loob ng kuwarto nina Gab. Mahirap na. Baka makatawag pansin pa kami at malaman ng mga 'dark souls' na dito kami nagtatago.
Nasa may hallway kami ng second floor samantalang nasa children's bedroom nina Gab ang iba pa naming mga kasamahan. Nasulyapan ko si Teacher Mat na tulog na tulog pa rin sa rocking chair malapit sa kinauupuan namin ni Jem. Humihilik ito.
"Nanaginip din ako Te..." Simula ni Jem bago ito mahinang umiyak.
"May mga parang ibon na bumababa mula sa taas. Pag-bagsak nila sa lupa, bumabangon sila at para silang nagiging tao. Nakasuot sila ng itim na mga damit. May mga dala silang mahahabang tungkod na may blade sa ibabaw na parang pang-gapas ng damo. At sinomang abutan nila, pinapatay nila." Paliwanag niya habang nakatingin sa malayo.
"Sa panaginip ko, hinahabol nila pamilya ko Te."
Napatingin ako sa kanya.
Pareho kami ng panaginip. Ganun din ang akin.
"Di na ko tatagal... Kailangan kong makita mga anak ko." Pigil na pigil ang pag-iyak ko lalo na't parang naririnig ko pa rin ang boses ng anak kong si Ralph.
"Sasama po ako Te."
"Taga-Mabuhay din po kayo di ba?"
Tumango ako.
"Delikado. Di ako sigurado kung safe tayo kapag lumabas tayo dito."
"Te Jem, sasama din ako." Si Norika na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin.
"Ay naku Beh! Saan kayo pupunta? Anong oras na ba?" Tanong ni Teacher Mat na nagising pala.
"Maam kailangan po ako ng anak ko."
"Mag-dasal tayo Beh. Kailangan nating mag-tiwala sa Panginoon."
'Praying is the last thing on my mind right now. Praying will get me nowhere. Kailangan kong makita si Ralph ngayon na!'
Nasa ganoon kaming pag-uusap nang biglang sumindi ang lahat ng ilaw.
"Shit! Sino nag-bukas ng mga ilaw?" Napa-igtad ako sa pagkakatayo at wala sa sariling nagpa-balik-balik.
![](https://img.wattpad.com/cover/38119977-288-k865582.jpg)
BINABASA MO ANG
The Portal (Journey to another Dimension)
FantasyThe Portal is a Science Fiction, Adventure and Comedy Story of a housewife, career woman and Mother Delilah Marasigan. After being involved in a surprising twist of Fate, she found herself in a situation where she will be tempted to stay or leave...