"Yey! Angel na Mommy Bebe! Lipad siya. Woosh.. Woosh..." inosenteng Itinaas ni Bebe ang isang piraso ng lego niya. Wala siyang kamuwang-muwang na Maaaring ito na ang huli naming pagkikita.
Pagkatapos ko sila mayakap isa-isa sa huling Pagkakataon, mabilis na ko bumulusok sa ere. At marahil dahil sa kung ilang beses ko na rin nagawa ito, nawala na ang takot na nararamdaman ko nung una ko itong ginawa kasama si Kail.
Gusto kong mag-tampo sa Lord. Bakit ganoon? Akala ko ba kapag naniwala ka sa kanyang Anak, hindi ka Niya pababayaan. Pero bakit ganoon? Palagi akong dehado. Palagi na lang akong talunan.
Katulad ngayon, Pati na mga anak ko nadamay sa paghihirap ko. Kung paano ko sila ililigtas sa kapahamakang ito, Di ko alam.
Hindi pa Ko lubusang nakakalayo nang makita ko ang mga dambuhalang halimaw ng himpapawid palapit sa akin.
Lalo kong binilisan ang pag-lipad. Umaasa kong mas mahihigitan ko ang takbo nila papunta sa kinalalagyan Ni Sim-Kail. Nag-dilim na ang kalangitan sa Sobrang kapal ng mga naglalabang mga kampon Ni Lucifer at ng mga lahi ng mga sinumpang Anghel.
Hindi ko alam kung Saan nag-Mula at kung paano akong naging bihasa sa pag-gamit ng sandata. Sunod-Sunod na sumusugod ang mga tauhan ng dating pinaka-magandang nilalang sa buong kalawakan ngunit Lahat sila'y di umubra sa kalasag at Espada Ni Muriziuel.
'Sim-Kail... Parating na ko.' Mahina kong bulong sa hangin.
Sa isipan ko'y natanaw ko ang kanyang kalunos-lunos na kalagayan. Wala pa ring patid ang pag-dating ng mga kalaban sa Lahat ng dako. Para Itong dagat na Walang katapusan. At Lalo pa silamg dumadami...
Kung ilan ang napaslang ko sa bawat kampay ng aking sandata ay di ko na mabilang, ang alam ko lang tuluyan na kaming inabandona ng Dakilang May Lalang.
Ang alam ko, Mula ng ipatapon sa impiyerno si Lucifer, bukod sa nagkaroon ng dibisyon sa pagitan ng mga Anghel sa tuwing may pumapanaw at napapatid ang huling hibla ng sinulid na naghuhugpong sa ispiritu, kaluluwa at katawang lupa nila dumarating Mula sa iba't ibang dako ang mga hukbong mandirigma ng May Lalang upang makidigma sa mga kampon Ni Lucifer upang sagipin sa kapahamakan ang taong yon.
Pero sa kaso ko, bakit ganoon? Parang si sim-kail lang ang naririto para isalba ako sa Habang buhay na kapahamakan. Hindi ba dapat na ang mga Anghel ng May Lalang ang naririto ngayon at tumutulong sa akin at hindi ang ilang lahi ng Elioud o ang mga sinumpang Anghel.
Kumulog at kumidlat ng Sunod-Sunod. Napaigtad ako ng makita ko ang mas marami niya pang kampon na pasugod sa akin.
Gusto ko ng sumuko dahil sa pagod at takot. Ngunit naalala ko ang binitiwan kong pangako Kay Muriziuel. Na gagawin ko ang Lahat para matulungan si Kail.
Tinulungan niya ko kanina Kahit ayaw niya dahil sa pakiusap Ni Kail. Tapos ako heto ngayon at basta na lang tatakbo dahil Natakot ako at napagod na.
Well, well... Some things never really change. Del. you are always number one when it comes to failure and giving up.
Nangilid ang mga luha ko, hindi dahil sa awa sa sarili na madalas kong ginagawa noon. this time, napaiyak ako sa Sobrang Galit sa sarili. Naalala ko si Rick. Ininom niya ang mahika Ni Lucifer para sagipin kami ng mga kapatid niya. Buti pa ang anak ko. Ang tapang niya.
Naalala ko rin si Jojo, ang asawa ko, nung ang Lahat ng pamilya niya ay tutol na makisama siya sa akin. Hindi siya pumayag na iwanan ako at ipinaglaban niya ko Kahit na alam niyang ang susuungin namin ay sobrang kahirapan.
At si Kail... Kahit alam niya ang kahahantungan niya ngayon ay kamatayan nagpaiwan pa din siya. Handa niyang ibuwis ang buhay niya para sa akin.
'Correction please, para Kay Muriziuel. Di pAra sa yo...'
Tumigil ako at sinawata ang bumabagabag na namang mga tinig na Palaging nagpapahina ng loob ko.
'ke para Kay Muriziuel pa kaya niya ginawa yon, ilang beses niya pa rin akong sinagip sa kamatayan kaya nararapat lamang na tulungan ko rin siya ngayon.' Usal ko sa aking sarili.
'Del! Huwag kang mag give up Beh! Manalig ka sa nasa kalooban mo...' Mula sa kung Saan ay narinig ko ang tinig Ni Teacher Mat.
'Mahal ka ng Panginoon kaya hanggang ngayon ay buhay ka pa... Binibigyan ka pa Niya ng pagkakataong itama ang Lahat ng mga pagkakamali mo...'
Pagkakamali? Anong pagkakamali? Until now, Di pa rin malinaw sa kin kung bakit kailangang mangyari sa akin ang Lahat ng ito.
Mula sa di kalayuan, nakita ko ang isang napakalaking buhawi papalapit sa akin.
'Te Del..." Si Jem.
"Pumasok ka sa loob... Mas mabilis mong mararating ang kinalalagyan niya..."
Eksaktong nabalot ako ng makapal na hanging hugis silindriko nang Mag-datingan ang mga dambuhalang halimaw ng himpapawid.

BINABASA MO ANG
The Portal (Journey to another Dimension)
FantasiThe Portal is a Science Fiction, Adventure and Comedy Story of a housewife, career woman and Mother Delilah Marasigan. After being involved in a surprising twist of Fate, she found herself in a situation where she will be tempted to stay or leave...