XIV. Flight of Gods

613 16 6
                                    

Halos hindi ako humihinga nang lapitan ako ni Ka-IL. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko na halos lumabas na sa dibdib ko.
Lalo na nang mamasdan ko ang kabuuan niya na may siyam hanggang sampung talampakan pala ang taas kapag ganitong maliwanag.
Hanggang beywang lang yata ako ng mga anghel na ito. They're all such imposing figures na nakapagpabalik na naman ng insecurities ko when it comes to height.
Bakit naman kasi ganoon? Nasa five feet lang ako. Samantalang ang mga ito katakot-takot yata ang growth hormones. Di man lang nag-share kahit konti.
Mas natitigan ko silang mabuti ngayong nawala na ang hilo ko at mas maliwanag na ang isip ko. Grabe para pala silang mga estatuwang buhay. Porselana ang kanilang mga kutis pero iba-iba pa rin ang tint.
"Halika na..." Tawag sa akin ni Ka-IL nang makita niyang huminto ako sa tapat ni Ma-ils.
Perpekto ang pantay na pantay na kulay nito at ang katawan nito na parang pang modelo sa isang Levis commercial.
Nginitian ako ng anghel na si Ma-ils at tumango na para bang inaacknowledge ang pag-hanga ko.
Sa ginagawa ko, tahimik lang silang nag-masid lahat maliban kay Ka-IL na mukhang di nasiyahan sa ginagawa ko.
Napatingala ako nang marinig ko ang pagyayaya niya.
"Halika na...." Hayun na naman ang napakaseryoso niyang mukha. Kelan ko kaya siya makikitang ngingiti?
Napaka-lamig ng kanyang mga mata at halata sa nanghahaba niyang nguso na naiinis siya.
Natatakot tuloy akong lumapit sa kanya.
"Muriziuel akala ko ba gusto mo ng balikan ang mga kaibigan mo." Pasarkastikong Sabi niya. Siguro naba-bad trip na to at katakot-takot na na perhuwisyo binibigay ko sa kanya.
Naalala ko tuloy nung ipanganak ko si Bebe sa Fabella hospital sa Manila.
Pagkatapos sa delivery room, inilagay ako at si Bebe ng dalawang patpating kalalakihan sa binubuhat na stretcher. E di buhat yon, so obligado silang kargahin ako hanggang makarating kami sa ward kung saan ako mag-lalagi ng ilang araw, aba! Panay ba naman ang reklamo.
"Ano ba to? Lalaki o babae?" Sabi ng isa na halos na lumabas ang mga litid sa leeg.
"Oo nga eh. Grabe! Tawagin nga natin asawa nito para siya ang bumuhat! Grabe ang bigat!" Halos lumabas na mga mata niya sa sockets nito.
Reklamo din ng kausap niya.
Di naman ako super taba talaga. Large boned lang talaga ko. Kasalanan ko ba yon? Kaya mas mabigat talaga ko sa karaniwang babae.
Pag-dating namin sa may elevator eksaktong nag-brownout.
Ibinaba nila ko saglit at saka nag-pahinga. Panay pa rin ang mura nilang dalawa.
"T@n# in@! Kung kelan ka nga naman minamalas. Elepante pa naman ang karga ko saka mawawalan ng lintik na kuryente na yan!!!"
Di ko na kaya pang-aalipusta nila sa katawan ko. Kahit na ba sabihin pang kasing laki ako ng bariles, walang sino man ang may karapatang laitin ang katawang ito.
Bumangon ako at biniyabit ko si Bebe, anyway alam ko naman kung saang ward ako. I don't need their help.
"Halika na pre. Buhatin na lang natin to. Para mtatapos na." Pakli ng lalaking may malalaking mga mata.
Imagine he referred to me as an it. Isa ba kong gamit o hayop? Sus! Por Dios Por Santo! Santisima!
"Teka nasaan na siya?" Tanong ng isa sa kanila nang makita niyang wala na ko.
"Andito ko." Sagot ko habang biyabit si Bebe at pumapanhik sa hagdanan.
"Kesa naman panay panlalait at mura marinig ko sa inyo. Kaya ko naman kaya ako na lang papanhik mag-isa ko."
Natakot silang dalawa.
"Teka. Baka kung ano ang mangyari sa yo kami pa sisihin at mawalan kami ng trabaho."
Pag-panhik namin ng isang palapag, pinag-bigyan ko sila at humiga na ako ulit sa stretcher kasama ang Bebe ko.
"Ano? Sasama ka ba o hindi?" Ibinalik ako ni Ka-IL sa kasalukuyan.
Dahil nga sa alaalang yon, nabuhay na naman ang galit ko sa dibdib. Dito sa mundo, napakatindi ng diskriminasyon. Isa na ang pagkakaroon ng mataas na timbang. it looks like it makes you lesser than others kung mataba ka.
"Bigay mo na lang sa akin ang direction. Ako na lang mag-isa. Kaya ko na. Alam ko namang nabibigatan ka sa akin at pagod ka na. Isa pa, hindi ako si Muri something. For your information, my name is Del. Delilah Marasigan." Sarkastikong tugon ko sa kanya.
Narinig ko ang mahinang tawanan ng iba pang mga anghel na kasama niya.
Samantalang di ko pa rin mabasa ang tumatakbo sa isipan ni Ka-IL. For a moment, I glimpsed a slight smile on his lips. But I'm not sure kung imagination ko lang ang lahat dahil nawala rin yon agad.
Sa bilis niyang kumilos, para kong isang kuneho na biglang dinagit ng agila.
Lihim akong humanga kay Ka-IL. Bukod kasi sa napaka-ganda niyang lalaki, napakalakas din niya at he's a gentleman at every turn. Di niya ko pinabayaang lakarin mag-isa pabalik sa mga kaibigan ko.
Ilang sandali pa, lumilipad na kami, kasunod ang anghel na may pangalang Wesliasur.
Habang daan, pilit kong tinatandaan ang lahat kay Ka-IL. Ang matipuno niyang mga bisig na humahawak sa akin. Ang Perpekto niyang mukha na Napaka-amo. Ang malalabay at matitibay niyang pakpak na pumoprotekta sa akin sa lamig ng paligid
Normally masakit yung nakasabit ka lang sa isang bagay habang nasa ere. Pero sa pagkakataong ito I felt as light as a feather.
Saglit pa lamang kami sa himpapawid nang pukawin ng kasunod naming anghel ang aming mga atensiyon.
"SimKa-il. Hindi ito ang daan. Saan tayo pupunta?"
"Kakausapin ko lang sandali si Muri..." Nilingon niya ko.
"Del."
Wowowoh... Sarap pakinggan ng name ko sa mga labi niya. Namula tuloy ang kulay ko from head to foot.
Pagbaba namin sa isang patag na bundok, pulang-pula pa rin ang mukha ko dahil sa mga unimaginable things na naglalaro sa isip ko habang lumilipad kami sa ere. Sinubukan ko pa nga sa kanyang dumikit lalo at idikit ang aking pisngi sa kanyang mga dibdib. He smelled of wild grass and roses. Kung puwede nga lang yakapin ko siya ng di niya ko makikita at mapapansin, I would have done so.
"Bakit parang ang pula mo at mainit ka?" Tanong niya sa akin nang makalapag kami sa may batuhan.
Bumulong sa kanya si Wesliasur. Napayuko tuloy ako. Nakakabasa ba siya ng isip.
"Del, kailangan nating mag-usap." Kung alam man niya naglalaro sa isip ko, di ko siya nahalata.
Umupo siya malapit sa akin pero may isang dipa rin ang layo namin sa isa't isa.
"Nasa panganib ang mga anak mo... Ang pamilya mo."
Nakatitig kami sa isa't isa habang nag-uusap. Bakit parang di niya mabanggit ang asawa ko?
"Puwede mo ba kong dalhin sa kanila? Please..." Kung kailangan kong lumuhod para makabalik, gagawin ko.
"Kailangan mo munang matapos ang pagla-lakbay mo dito para mailigtas sila."
"Hindi kita maintindihan." Napa-iyak na ko.
"Kailangan ko silang mailigtas kung delikado ang kalagayan nila." Pagsusumamo ko sa kanya bago tuluyang isinubsob ang aking mukha sa aking mga palad.
Maisip pa lang na maysakit ang mga anak ko. Matinding paghihirap na ng kalooban ang binibigay nito sa akin.
Naramdaman ko ang dantay ng kanyang mga palad sa aking balikat and instantly I felt comforted. That I'm not alone in this.
I can't understand why I feel that way each time he comes near me. Ganoon ba ang epekto ng isang guardian angel sa kanyang pinoproteksiyonan? Because all my doubts dissipated in thin air since I saw him fight for me with his own life. There is no doubt na si Ka-IL ang aking anghel Dela Guardia.
"Maniwala ka sa akin. Nakabuti pa nga ang pagkakaparito mo dahil makakagawa ka pa ng paraan para masagip mo sila."
"I can't really understand you. Hindi ako pumunta dito. Dinala ko dito ng tornado. Pagkatapos akong dalhin ng Ipo-ipo lahat ng tao nawala. Iilan lang kaming natira. Kasama ang mga baliw na dark souls na yon."
Tinitigan ako ni Ka-IL sa mga mata. I swear I saw stars sparkling from his eyes right then and there at that very moment.
"Huwag mo sabihin sa aking di mo alam kung anong mga uri ng nilalang sila.,."
Naghahamon ang tono niya at di ko natagalan ang mga mata niya. Una akong nag-bawi ng tingin.
"Imposible pero nangyayari Del. Maging kami ng mga Angkan... " tumigil siya sandali at nag isip bago muling nag-salita.
Siya naman ngayon ang nag-bawi ng tingin na para bang may lihim na gustong ingatan.
"...Angkan ng himpapawid. Hindi kami makapaniwala na kaya mong gawin ito ngayon."
"What do you mean by that? Ano kaya kong gawin? Hindi mo ba nakita? Ilang beses na ko Muntik mamatay. Ilang beses ng nalagay sa alanganin ang buhay ko at ang pinakahuli nga yung kanina. Imagine naka face to face ko si Lucifer? Hay! I can't believe this is happening. Puwede pa siguro yung mga pipitsugin niyang alagad? Pero the king of hell himself. Shit! That's totally something."
Nagulat ako ng bigla niyang tapikin ng marahan ng isang daliri niya ang mga labi ko.
"Huwag kang mag-bitiw ng mga ganyang kataga. Sinasaktan mo ang kalooban ng may lalang sa atin sa tuwing sinasabi mo yan." Aniya sa matigas na tinig na parang isang amang nangangaral sa isang anak.
Napahiya ako.
"I'm sorry. I can't help it. Tao lang kami at di perpektong kagaya ninyo." Depensa ko sa sarili ko.
"Kaya mo kung gugustuhin mo. Ang pag-gawa ng mabuti kaya ng kahit na sino kung gugustuhin niya. Ang problema lang mas gusto ng mga tao ang makakabuti sa sarili kaya balewala sa kanya kahit makasakit siya sa kapwa."
"Kahit naman makita ko pa mga anak ko, wala naman akong panlaban kay Lucifer. Tiyak na matatalo niya pa rin ako. Ano naman panlaban ko sa kanya? Hamak na mortal lang ako." ibinuwelta ko sa ibang bagay ang usapan.
Ayoko pa naman sa lahat yung sinesermunan ako.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Lumuhod siya sa harapan ko at pilit akong pinatingin sa kanyang mga mata.
Oh my... Hahalikan niya ko. At nang halos mag-dikit na ang aming mga mukha at nararamdaman ko na ang kanyang hininga saka siya tumigil.
"Higit ka pa sa inaasahan mo Del..." Aniya sa pabulong na tinig.
"Maaaring nabura ang alaala mo sa tunay na ikaw pero ikaw pa rin yan. Nasa loob ng katawang ginagalawan mo ngayon..."
Bakit ang tagal ng kiss? Tanong ng puso ko.
"Del, kailangan mong magpakatatag. Huwag mong bigyan ng pagkakataon si Lucifer na talunin ka..."
Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig. Ito ang tinutukoy niya. Dapat akong magpakatatag laban sa tukso. Di pa man ako humaharap sa tunay na laban. Talo na agad ako.
"Kailangan mong matutunan na kontrolin ang iyong pandama at huwag mong pabayaan na ang pandama mo ang kumontrol sa yo."
Inilayo niya ang kanyang mukha sa akin at hindi ko alam kung bakit sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
Tumayo siya at lumakad papunta sa gilid ng bangin at nang maabot niya ang bingit, tumigil siya.
"Higit ka pa sa inaasahan mo Del. Sana tanggapin mo yan. Sa muli ninyong paghaharap, maalala mo sana mga sinabi ko sa yo. Sa kamay mo nakasalalay ang lahat."

"Ate Del!!!" Tuwang-tuwa ang mga bata at sina Teacher Marvin at Teacher Mat nang makita ko sila. Meron pa silang kasama na isang pamilyar na mukha. Si Hermilo, isa sa mga kasamahang anghel ni Simka-il na nagbabalatkayong tao. Marahil para samahan kami. Kagaya ng kasama ko ngayong si Wesliasur.
Mayroon palang maliit na kapilya ng mga Kristiyano malapit sa labas ng gate ng Greenwoods. Ang Happy Dream. Church. Naliligiran ito ng mga iba't Ibang punong kahoy na nakapagpapalamig ng lugar.
Kataka-takang tahimik ang lugar ngayon at nakakapag-laro pa ang mga bata sa puno ng mangga na nakatayo sa gilid ng pintuan ng kapilya.
"Paano ka naka-takas sa mga dark souls Te?" Tanong sa akin ni Ada nang masarili niya ko.
"Saka sino yung kasama mo?"
Si Wesliasur ang tinutukoy niya. Kanina, pagkatapos nang pag-uusap namin ni Ka-IL, wala kaming imikan sa pagla-lakbay.
Mugtong-mugto pa mga mata ko sa kaiiyak pero ni minsan ay wala siyang sinabing magpapagaan ng kalooban ko. Kung anuman ang tumatakbo sa isip niya hindi ko alam. Ni hindi ko nga alam kung magki-kita pa kami ulit.
Pag-lapag namin sa aspaltong daan, basta na lang siya bumulusok sa ere at iniwanan kami ni Wesliasur.
"Sasamahan ko kayo Del. Huwag ka mag-alala." I felt that he was trying to comfort me.
Tumango lang ako at lumakad. Kahit ano pa ang sabihin ng anghel na to, I won't feel at peace. Knowing that I disappointed my guardian angel Simka-il. besides I would have felt more secure kung si Ka-IL ang nandito.
Napa-tigil ako sa pag-lakad at napaisip. That's the first time I called him by the name the other angels referred him to. Saan ko ba narinig ang pangalang yon? Bakit very familiar?
"Te alam mo ba nangyari nang iwanan mo kami? May dumating na kotse. Tumigil sa harapan namin. Tapos lumabas yung driver at tinulungan kami. Si Kuya Milo name niya. Nasa greenwoods din pala siya. Ang akala niya raw siya na lang ang tao. First time niyang makakita ng human in two days kaya tuwang-tuwa siya nang makita niya kami. Buti dala niya yung coaster niya kaya lahat kami kumasya sa loob. Alam mo ba Te, dami niyang dalang pagkain. Me freezer pa siya sa loob ng sasakyan na punong puno ng mga fresh seafoods. He's really cool."
"Sino ba yung kasama mo Te Del?" Tanong niya ulit sa akin habang pinagma-masdan ang hubad na pang-itaas na katawan ni Wesliasur habang tinutulungan nito si Lance na mag-sibak ng kahoy na pang-gatong namin mamaya sa pagluluto.
"Bakit? Type mo si Wesley no?" Biglang sumulpot si Gayle kung saan.
Wesley pala pakilala niya. Kagaya din ni Hermilo na Milo ginamit na pangalan.
"Ikaw talaga Gayle, ang dumi talaga ng isip mo no?" Sagot ni Ada sabay hila ng buhok ng kaibigan.
"Ay huwag mo ko umpisahan Ada ha! Alam mo naman di ako umaatras sa laban." Ani Gayle na una kong pagkakataon na nakitang tumawa.
Nag-habulan silang dalawa habang tawanan ng tawanan.
Nang mapagod ay pasalampak na umupo sa mag-kabilang tabi ko.
"Ano ba talaga nangyari Te? Paano mo nagawang takasan ang mga dark souls eh ang dami nila?"
"Nagkataong padaan ako sa lugar. At alam kong asin ang mabisang panlaban sa kanila." Sagot ni Wesley na hindi namin namalayan ang pag-dating.
He looks so brutally handsome with his upper torso bared. I can't also help but admire him just like the two young ladies sitting beside me.
'Ayan ka na naman Del. Kasasabi lang ni Ka-IL na mag-ingat ka sa iniisip mo.' Iniiwas ko ang mga mata ko at tumingin sa tatlong teen-agers na sina Guianne, Kaye at Jem. Papunta sila lahat sa kusina ng simbahan at may mga dalang kaldero, sandok at kung anu-ano pa.
"He was just right in time." Dagdag ko pa na ang talagang tinutukoy ay si Ka-IL. Gusto ko kasing ibahin ang tema ng usapan para mawala ang hypnotic effect sa amin ng immortal na si Wesliasur.
"Taga-Greenwoods ka rin?" Tanong ni Gayle na parang lalo yatang tumingkad ang kagandahan ng ngumiti.
I swear I can see something in that look. While Wesliasur remained oblivious to the admiration thrown his way.
Nasa ganoon kaming ayos nang dumaan si Jem. Karga nito ang isang batya ng mga huhugasang Plato, kubyertos, baso. Malapit na talaga niyang mabitiwan ang mga dala niya buti na lang at nandun si Wesliasur.
Eksaktong naalalayan si Jem nito nang halos mabitiwan na ang mga dala niya.
Pulang-pula ang mukha ng dalaga habang nakayakap mula sa likuran niya si Wesliasur na parang balewala lang ang lahat.
Hay. The fangs of first love... I know one when I see one.

The Portal (Journey to another Dimension)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon