Nakakapangilabot ang mga sumunod na pangyayari. Nagdurugo ang puso ko ngunit wala akong magagawa. Anuman ang kinamumuhian ng aking Panginoon ay kinamumuhian ko din. Lingid sa kaalaman ng mga tao habang bumubuhos ang malakas na ulan, kabilang-kabila ang delubyo, umaapaw ang mga tubig ng mga ilog, Sapa, lawa at mga batis naglalaban din ang mga espiritu ng liwanag at dilim.
Alam naming lahat na malapit na katapusan ng mga unang lahi ng sangkatauhan.
Batid kong ang kanyang mga nilalang ay babalik din sa dati. Mabubuhay muli ang mga punla at binhi ng lupa. Ngunit puno pa rin ng agam-agam ang puso ko. Kaya nang mag-Simula na ang pangalawang digmaan ng May Lalang at ng mga kampon ni Lucifer, hindi ako nakialam. Nakalutang lang ako sa ere at pinag-masdan ang mga pangyayari. Paminsan-minsan nakikipaglaban din ako sa tuwing may nagtatangkang sumugod at manakit sa akin.
Nag-kulay dugo ang lupa at tubig. Humalo ang pait at pighati sa dati-rati'y puro at dalisay na mga nilalang.
"Muriziuel ano ginagawa mo diyan?" Narinig ko ang tinig ni Simka-il.
Nilingon ko siya habang nakikipaglaban sa mga maliliit na impakto na dati-rati'y mga kerubim na nagpapala sa maliliit na bungang kahoy.
Tinalikuran ko siya. Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob ko sa kanya. Naaalala ko pa ang narinig kong pag-uusap nila ni Miguel at ni Ma-ils ng nakaraang pagdaan ng tatlong kometa ilang kabilugan ng buwan na rin ang nakalipas.
"Parang masyado na yata kayong nagiging magkapalagayan ng loob ni Muri, Ka-IL. Tandaan mo mga nilalang tayo upang magpuri sa ating Amang Lumikha at wala tayong karapatang mag-tangi ng kahit na sino." Paalala ni Miguel na siyang may pinakamataas na antas sa aming lahat matapos niyang maigapos ng mag-isa lang ang tatlong libong galamay ni Lucifer.
Kahit na si Hermilo ang pinaka-naunang nilalang sa amin. Nahigitan niya siya matapos ng unang digmaan dahil napatunayan niya ang kanyang katapatan.
"Kapatid, wala akong nalalaman sa sinasabi mo. Pare-pareho lang ang pag-tingin ko sa inyong lahat. Alam naman nating palabiro lang talaga si Muri." Tanggi ni Simka-il na parang balewala ang lahat.
Sinaklit ng matinding pagdaramdam ang puso ko. Kelan lang naghahabulan pa kami sa himpapawid at kahit hindi niya sa akin sabihin, alam kong itinatangi niya din ako."Ano ginagawa ninyo?!!!" Boses ni Ka-IL ang muling nag-balik sa akin sa kasalukuyan.
Pakiramdam ko sobrang init ng buong katawan ko. Hilong-hilo ako. Maantak ang buong katawan ko na parang napaso at nasunog. Ni hindi ko maitaas ang mga braso ko sa sobrang hapdi.
Pinilit kong idilat ang mga mata ko at bumangon sa pagkaka-yukayok sa matigas na bagay na may maligasgas na telang lalong nagpapakirot ng mga sugat ko sa mukha, braso at leeg.
Naghihiwalay ang mga hibla ng mga lahat ng bagay na nakapaligid sa akin maliban sa kanilang mga anghel na nanatiling buo.
Galit na galit na ibinarandal ni Ka-IL ang pintuan ng library na halos matanggal na sa hugpungan nito.
Sa isang iglap, nasa tabi ko na siya. Punong-puno ng pag-aalala ang tinig niya nang pangkuin niya ako sa kanyang mga bisig.
Napa-igtad ako nang sumanggi ang balat ko sa kanya. Sobrang sakit na tumatagos sa kaibuturan ng pagkatao ko. Tiningnan ko ang mga braso ko. Nakarne at nabalatan sa sobrang init.
"Bakit ninyo ginawa ito sa kanya?" Galit na galit na tanong niya.
"Wala kang dapat ikagalit Simka-il. Kaya naman niyang mag-balik sa dati kung gugustuhin niya. Di mo ba Naaalala? Unti-unti ng bumabalik sa kanya ang tunay niyang kaanyuan." Paliwanag ni Hermilo na noon ko lang nakitang may pag-aalala sa mga mata.
"Kahit na!" Parang kulog ang boses ni Simka-il sa lakas.
"Huwag ka..." Tumulo ang mga luha ko sa sobrang sakit ng lalamunan ko. Nalalasahan ko ang dugo. Gusto ko sabihin sa kanyang huwag siyang makialam. Ako mismo ang may kagustuhan nito. Isa pa, bakit siya kumikilos ng ganito? Di ba wala naman akong halaga sa kanya.
Grabe... Ganito ba nararamdaman ng may second degree burn? Kaya naman pala karamihan sa kanila hinihingi na ang kanilang kamatayan. Kasi naman, sobra talagang sakit. Di ko maipaliwanag.
Katulad ng dati, sabay kaming bumulusok sa ere. At nang maramdaman na naming nasa ituktok na kami at malapit ng mag-hiwalay ang himpapawid sa hangganan ng kalawakan, tumigil siya.
Naramdaman kong tinatangka na naman ni Ka-IL na kunin mula sa akin ang mga ipinagdaramdam ko. Tinangka ko siyang pigilin pero di ko talaga magawa. Kahit Konting galaw lang ng lalamunan ko masakit.
Ilang saglit pa, unti-unti ng nawala ang matinding sakit na nararamdaman ko kanina. Kasabay nito ang pagbabago ng kanyang anyo.
Punong-puno ng sugat ang buo niyang katawan. Medyo gumewang kami sa ere dahil sa matinding sakit na nararamdaman niya. Pati na ang kanyang mga pakpak, nangayayat at animo'y nabasang pakpak ng manok.
Kitang-kita sa mga mata niya ang paghihirap. Bumulusok kami pababa. Natakot ako. Sumisigaw ako sa sobrang takot. Gayon pa man, nanatiling matibay ang pagkakabayubay ng kanyang mga bisig sa aking beywang. Alam kong nahihirapan siya ngunit ni minsan di siya dumaing.
Tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Gusto kong pawiin ang sakit na nararamdaman niya pero Waring sa mga oras na yon, nanatili akong tao na walang kakayahan.
Sa may kakayuhan kami sa gitna ng kagubatan, lumapag.
Doon sa lugar kung saan ako nagising nang una kaming magpambuno ni Lucifer.
"Ka-IL.." Iyak ako ng Iyak. Lalo na ng pumikit ang mga mata niya.
Parang nangyari na ang lahat ng ito dati. Di ko lang matandaan kung kelan.
"Sorry..." Di ko alam kung bakit sinabi ko yon. Pero alam ko na marami akong dapat ihingi ng Tawad sa kanya.
Nakapikit pa rin siya at parang wala ng buhay.
"Please huwag kang mamamatay..."
Hindi nagbabago ang anyo niya katulad dati. Patay na nga talaga siya.
"Lord please. Huwag Ninyo po siya pabayaan..." Dasal ko.
Samut-saring guni-guni ang pumapasok sa isipan ko. Paano kung biglang dumating si Lucifer ngayon?
Minasdan ko ang napaka-among mukha ng anghel sa kandungan ko. Wala pa kong nakikitang kasing ganda niya. Hindi mo pagsasawaan masdan ang animo'y nililok niyang kabuuan.
Hinawi ko ang buhok niyang bahagyang tumabing sa kanyang mukha dulot ng banayad na hangin.
'I love you Ka-IL.' Hinagkan ko ang pisngi niya. Saka ako humiga sa tabi niya, niyakap siya at pumikit.
![](https://img.wattpad.com/cover/38119977-288-k865582.jpg)
BINABASA MO ANG
The Portal (Journey to another Dimension)
FantasyThe Portal is a Science Fiction, Adventure and Comedy Story of a housewife, career woman and Mother Delilah Marasigan. After being involved in a surprising twist of Fate, she found herself in a situation where she will be tempted to stay or leave...