Sinalubong kami nina Gayle at Ada ng kadiliman sa pag-labas namin ng pintuan. Kakaiba ang gabing iyon sa lahat. Walang buwan at mga bituin sa langit kaya kahit konting liwanag ay wala kaming maaninag. Waring kahit ang panahon ay nakikiaayon sa mga pangyayari.
Patuloy pa rin ang nakakapangilabot na atungal mula sa itaas samantalang tumigil na ang ingay ng mga kakaibang nilalang mula sa labas ng eskuwelahan. Dumungaw pa ako sa bintana kung saan bahagya naming naaaninaw ang paligid. Hindi ko na nababanaagan pa ang kanina'y laksa-laksang mga malignong nag-tipon-tipon doon.
Wala kaming kakibo-kibong tatlo habang magkaka-panabay na dahan-dahang bumababa ng hagdanan ng nakadikit sa may pader. Ako ang nauuna, sinusundan ni Gayle at si Ada naman ang nasa hulihan.
Hindi man sa akin sabihin ng dalawang dalagitang kasabay ko, alam kong kagaya ko natatakot din sila. Parang walang katapusan ang mga baitang ng hagdanan pababa. Makakabalik pa kaya kami sa mga naiwanan namin sa third floor?
"Te bukas po ang pinto." Bulong ni Gayle sa akin.
Grabe! Kung madilim sa dinadaanan namin sa may hagdanan, tila mas madilim pa lalo ang papasok sa second floor. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Pero ngayon pa ba ko susuko? Isa pa, may kasama akong dalawang taong naniwala sa akin. Hindi ko sila bibiguin. Kung mamamatay ako ngayon, walang makapagbabago non kung yon ang nakatakda.
Pikit-mata kong nilunok ang takot ko at humakbang papasok.
"Una pong pinto sa kanan te." Bulong nilang dalawa sa akin. Magkaka-dikit ang aming mga braso at halos gitgitin na nila kong dalawa patungo sa pintuang sinasabi nila.
Tuloy-tuloy akong lumapit sa pintuan na bahagya ko ng nabanaagan nang nakapag-adjust na ang paningin ko sa dilim. Ngunit gaya ng inaasahan namin, naka-lock nga ito at hindi mabuksan.
"Sarado ba te?" Si Gayle.
"Shit!!! No ba yan?"
"Wag ka maingay Ada..." Ani Gayle sabay tanggal ng hairclip niya sa ulo at tumalungko paluhod sa sahig bago sinimulang distrungkahin ang doorknob habang kami naman ni Ada ay nanlalaki ang mga matang inililibot ang aming paningin sa dilim.
Para bang may kung anong nagtatago sa gitna ng kadilimang iyon na handang lumabas anumang oras. At alam ko kahit hindi ko sabihin yon kay Ada yun din ang nararamdaman niya.
"Te..." Ginitgit niya ko at nag-tago sa likod ko.
"Huwag ka matakot. Di tayo pababayaan ng Diyos." Sabi ko sa kanya. Pero ang totoo, kahit ako hindi ako naniniwala sa sinabi ko.
Sabi sa Bible, " Everything works for the good of those who love him." Kahit na masama pa kahinatnan nito. So kahit gawin ako ngayong main dish ng mga maligno at ng halimaw sa fourth floor, ok lang yun dahil everything works for the good of those who love him. Meaning to say may magiging magandang resulta rin naman ang pagkamatay ko. Hay! Di ko pa rin magets... Sounds familiar again, right?
Ilang sandali pa, narinig ko ang mahinang pag-lagitik ng doorknob. Pambihira! Kamag-anak pala nitong si Gayle si Lupin at si James Bond, naisip ko.
"Halika na." Hinila kami ni Gayle papasok ng canteen bago niya isinara ito at inilock ulit.
Kapapasok palang namin nang biglang bumulagta si Ada sa sahig dahil sa nerbiyos. Buti na lang nasa tabi niya ako, kung hindi baka bumagok siya.
Laking pagtataka ko at walang nangyari sa aking masama kasi ilang beses na kong nagkaka-sakit sa tuwing magbubuhat ako ng mabigat na bagay dahil sa scoliosis ko. May tatlong pagkakataon na rin na hindi ako nakatayo ng ilang araw dahil sa sobrang sakit ng likuran ko. Buti kung basta sakit lang. Ang kaso, kapag umaatake ang sakit kong ito hindi ko mapigilan ang sarili ko na di mapatili sa sobrang hapdi ng gulugod ko.
BINABASA MO ANG
The Portal (Journey to another Dimension)
FantasiThe Portal is a Science Fiction, Adventure and Comedy Story of a housewife, career woman and Mother Delilah Marasigan. After being involved in a surprising twist of Fate, she found herself in a situation where she will be tempted to stay or leave...