Naramdaman ko ang mabilisang pag-pasok ng tubig sa loob ng katawan ko nang mag-Simula na kong lumubog.
Sa simula'y pinilit kong magpakahinahon. Pinigil kong huminga. Dahil sa ilang beses na nga akong nalunod kaya alam kong kapag ginawa ko yon, papasok lang ang tubig sa baga ko. Pero nang nag-tagal, nagpaubaya na rin ako. Wala na kong magagawa. Hindi ko kakayanin na kontrolin ang pag-hinga ko ng matagalan. Kahit naman ano gawin ko, yun din naman ang kauuwian ko. Kaya why delay the agony?
Alam kong ilang sandali na lang tuluyan na kong malalagutan ng hininga. Yun ay kung hindi ito ang lugar na kung tawagin nila'y impiyerno. Isang lugar kung saan walang kamatayan at patuloy na pinahihirapan ang mga taong makasarili at makasalanan na gaya ko.
Ah... Grabe ang sakit ng buong katawan ko. Gusto kong ipikit ang aking mga mata pero nanatili akong nakadilat at nakatunghay sa itaas kung saan Malinaw kong naaaninag ang liwanag ng araw na tinatakpan ng mga ulap.
Nagsumiksik sa isipan ko isa-isa ang mukha ng aking mga anak. Asawa. Mga magulang at kapatid. Mga taong kumupkop sa akin at nagpala. Mga taong nadisappoint sa akin.
Humalo ang mga luha ko sa tubig. Ganito ba ang nararamdaman ng isang taong namamatay? Puno ng pagsisisi at pagnanais na itama ang mga nagawang kamalian.
Isang bisyon ang malinaw na nakita ko...
Mapapatay ni Lucifer si Sim-Kail. Ito marahil ang bagay na nabasa ko sa isipan niya nung mag-kasama kanina.
Hindi ito puwedeng mangyari. Dahil sa pagkakaalam ko, walang kaluluwa ang mga anghel. Kapag namatay sila, wala na silang pagkakataon pang mabuhay. Magiging bahagi na lang sila ng kahapon na kahit na kelan ay hindi na maaari pang ibalik.
Kasalanan kong lahat ito!!!
Ngunit kahit na anong gawin ko para palakasin ang sarili ko, wala ng mangyayari.
Sa bandang huli'y sumuko na rin ako at ipinikit ko na ang aking mga mata. Hindi ang kagustuhan ko ang masusunod kung hindi ang Plano ng May Lalang sa akin."Mommy Eto si Angel! Eto si Devil!" Ipinakita sa akin ni Bebe ang laruan niyang lego na parehong may pakpak.
Kapwa ito may dalang espada.
"Ahhh!!! Papatay kita! Sabi Devil sa angel."
"Sino panalo?" Tanong ko.
"Siyempre angel... Kaya lang..." bigla siyang nag-isip at tumitig sa akin.
"Isa angel patay...""Muriziuel... Muriziuel... "
Isang napakalamig na tinig ng isang babae ang narinig kong tumatawag sa akin.
Patay na ba ko?
"Muriziuel... " Hayun na naman ang boses na yon na pamilyar sa akin pero di ko alam kung saan ko narinig.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. May masakit pa ba sa katawan ko? Nahihirapan pa ba kong huminga? Hindi na. Marahil nga... Patay na ko talaga.
Pero bakit ang dilim? Wala akong makitang kahit na ano.
"Dumilat ka..." Anang tinig ng babae na waring mas malinaw na ngayon.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Sa una'y malabo pa sa akin hanggang sa maunawaan kong nakalubog pala ko sa ilalim ng tubig. Nasa ganoon akong ayos nang lumangoy ang babae sa harapan ko.
Under normal circumstances matatakot talaga ko pero hindi sa pagkakataong tulad nito.
Parang transparent ang magandang babae. She's more like a jellyfish sa unang tingin na habang tumatagal ay nagkakahubog.
Sa likuran niya lumalangoy din na nakatunghay sa akin ang isang batalyon ng mga nilalang na kagaya rin niya.
"Ano? Gising ka na ba?"
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Pamilyar siya ngunit di ko matandaan kung saan kami nagkita.
"Ayesarim ang pangalan ko. Reyna at Diyosa ng karagatan. Dati tayong matalik na mag-kaibigan. Nakalimutan mo na ba?" Sinundan niya ito ng malakas na halakhak na halos nakapagpabingi sa akin.
Tinakpan ko ang dalawang tenga ko nang nakisabay din sa pag-tawa ang iba pang mga nilalang.
Napapikit ako nang biglang sunod-sunod kong nakita na naman ang mga pangitain.
"Kailangan ninyong manindigan Ayessarim. Magkakaroon ng digmaan ang mga kampon ni Lucifer at kaming mga nananatiling tapat sa May Lalang. Kanino papanig ang iyong Angkan?" Pakli ni HerMilo sa naiinis na tinig habang kami naman ni Simka-il ay nakatayo lang di kalayuan sa kanya.
"Ayoko sumali sa anumang labanan." Sagot ni Ayesarim na di makatingin sa puno ng hukbo namin.
Paminsan-minsan tumitingin siya sa akin na para bang gustong sabihin, 'Alam ba nila?'
Batid kong ang gusto niyang tukuyin ay ang pakikipagtiyap sa kanya ni Lucifer ilang Linggo na ang nakakaraan. Pinupuntahan nito ang lahat ng mga nilalang at pilit hinihingan ng tulong. Nangangakong kung makikianib ang sinuman sa kanya, magkakaroon ang mga ito ng ganap na kapangyarihan kasama na ang pagiging imortal.
Sinabi yon sa akin ni Ayesarim minsang namamasyal ako sa kaibuturan ng dagat. Isa kasi ito sa mga hilig kong gawin. Marahil kung Bibigyan ako ng pagkakataong pumili ng isa pang kaanyuan, ang maging kaisa ng mga Nimfa ang aking pipiliin. Ang gaganda kasi nilang tingnan. Lalo na kapag lumalangoy at sumisisid sa ilalim para mag-pala sa mga nasasakupan.
"Ano sa palagay mo? Di ba tama lang na huwag tayong sumali sa alitan nila?" Bakas sa mukha niya ang takot.
"Kaibigan din natin at dating kasamahan ang tinuturing nila ngayong pinakamasamang nilalang sa lahat. Isa pa, ayoko din naman saktan ang May Lalang sa atin kung aanib naman ako sa grupo ni Lucifer. Sa tingin mo?" Hindi ako sumagot.
Masama pa rin ang loob ko. Hindi ko maintindihan kung bakit wala kaming karapatan na mag-mahal na kagaya ng mga tao. Ano ba ang meron sa kanila na wala kami. Kung tutuusin kami ay libo-libong taon na nananatiling tapat sa May Lalang samantalang sila halos araw-araw ay nagkakasala. Di sila mapagkatiwalaan kahit saglit man lang.
Ang nakakapagtaka pa, nagbabalak ang May Lalang na iligtas sila sa Kumunoy ng apoy ng impiyerno. Hah! Napakasuwerte naman nila. Kung ako ang masusunod gugutay gutayin ko ang mga laman nila at papahirapan ko sila sa kawalang utang na loob nila.
"Hindi rin ako sasali sa alitan nila..." Mahina ngunit tiyak ang tinig ko ng sumagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Portal (Journey to another Dimension)
FantasíaThe Portal is a Science Fiction, Adventure and Comedy Story of a housewife, career woman and Mother Delilah Marasigan. After being involved in a surprising twist of Fate, she found herself in a situation where she will be tempted to stay or leave...