XIII. KA-IL

620 15 1
                                    

Life is a series of struggles entwined in a complex web of plots. I have always held on to the belief that God will fulfill his promise into my life, 'For I know the plans I have for you. Plans to prosper you, not harm you. Plans to give you hope and a future.'
Then all of a sudden, it all turned into tragedy.
Lahat ng paghihirap ko. Lahat ng pagtitiis ko. It was all for nothing.
Sa isang iglap, heto ako. Nasa bingit na naman ng kamatayan. Itong nakaraang dalawang araw, daig pa ang isang taon ang lumipas. Dahil ilang beses ding nalagay sa panganib ang buhay ko.
Ito na marahil ang huling pagkakataon na mangyayari ito. Wala ng susunod pa.
All my life, I always thought I was destined for something great but I was wrong. I am just like anybody. A nobody who wishes to be somebody.
'Ralph, Bebe, Rick, Dina... Sorry mga anak because I ended up this way...'
Tama si Teacher Mat. Kaya ako inilayo sa mga anak ko, sa asawa ko, kasi ako ang ngpapahirap sa kanila. I was their source of trouble. Ako nagpapahirap sa kanila. Kaya Kahit na anong pagpupursige pa ang gawin ng asawa ko patuloy siyang hihilahin ng kamalasan ko.
And just when I'm about to give up and accept my fate, that's when an unexpected thing happened.
"Ito na ang kamatayan mo!!!" sigaw Ni Lucifer.
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang sakit na mararamdaman ko.
"Waaaahhhh!!!" Palahaw niya.
Kataka-takang wala akong naramdamang sakit. Bagkus binitiwan niya ang pagkakasabunot sa buhok ko na ikinalaglag ko sa matigas na batuhan ng graba.
Dumilat ako at laking gulat ko nang makita ko sa harapan ko ang isa sa mga hooded figures na nakatayo sa tabi ko. Dala nito ang isang armas na animo'y espada na may pula at dilaw na liwanag na lumalabas.
Ito pala ang sumalag ng punyal ni Lucifer na dapat kumitil na ng buhay ko kanina.
Nag-laban sila. Sa una, inisip kong hallucination lang ang lahat. Imposible kasing mangyari ang mga bagay na tulad nito sa totoong buhay.
Imagine, two of the most out of this world creatures are out there fighting for me. At sino ako para pag-labanan nila?
Naalala ko tuloy yung teacher ko nung kindergarten pa ko. Sabi niya, lahat daw ng bata may guardian angel at sa oras na kailangan natin sila, darating sila.
Di pa man naikukuwento sa amin yun ng teacher ko, Marami ng pagkakataon na nalagay sa panganib ang buhay ko at nasubok na ang existence ng mga anghel Dela Guardia na iniisip nating matatanda na kathang isip lang.
Take for instance nung two years old pa lang ako. Nalaglag ako nun sa matarik na hagdanan ng apartment na inuupahan namin. Sabi ng Lola ko, Kataka-takang di naging dire-diretso ang bagsak ko. Sa halip parang may mga kamay na sumasalo sa akin kada baitang. At Kataka-taka din na sa gitnang gitna ako ng makapal na basahan bumabagsak.
Dalawang beses yon nangyari.
As early as that age, I know I'm different from other people. Nakakaramdam ako ng mga nilalang na di normal na magagawa ng isang tao. Kung minsn nakikita ko pa sila. I just ignored them of course. Natatakot kasi kong pag nalaman ng mga ispiritu na nakikita at nararamdaman ko sila, guluhin nila ko. May mga recollections pa ko na di ordinaryong maalala ng normal na tao. Kagaya na lang nang una akong nag-lakad pitong buwan pa lang ako. Paano ko maalala ang lahat ng yon?
Blag! Narinig ko ang malakas na pagkaka-balibag ng isang katawan malapit sa akin.
Ang hooded figure pala.
Sinalag nito ang buntot ng demonyo na animo'y ahas na gustong tumuklaw sa akin.
Naaninag ko ang hari ng kasamaan na tila walang kapaguran sa pakikipag-laban. Sa isang banda, humanga ako sa kanya.
Matipuno si Lucifer at tingin ko, he's invincible. Wala siyang kahirap-hirap sa pakikipag-buno sa naka-hood na nilalang.
"Hindi mo na siya maililigtas ngayon!" sigaw niya sa aking tagapag-ligtas-
Kahit mahirapan, hindi pa rin tumigil sa pakikipag-laban ang nilalang na kahit talampakan ay di ko makita.
Hampas ng espada. Salag. Paulit-ulit sila. Kada aatakihin ako ng hari ng impiyerno, naroon siya. Kahit katakot-takot na ang tama niya, di siya tumitigil sa pagta-tanggol sa akin.
Sino ba siyang talaga?
Papikit-pikit ang mata ko. Pakiramdam ko malapit na ko mamatay. Ang dami na yatang dugo ng nawala sa akin. Nanghihina na ko.
Kung gaano sila katagal sa ganoong pagtutunggali ay di ko alam.
Nang malapit ng magapi ni Lucifer ang estrangherong handang mag-buwis ng buhay para sa akin, biglang may mga kung ano-anong ilaw ang pumailanlang palapit sa kinakalaban niya.
Ang alam ko lang, mula sa kung saan-saang lupalop isa-isang lumabas ang iba pang mga hooded figures para tulungan ang kasamahan nilang nanganganib ang buhay.
Umatungal ng malakas si Lucifer nang masukol siya. Hanggang sa wala na itong magawa kung hindi ang umatras at tumakas.
Di pa man sa akin nakakalapit ang nilalang na nag-ligtas ng buhay ko, naamoy ko na ang mabangong mga bulaklak at prutas na samut-saring nagpapalit-palit.
At sa aking isipan nabuo ang isang pangitain ng isang maalwang bukid na puno ng malawak na ubasan.
Naramdaman ko na lang na umangat ang katawan ko sa lupa. Mahahapdi ang mga sugat ko. Sobrang sakit ng buong katawan ko. Alam ko. Bali at durog ang lahat ng buto ko kaya imposibleng mabuhay pa ko nito. Gayon pa man, nagpapasalamat ako ng lubusan sa nilalang na nag-tangkang iligtas ang buhay ko.
"Bawal ang iniisip mo..." Sigaw ng mga naka-hood na nilalang sa kung sino mang bumubuhat sa akin.
Narinig ko na naman ang salitang yon na parang pinag-halong huni ng mga ibon at mga hayop sa gubat.
Kagaya ng lengguwaheng ginagamit Ni Lucifer. Ang kaibahan lang, maamo at malamyos ang lalaking tinig ng mga ito.
"Hindi ko siya puwedeng pabayaan..."
Saan ko narinig ang mga tinig na yon? Pamilyar na pamilyar ito na nakapag-dulot ng luha sa aking mga mata
Kilala ko pero di ko maalala kung saan at paano. Kung anong papel ang ginampanan ng nilalang na may Dala sa akin ngayon sa buhay ko, di ko alam.
Basta ang alam ko lang.
Kilala ko ang may ari ng katawang kumakalinga sa kin ngayon at napaka-lapit niya sa puso ko.
Lalo pa kaming pumailanlang sa himpapawid. Napaka-lamig ng hangin pero mainit ang pakiramdam ko. Para kong Naka-balot sa makapal at malalambot na talulot ng mga rosas.
Bahagya kong idinilat ang aking mga mata para silipin kung ano ang ginagawa ng nilalang.
Under normal circumstances, manlalambot ang mga tuhod ko at siyempre pa I will feel so uncomfortable kung makakakita ko ng ganito kakisig na lalaki.
Isa pa, wala pa yata akong nakikitang kagaya niya.
Matipuno ang pangangatawan. Katamtamang laki ang mapupungay na mga mata na binagayan ng mahahabang pilik-mata. Matangos na ilong na parang pinisil sa dulo. At ang mga labi. Grabe. Makipot ngunit makapal sa bandang ibababang bahagi. Napaka-amo ng kanyang mukha. Di nakakasawang pag-masdan.
Ang kutis naman niya'y pinag-halong niyebe at tag-sibol.
Totoo pala ang mga nasa mga libro at canvas ng mga premyadong mga pintor. Napaka-ganda ngang tunay ng mga anghel. Perpekto silang mga nilalang. Ang kaibahan lang wala pa sa kalahati ng mga masterpiece na yon ang may karga sa akin ngayon.
Kumakampay sa likuran niya ang kanyang malalabay na pakpak. Tinanggal niya na ang suot niyang hood at mahabang damit na kulay lupa kaya kitang-kita ko na ang tunay niyang anyo.
Ang buong akala niya wala akong malay.
Ang di niya alam, lihim ko siyang pinagma-masdan.
Kita sa kanyang mukha ang pag-aalala sa akin.
Hinawi niya ang buhok ko at unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa akin.
I would have avoided that kiss not only because I don't deserve it but all the more because I'm a married woman.
Naniniwala ako sa forever Kahit na maraming tao ngayon ang hindi na naniniwalang puwedeng magtagal habang buhay ang isang relasyon.
Naramdaman ko ang malambot niyang labi na dumikit sa mga labi ko. And I felt all my fears disappeared. Pati na rin ang panghihina ko unti-unting nawala. Para bang may suction machine na humihigop unti-unti sa lahat ng nararamdaman kong sakit.
Nakita kong nagbabago din unti-unti ang kanyang kanina'y napaka-lusog na kulay. Pati na rin ang mga sugat niyang tinamo kanina ay nadagdagan pang lalo at nag-dugo.
I felt that he was getting weaker habang ako naman ay pilit na inaagaw ng antok.
Iminulat kong pilit ang mga mata ko sa takot na baka mawala ang aparisyon. Ayokong mawala siya ulit sa akin. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, nagkaroon ako ng kapanatagan at kaligayahang di ko maipaliwanag. Para bang ang matagal na bahaging nawala sa akin ay muli ng nabuo.
Ihinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya habang nanatili akong nakatitig sa kanyang mukha.
Nagulat siya nang makitang nakatitig ako sa kanya. Nag-tama ang aming mga paningin. At Ewan ko ba kung paano kong nabigkas at naala ang pangalan niya.
"Ka-il..."
Iyon ang huli kong nasabi bago ako nawalan ng malay.

The Portal (Journey to another Dimension)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon