We are all meant for someone. Whether you are beautiful or ugly, stout or fragile, rich or poor, wise or fool, young or old, good or even evil. We know how to love and no matter how hard we try to control ourselves to avoid getting hurt, we still find ourselves loving that one special person as much as we love ourselves or even perhaps much more deeply than that.
God created us this way. To love and be loved. To take care and be taken care of. Whether we like it or not, this is our fate and our destiny...
Ngayon ko mas naiintindihan ang aking sarili. Ang dating hungkag at Walang kabuluhang buhay ko, finally nagkaroon ng meaning."Muri mahirap ba maging tao?" Tanong sa akin Ni Sim-Kail habang minamasdan namin ang kagandahan ng paligid sa May bukid. It seems like we have done this so many times. The image is so vivid and yet so impossible. From afar, we can see the heavy clouds starting to develop as rain. Nagliliparan naman ang mga ibon sa himpapawid sa dakong yon na parang humahanap ng pagkakanlungan sa pag-Bagsak ng ulan.
Nakasandal ako sa Isa sa mayayabong na puno ng Eden samantalang nakahiga naman siya sa kandungan ko. Kapwa kami nakatanaw sa malayo habang minamasdan ang mga hayop na animo'y natutuwa sa pag-dating ng ulan.
"Walang kasing hirap..." Pagkasabi niyon ay tumawa ako ng malakas. Alam kong kahit hindi ko sabihin sa kanya batid niya ang Lahat ng pinagdaanan kong hirap.
Nilingon niya ako at bumangon. Umupo siya ng paharap sa akin at minasdan ang aking mukha.
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa aking mukha.
"Kung kaya ko lang tanggalin lahat ng sakit na yon sa Yong alaala, gagawin ko." sinsero niyang tugon.
Kahit na ilang beses niya ng ginagawa ito sa akin, I can't still get over it. There is something in that look that made me feel so vulnerable.
Nag-bawi ako ng tingin at tinangkang ibahin ang pokus ng atensiyon ko.
"You don't have to. Alam mo, kung meron man akong natutuhan Bilang tao? Yun ay di mo maaappreciate ang mabuti kung hindi ka makakaranas ng hirap."
Sagot ko na minamasdan ang unang pag-patak ng ulan mula sa langit.
Hindi naman kami puwedeng pumasok ni Sim-kail sa palasyo ng May Lalang. Sabi Kasi ng Dakilang Lumikha , kapag dinala Niya ko doon hindi na ko maaari pang bumalik sa amin.
Kahit na gaano pa kaperpekto ang lugar na to, nanaisin ko pa ring bumalik. Para sa mga anak ko. Kailangan pa nila ko. Lalo na si Bebe.
"Di kita maintindihan..."
"Uulan na. Halika! Mag-hanap tayo ng masisilungan." Tumayo ako at tinangkang pagpagin ang puwitan ng palda kong nadikitan ng Konting lupa.
"Natatakot ka bang mabasa?" Di niya makapaniwalang tanong sa akin.
"Oo. Tingnan mo nga. Mukhang malakas ang ulan na paparating." Itinuro ko ang maiitim na ulap na patungo sa amin.
"Mahirap na. Baka magkasakit pa tayo."
Tumayo din siya. Hinila ang isang kamay ko. Akala ko hahanap kami ng masisilungan, ngunit sa halip iginiya niya ko upang salubungin ang paparating na ulan.
"Mali tayo ng direksiyon Ka-IL!" Sigaw ko.
"Nasa Eden tayo. Walang nagkakasakit dito!" Sagot niya na humahalakhak na parang bata. Yun ang unang pagkakataong nakita ko siyang ganoon kasaya. Nakakahawa ang pag-tawa niya hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na napakasayang gaya niya. Para kaming mga batang nag-hahabulan sa ulan. This brought memories from my childhood.
Nagtatakbo kami ng paikot-ikot na magkahawak ang mga kamay sa basang damuhan hanggang sa tuluyan na kaming mapagod at tumatawang napaupo. I have this hunch that I will never forget that day until my last breath. I memorized every inch of his innocent face. The tousled hair that matched his sly grin. That playful look that seems to tease me almost brought tears to my eyes. Salamat na lang at umuulan kaya naitago ko ang pamamalisbis ng luha sa aking mga mata.
"Umiiyak ka ba?"
I tried to hide the tears and look elsewhere.
"Hindi... Wow ang ganda ng rainbow." I mentioned the first thing that caught my attention. Tumakbo ko palapit don. Para makita ko ng malapitan at higit sa lahat, maitago ang nararamdaman kong lungkot dahil alam kong lahat ng ito'y di permanente.
"Ang gAnda." Sabi ko na hindi siya nililingon.
I suddenly realized how impossible this would be if it was in reality.
The more I think about how life has cheated me many times, the more I can't stop crying. Mula maliit pa hanggang sa magka-edad. The world is always unfair. I always get the shortest stick the world has to offer. Nobody cared for me nor thought about how I felt. Palaging ako ang dapat mgbigay, magparaya at di magsalita. Kahit sobra na kong naaagrabyado, I would still keep my cool and just accept what fate has dealt me with. I was not good at showing affection because I was never given unconditional love. Palaging dapat may kapalit.
And now that someone is here to love me, I felt so overwhelmed by the situation that I don't know how to react.
"Umiiyak ka..." Aniya mula sa likuran ko.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman kahit hindi niya nakikita ang mga mata ko. Dahil ba sa pagyugyog ng aking mga balikat na Pilit kong kinokontrol o sadyang Kilala niya lang ako talaga.
Sa loob lang ng ilang segundo, nasa harapan ko na siya.
Gusto ko sabihin sa kanya na si Muriziuel ang mahal niya. Hindi ako. Na kaya niya lang ako nagustuhan, Yun ay dahil sa kanyang pinakamamahal na si Muriziuel.
Ako si Del. Ang matanda at pangit na si Del. I want to pretend even for a day that I am the perfect and beautiful Muriziuel but that would be going against my principles.
Ewan ko ba kung bakit kahit Ano ang gawin kong kumbinsi sa sarili ko na ako din si Muriziuel parang nahihirapan akong tanggapin yon. Marahil dahil mas sariwa ang mga alaala ko Bilang si Del o nasanay na ko sa pagiging Tao ko. Sa pagiging talunan ko.
I felt his towering figure in front of me. The rain has already stopped and I know that I won't be able to hide my tears anymore this time.
"Del..."
I heard him mention my name.
OMG. Natunaw ba ng ulan ang magandang imahe ni Muriziuel at ngayon ay naexpose na ang tunay na anyo ko. I felt so awful and yet satisfied. At least I don't have to pretend anymore.
"Sorry. Naiintindihan ko kung naturn off ka. Alam ko namang si Muriziuel lang talaga habol mo sa akin. At kung di ko lang dala sa ispiritu ko ang babaeng pinakamamahal mo..." Di ko itinuloy ang sasabihin ko. Kasi parang madudurog ang dibdib ko, maimagine pa lang na lalayuan niya ko.
Nakita ko pagkaunawa sa kanyang mukha. And worse is, I saw that look of pity in his eyes. Yun ang ayoko sa lahat ang kinakaawaan ako. Gusto kong tumakbo at tumakas. At kalimutan ang lahat. I was about to do that when he caught my wrist.
"Del. Kung tingin mo si Muriziuel lang ang ginusto ko sa yo. Nagkakamali ka. Minahal kita ng buo. Hindi kung Sino ka."
I was surprised with his next move. Niyakap niya ko. Mahigpit. And I heard him cry.
"Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Lalo na't alam kong aalis ka na naman at kailangang bumalik..."
Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko nang yakapin ko din siya. Kung ganon, pareho lang pala kami ng nararamdaman. He is also feeling this hollow space inside when you are about to lose someone.
May ilang minuto din kami sa ganoong ayos bago kami naglayo.
"Del, pangako mo sa akin na hindi mo ko kalilimutan..."
Gusto kong matawa. Ako pa ba ang makakalimot? I mean look at him. He's the most perfect thing that can ever happen to anyone.
"Promise..." I said while biting back the tears.Sinulit namin ni Sim-kail ang kaunting oras na meron kami. Ipinasyal niya ko sa mga lugar sa paligid ng Eden. Para din palang daigdig ang Eden. May mga bahay din ang mga tao. May mga sasakyan din. May mga malls din, palengke at mga eskuwelahan.
Ang kaibahan lang. Lahat doon perpekto. Lahat masaya. Walang malungkot. Walang nagdurusa. Tahimik. Payapa at Walang away. Lahat nagtutulungan.
Ipinakilala niya ko sa mga ilang bagong kaibigan at nakipagniig din kami sa mga dating kakilala.
Lahat sa paligid ay napuntahan ko maliban sa malaking palasyo kung saan nananahan ang Dakilang Lumikha.
Sa huling araw ko kapiling siya, pinuntahan namin si Ayesarim. Bumaba kami sa hugpungan ng daigdig at langit.
"Maaalala ko bang lahat ang nangyari sa akin?" Tanong ko sa aking kaibigan na mukhang nakabawi na sa pagkawala ng kanyang minamahal na si Hermilo. Nakaupo kami sa Matataas na tumpok ng bato sa May dalampasigan.
Mula sa di kalayuan, nakikita namin ang grupo ng mga lambanang nagkakasayahan.
"Oo Del. Maaalala mong lahat ito. Pero marahil maiisip mong bunga lang lahat ito ng iyong imahinasyon."
"Ibig bang sabihin pagbalik ko Magaling na din akong lumangoy?"
Tumawa ng malakas si Ayesarim.
"Hindi. Ang mga kakayahan mo dito'y iba sa Yong daigdig. Galing sa alabok at sa alabok ay magbabalik." I really hate it when she says that.
"Basta ang mananatili lang sa yo ay ang alaala ng lahat."
"Ang mga anak ko? Maaalala din ba nilang lahat ito?"
"Maaalala pero hindi lahat. Tuluyan silang aagawin ng realidad ng daigdig ngunit ang pandama nila'y mananatili."
"So ibig sabihin maaaring maibilang ko na lamang isa sa mga panaginip ko ang Lahat ng ito balang araw?" Nalungkot ako.
Lumapit sa akin si Ayesarim at Hinawakan ang mga palad ko.
"Kung hahayaan mo. Ganon na nga... Patuloy pa ring darating sa yo ang mga pagsubok. Dahil tao ka pa rin. Yun ang nakatakda..."
Ang saklap naman.
"Muriziuel... Huwag kang matakot. Tandaan mo kung Sino ka. Huwag kang patalo sa nararamdaman mo o iyong nakikita. Tandaan mong bago naging realidad ang isang bagay, nanggaling muna sila sa wala. Sa ispiritu. Kung darating sa yo ang mga pagsubok, Huwag kang mag-alala, darating din ang mga bagay na patunay at mga bagay na magpapatibay ng iyong mga paniniwala. Magkaroon ka lang ng matatag na disposisypn. Huwag mong pabayaang makontrol ka ng iyong pisikal." Paalala niya.
Nagulat siya nang bigla ko siyang yakapin.
"Kung minsan, mas nagugustuhan ko pa ang bagong ikaw kaysa sa dati mong pag-uugali." Natatawa niyang pakli. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. May pagka-aloof kasi si Muriziuel. Malamig siya at matapang. Masyadong mataas ang tingin sa sarili. Her only weakness is Sim-Kail. In a way, maybe God made her human so that she'll realize that she's shouldn't be so preoccupied with herself.
"O siya... Siya... Kanina pa naghihintay ang iyong minamahal. Puntahan mo na siya..." Nakita ko si Sim-kail na nakatayo di kalayuan sa amin. Kagaya ng madalas niyang gawin noon. Libo-Libo ng taon ang nakakaraan. Mas kuntento na siyang pag-masdan kami ni Ayesarim sa aming pag-uusap.
Lumakad ako palapit sa kanya at nang malapit na ko'y inilahad niya ang isang palad niya sa akin.
Ito na ang huling araw kong kasama ko siya. Bukas wala na ko dito. Hindi ko na rin siya tuluyang makikita.
Tahimik kami pareho habang naglalakad sa maalwang kapatagan na ngayo'y tahimik na tahimik.
Habang daan, Paminsan-minsan ko siyang sinusulyapan. I tried to memorize everything about him. His face. His body. His movements. His hair. The more I looked at him, the more I felt like staying.
"Natatandaan mo ba yon?" Itinuro Niya ang matarik na daan patungo sa lugar kung saan Kami natulog nang gabi bago kami nag-harap ni Lucifer.
Bumuwelo siya at lumabas ang malalabay niyang mga pakpak. Kaya ko ding gawin yon pero di ko ginawa. Mas gusto kong sa huling araw kong kasama ko siya, ilipad niya ko nang gaya nang una naming pagkikita. Ngumiti siya sa dako ko bago ako Inakbayan at bumulusok sa ereng kasama ko.
Habang patungo kami doon, Yumakap ako sa beywang niya at ihinilig ang aking ulo sa kanyang dibdib. This will be the last time that we will be together. I might as well make it memorable.
Pag-lapag namin sa itaas ng patag na lambak. Naupo kami sa dating lugar kung saan ko unang narinig na sinabi niyang mahal niya ako.
Magkatabi naming tinanaw ang mga bulubundukin sa paligid.
Nangilid ang mga luha ko sa Sobrang ganda ng lugar. Everything seems so perfect except for one thing. That I will be soon leaving this place.
I felt his grip tighten on my upper arms.
I looked at him and found myself gazing at his soulful eyes. I felt him struggling hard for his emotions as well.
"Gusto kong sabihin sa Yong Huwag ka ng umalis. Pero alam nating dalawa na di yon makakabuti. Kailangan mong matapos muna ang iyong paglalakbay..." he said meaningfully.
"I love you Kail... Hindi kita malilimutan."
Tumango siya at malungkot Na ngumiti.
"Nakapag-Tiis na tayo ng mahabang panahon. Ngayon pa ba tayo susuko?"
Yumakap ako sa kanya at pinabayaan ang sarili kong umiyak ng umiyak.
"Mamimiss kita..." paulit-ulit kong sabi.
"... Tandaan mong lagi lang ako sa Yong tabi..."
BINABASA MO ANG
The Portal (Journey to another Dimension)
FantasiThe Portal is a Science Fiction, Adventure and Comedy Story of a housewife, career woman and Mother Delilah Marasigan. After being involved in a surprising twist of Fate, she found herself in a situation where she will be tempted to stay or leave...